Chapter 13

1439 Words
KISHA'S POV Habol ko ang hininga ko at kahit ramdam ko ang malamig na tubig na pumapatak sa hubad kong katawan ay hindi ko mapigilang mag-init ng mga pisngi ko. Ilang beses kong hinilamusan ang mukha ko upang mahimasmasan ako. Walang ibang nakakakita sa akin pero hindi ko mapigilang mahiya. Malinaw na sa akin nag buong nangyari. Kung ano ang namagitan sa amin ni Renzo. Ngayon, parang gusto kong ibangga ang ulo ko sa dingding na semento upang makalimutan ko lahat ng nangyari. Ilang beses kong binatukan ang sarili ko. Hindi ko akalaing magagawa ko ang bagay na iyon. Kaya naman pala sobrang sakit ng pagitan ng mga hita ko. Hindi lang pala isang beses niya akong inangkin. Mariin akong pumikit. Mas nilakasan ko ang shower nang maramdaman kong tila nag-iinit ang buong katawan ko. Mabilis ko nang tinapos ang paliligo ko. Naupo ako sa kama habang tinutuyo ko ang buhok ko. Nakatulala lang ako habang nakaupo. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Alam kong wala na akong magagawa pero sa tuwing papasok sa isip ko ang mga pinaggagawa namin, gusto ko na lang kainin ng lupa. Hindi iyon ang unang beses na may naglagay ng droga sa alak ko pero iyon ang unang beses na tila nawala ako sa sarili ko at hinayaan kong magpadala sa kung ano mang nararamdaman ko. Nasuklay ko ang buhok kong medyo basa pa. Ito ang unang beses na pumalpak ako at sa dami ng kapalpakang pwede kung gawin, ang bumukaka pa. Marahas akong bumuga ng hangin. Tumingin ako sa pinto. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Renzo ngayon. Kanina, wala pa akong pakialam dahil masama ang pakiramdam ko at medyo blurred pa sa akin ang mga nangyari kagabi, pero ngayon, gusto ko na lang maglaho. Hindi ko alam kung sino ang dapat sisihin sa nangyari. Ako na prinovoke siya kagabi o siya na alam ang sitwasyon ko pero pinilit pa ring may mangyari sa amin. Parang sumakit bigla ang ulo ko. Sana kinaladkad ko na lang siya pauwi kagabi. Wala sana akong problema ngayon. Tumingin ako sa paligid. Ilang buwan na mula nang maging bodyguard ako ni Renzo. Boring ang trabaho ko. Dahil kailangan ko lang naman siyang bantayan at masigurong ligtas siya. Wala namang nagtatangka sa buhay niya, lalo na at nalaman na ng lahat na kakambal lang siya ni Kenzo. Nabalita na ang tungkol sa kanilang dalawa kaya sigurado akong alam na ng lahat na hindi sila iisa. Hindi gaya noon na nagpapanggap silang iisang tao lamang ng kakambal niya. Sanay akong may binabantayan dahil ganoon naman talaga ang trabaho ko pero sa tingin ko, kahit na matigas ang ulo ni Renzo, hindi naman talaga niya kailangan ng bodyguard. Mga fans lang naman niya ang sumusunod sa kaniya. Tinatamad na rin akong sumama sa kaniya lalo na kapag may shooting siya. Ilang beses na ba akong inalok na maging extra sa mga para sa mga magiging palabas niya pero tumanggi ako. Pabagsak akong nahiga sa kama. Mabilis akong umilalim sa kumot at pumikit para matulog pero asar na napabuntonghininga na lang ako makalipas ang ilang minuto. Hindi talaga ako makatulog. Siguro dahil maghapon akong tulog at masama ang pakiramdam ko. Day off ko pa rin sana ngayon, pero dahil sa nangyari kagabi at sa sakit ng katawan na nararamdaman ko ay hindi ko man lang na-enjoy ang day off ko. Asar na bumangon ako at lumabas ng kwarto ko. Sarado na ang mga ilaw kaya hindi ko na iyon binuksan at bumaba na ako. Naaninag ko naman ang nilalakaran ko. Isa pa, sanay ako sa dilim. Napahinto ako nang maramdaman kong may kaluskos. Kinuha ko ang tambo sa may gilid bago ako dahan-dahang humakbang para hanapin kung saan nanggagaling ang ingay na naririnig ko pero biglang may humawak sa balikat ko kaya mabilis ko iyong pinalo ng tambo sa tagiliran ng dalawang sunod. Binigay ko ang buong lakas ko sa pagpalo pero bigla itong umaray kaya napahinto ako. Boses ni Renzo ang narinig ko. Mabilis na binuhay ko ang mga ilaw at nakita ko si Renzo sa sahig habang hawak-hawak ang tagiliran niya at may balakang. “Ouch, mamatay yata ako ng maaga sa iyo, Kisha,” reklamo niya at pagapang na umupo sa upuang malapit sa kaniya. Namimilipit