KISHA Sinuot na ni Renzo ang sumbrero niya para takpan ang mukha niya saka ako hinawakan sa kamay at hinila pababa. Medyo siksikan pa sa baba kaya niyakap niya ako sa balikat para protektahan ako sa posibleng bumangga sa akin. Ako iyong bodyguard pero parang nabaliktad kami ng role ngayon. Nalukot ko ang ilong ko dahil sa iba’t ibang amoy na naamoy ko mula sa paligid. Idagdag pa ang ilaw na gumagalaw, medyo masakit sa mata. Sinubukan ko namang umalis sa pagkakaakbay niya sa akin pero ayaw niya akong pakawalan hanggang sa makalabas kami. Kaya nang makalabas kami ni Renzo ay parang nahihilo ako. Kaya napahinto pa ako saglit sa paglalakad ko at mariing pinikit-pikit ko ang mata ko. Saka ako muling humakbang. Huminto kami sa tapat ng motor ko. “Give me the key,” wika niya at inilahad ang

