RENZO'S POV “Ikaw?” tinuro pa nila ako habang hindi naniniwalang nakatingin sa akin. “Ginagago mo ba kami? Nababaliw ka na ba? Sinong nasa matinong pag-iisip ang magpapakidnap ng sarili?” tanong ng lalaking medyo mahaba ang buhok habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. “Ako.” “Oo, ikaw talaga. Baliw yata ang pota,” mura pa ng lalaking naninigarilyo kanina at saka natawa. Hindi ko alam ang mga pangalan nila at wala na rin akong balak na alamin dahil pagkatapos nito ay hindi na rin kami magkikita pa. Kapag natapos nila ang pinapagawa ko, kailangan magtago na sila dahil hindi sila pwedeng makita ni Kisha. Kapag nakita sila ni Kisha, mabubuko ako at baka mas malagot ako. “Enzo, anong kalokohan ba ito?” tanong ni Winnie na parang stress na stress na siya. “Umuwi ka na. Ako na ang

