KISHA'S POV Agad na akong nagtungo sa bahay nina Kenzo. Alam kong nasa PIlipinas siya kaya siya na lang ang kakausapin ko. Iyong boss namin, ayaw niyang sagutin ang tawag ko. Pinatay niya ang tawag nang tumatawag ako. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon. At alam kong kapag siya ang kinausap ko, malamang na hindi siya papayag sa gusto ko o magbibingi-bingihan lamang siya kaya si Kenzo na lang ang kakausapin ko. Mas lalo namang hindi pwedeng si Renzo dahil magulong kausap ang isang iyon. Alam ko rin na hindi siya papayag. Nang makilala naman ako ng guard ay agad na nila akong pinapasok. Naabutan ko si Karen na nasa sala habang may hawak siyang phone at may kausap. Awtomatiko siyang ngumiti nang makita ako. “I'll call you later,” paalam nito sa kausap at pinatay ang