pa rin ito sa sakit. Bigla naman akong nakonsensya sa ginawa ko. Nanatili ako sa pwesto ko, hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o hindi. “Bakit hindi ka nagbuhay ng ilaw? Akala ko may nakapasok na,” katwiran ko sa kaniya. “Nabali yata ang buto ko sa lakas ng hampas mo,” daing niya at napangiwi. Nakasuot pa siya ng facial face mask. Nakatakip iyon sa buong mukha. Naglalagay talaga siya noon para daw mukha siyang fresh palagi kahit puyat, pang-moisturize daw iyon ng mukha. Madami talaga siyang arte sa katawan. Minsan nga pati ako gusto niyang maglagay noon, kaso hindi ako mahilig sa mga ganoon kaya tumanggi ako. Tinaas niya ang damit at mabilis akong umiwas ng tingin. Hindi dahil nakita ko ang abs niya, naka-boxer shorts lang kasi siya. Sanay na akong makakita ng magagandang katawan. Umiwas ako ng tingin dahil kita ko ang pasa sa tagiliran niya na alam kong ako ang may gawa. “Kanina binukulan mo ako, ngayon naman may latay ang katawan ko dahil sa iyo. Kisha, handa naman akong magpabugbog sa iyo pero sa sarap dapat hindi—” Mabilis niyang tinikom ang bibig at hindi na tinuloy ang sasabihin nang muli ko siyang hayaan ng tambong hawak ko. Alanganing tumawa ito. "Ang ibig kong sabihin, hindi ka ba naawa sa akin?" “Pasensya na. Hindi ko naman alam na ikaw iyon. Isa pa bakit hindi mo binuksan ang mga ilaw?” “Kukuha lang naman sana ako ng gatas. Hindi kasi ako makatulog. Hindi ko naman alam na bugbog pala ang makukuha ko mula sa iyo,” pagpaparinig niya sa akin. “Sorry na nga.” “Napipilitan?” “Ano bang gusto mong gawin ko? Nagso-sorry na nga,” asar na tanong ko sa kaniya. “Kiss.” Ngumuso pa siya sa akin. “Naranasanan mo bang pumutok ang nguso?” nagbabantang tanong ko sa kaniya kaya Bigla niyang mariing pinaglapat ang mga labi habang kinakabahang nakatingin sa akin. Tumalikod ako sa kaniya. Nagtungo ako sa cabinet na nasa may gilid at kinuha ko ang first aid kit. Lumapit akong muli sa kaniya at binuksan ko ang box. Pero bakit ganito ang laman ng box ng first aid kit niya? Puro paracetamol at lagundi capsule. May betadine naman at alcohol tapos may pang-plaster. Pero ang mas nagpakunot ng noo ko ay ang mga condom na nakita ko roon. Bakit may mga condom sa box ng first aid niya? “Mas madalas kasi akong ubuhin kapag nauulanan ako kaya iyan ang laman,” paliwanag niya. Ipinakita ko ang condom. “Wala iyan, pampaswerte lang iyan diyan.” Tumaas ang isang kilay ko pero hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Itinaas kong muli ang damit niya para makita ko tagiliran niyang nahampas ko. “Masakit ba talaga?” Pero may pasa kaya maaring masakit talaga at hindi lang siya nag-iinarte. “Oo, pero kapag kiniss mo ako. Mawawala ang sakit,” parang batang saad niya. “Malayo pa naman ito sa bituka, hindi ka pa mamatay. Tiisin mo nalang." Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. Inalis niya ang face mask na suot at parang gustong magreklamo sa akin. "Kisha, masakit. Pakiramdam ko, may nabali akong buto. Tinangnan mong mabuti." Mas lalo pa niyang itinaas ang damit kaya dumukwang naman ako para tingnan iyon. Malakas talaga ang pagkakahampas ko sa kaniya kanina dahil hindi ko pinigil iyon. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at inilagay sa abs niya. “Kapain mong mabuti, masakit talaga,” daing pa niya pero iyong kamay ko ay ihinahaplos niya sa abs niya kaya kinurot ko iyon dahilan para mapasigaw siya sa sakit. “Kisha! Masakit.” “Talagang masasaktan ka sa aking manyak ka!” asar na sagot ko. “Ikaw itong dumadama sa abs ko pero ako ang manyak?” “Hinawakan mo ang kamay ko,” katwiran ko. “Gusto mo naman, kunwari ka pa,” nakangising saad niya at muling hahawakan ang kamay ko para ilagay sa abs niya ngunit mabilis na akong lumayo sa kaniya. “Kisha, okay lang. Huwag kang mahiya, sa’yo na lahat ng ito,” saad pa niya at kinagat ang laylayan ng damit niya upang ipagmalaki ang bato-bato niyang tiyan. Naningkit ang matang tumingin ako sa kaniya. Parang kulang pa ang sakit ng katawan niya para tantanan niya ako sa mga kahalayan niyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD