Chapter 3

1626 Words
KISHA’S POV “PUT THAT GODDAMN GUN DOWN!” sigaw ko kay Renzo pero hindi siya sumunod at nanatili lang nakatutok sa akin ang baril. Mabilis na hinawakan ko ang kumot at hinagis ko iyon pataklob sa kaniya bago ko siya mabilis na dinambahan kaya natumba siya. Saka ko inagaw ang baril sa kamay niya pero iniiwas niya ang kamay niya kaya pinalo ko siya sa ulo. Hindi naman iyon masakit dahil makapal ang kumot na nakatakip sa kaniya. Nang tuluyan ko nang maagaw ang baril ay mabilis na akong umalis sa ibabaw niya. Habol ang hininga namang inalis niya ang kumot na nakatakip sa maging sa mukha niya. Masama ang tinging tumingin siya sa akin. Parang batang natalo sa asara ang mukha niya. “Kisha, papatayin mo ba ako?” nakasimangot na tanong niya. Tamad na tumingin ako sa kaniya. Para siyang bata na nakasalampak sa sahig ngayon at nakatakip pa ang kumot sa mga binti niya. “Lumabas ka na,” malamig na saad ko sa kaniya kahit na kwarto naman niya ang kinaroroonan naming dalawa. Napatanga ako nang parang batang pinagpapadyak niya ang mga paa. Kulang na lang ay gumulong siya sa sahig. Nagta- tantrums pa yata ang gago. Ganito siya madalas kapag may gusto at hindi nasusunod. Kaya minsan iniisip ko na babysitter talaga ako ng damulag na ito, hindi bodyguard. “Hindi ako lalabas hangga’t hindi ka pumapayag na pakasalan ako. Ikaw ang nagsabing magpapakasal tayo kanina. Hindi pwedeng bawiin mo iyon. Hindi ako papayag,” giit niya sa akin habang humahaba ang mga nguso. “May lagnat lang ako kanina kaya nasabi ko iyon. Isipin mo na lang na nagdedeliryo ako,” balewalang saad ko. Kasalanan ko. Bakit ko ba kasi ginawa iyon? “Kahit na. Wala ka bang isang salita? Sabi mo pakasalan kita. Heto na nga, tumawag pa ako ng judge para pagnagising ka magpakasal na tayo, tapos babawiin mo. Bawal ang bawiin, para ka namang hindi nasarapan kagabi kung—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang binato ko siya nang unan. Kung makapag-inarte siya parang siya ang nawalan ng virginity. Nabigla lang naman ako kanina kaya natutukan ko siya ng baril. Isa pa, nasarapan? Hindi ko nga matandaan ang nangyari kagabi maliban sa nagising akong masakit ang mga hita ko. Medyo malabo sa alaala ko ang mga nangyari. “Hindi naman natin kailangang magpakasal. Hindi ako maghahabol sa iyo. Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako mabubuntis dahil lang may nangyari sa atin,” paninigurado ko sa kaniya. “Hindi pwede!” malakas na tanggi niya. “Hindi pwedeng hindi tayo magpakasal. Saka paano ka nakakasiguradong hindi ka mabubuntis? Hindi naman ako baog, saka sa loob ko kaya pinatutok kaya baka may mabilis nang nakalangoy,” giit pa rin niya. “Paano kung magpakasal tayo tapos hindi pala ako buntis?” yamot na tanong ko sa kaniya. Hindi naman kailangang magpakasal kami dahil lang buntis ako. Uso naman ang co-parenting ngayon. Saka wala akong planong magkaroon ng asawang magiging sakit sa ulo ko. “Eh ‘di bubuntisin kita. May honeymoon pa naman after ng kasal, tapos sa loob ko ulit ipuputok para sure nang buntis ka,” katwiran nito kaya tiningnan ko siya ng matalim. “Kung iyang ulo mo kaya ang paputukin ko?” Muli kobg tinutok sa kaniya ang baril na hawak ko. Hindi naman pala iyon nakakasa. Mas mabuti pa kapag nag-iinarte siya minsan, pero hindi ganitong arte na kasal ang hinihingi niya at gusto pa akong buntisin. Parang nangangati akong ibalibag siya. Lumabi siya at parang asong nag-puppy eyes pa sa akin. Akala naman niya cute siyang tingnan ay ang laki niyang tao. Siya iyong maarteng barakong kilala ko. “Matapos mo akong pagsawaan, papatayin mo ako? Kisha naman, kung ayaw mong panindigan ko ang nangyari sa atin kagabi. Ako! Panindigan mo ako!” tinuro pa niya ang sarili. Naningkit ang mga matang tumingin ako sa kaniya. Gumapang pa siya palapit sa akin at lumuhod sa harapan ko. “Sige na. Magpakasal na tayo. Hindi ka na lugi sa akin. Mayaman ako, gwapo, good provider din ako, good in bed pa. Saan ka pa? Sa akin ka na,” mayabang na saad niya kaya tinalikuran ko siya dahil puro walang kwenta naman ang sinasabi niya. Pero bigla niya akong niyakap sa mga binti mula sa likuran ko. “Renzo, ano ba?!” Singhal ko sa kaniya at pilit akong kumawala bago ako asar na muling humarap sa kaniya. “Sige na. Hindi ka naman lugi sa akin. Kita mo naman kagabi, malaki ito,” pagmamalaki pa niya at ngumisi habang nakatingin sa akin. Inis na tumingin ako sa kaniya. Mauubos talaga pasensya ko palagi kapag siya ang kausap ko. Oo, malaki na iyang kanya. Kaya nga hirap akong makalakad paggising ko pero hindi niya ako makukumbinsi dahil lang sa laki ng kargada niya. Bakit ba kasi pabigla-bigla ako kaninang umaga? “Ayoko.” Lumabi ito. “Ipagkakalat ko s*x video natin,” pagbabanta nito kaya tinuhod ko siya sa baba. Napahawak siya sa baba niyang nasaktan. Mukhang tumama pa ang ibabang labi niya sa ngipin niya dahil sa ginawa ko kaya nagdugo iyon. Mabilis na umupo ako sa gilid ng kama at naniningkit na nakatingin sa kaniya. “Meron ba?” Nagpipigil sa galit na tanong ko. Dahil kung meron talagang pasasabugin ko na ang bungo niya. Ngumisi siya sa akin. “Joke lang.” Nag-peace sign pa siya.“Syempre hindi ako papayag na may ibang makakita ng dapat sa mga mata ko lang.” Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sagot niya. “Kisha, sige na. Magpakasal na tayo. Promise ko, kahit kasal na tayo, magagawa mo pa rin ang lahat ng gusto mo.” Tinaas pa niya ang kanang kamay na parang nanunumpa sa akin. “Hindi ako mangungulit sa iyo, pero pwede naman sigurong mangalabit sa gabi?” malaki ang ngiting tanong niya. Tumaas ang dalawang kilay ko. Kuhang-kuha talaga nito ang asar ko. Alanganin siyang natawa nang makita niyang naasar na naman ako. Tumayo ako pero mabilis niyang hinawakan ang kamay. “Sige, hindi na ako mangangalabit kahit kasal na tayo. Promise magbabait ako. Hindi ako titingin sa iba tapos hindi na ako papayag kapag may kissing scene para hindi ka magselos. Kisha, sige na,” pangungulit pa rin niya. Ano kaya ang sasabihin ng mga fans niya kapag nalaman nila ang ginagawa ng hudyong ito ngayon? Siguradong maba-bash ako pero wala akong pakialam, wala akong balak na magpakasal dahil lang may nangyari sa amin. “Ang kapal ng mukha mo. Never akong nagselos sa mga kissing scene mo,” mariing tanggi ko. “Sige, hindi na pero pakasalan mo na ako. Hindi pwedeng hindi. Ganoon na lang ba iyon? Matapos mong masarapan sa ginawa ko, hindi mo ba ako pananagutan? Paano ang aking dangal? Ano na lang ang sasabihin ng mga makakaalam? Na isa akong lalaking mababa ang lipad dahil pumayag akong may mangyari sa atin kahit hindi tayo kasal? Kisha, isipin mo… isipin mo ang magiging kinabukasan ko. Papayag ka bang tumanda akong walang asawa dahil hindi mo ko pinakasalan? Hindi ka ba naaawa sa akin?” pagda-drama niya. Pinalungkot pa niya ang boses pero halata namang umaarte lang siya. Akala yata niya ay nasa shooting kami para umarte siya ng ganiyan. Pinapanindigan niya ang pagiging artista niya. Pero hindi ako madadala sa drama niya. Pero bored na tiningnan ko naman siya kaya napabuntong-hininga siya. Tumayo ito at humarap sa akin. Naging seryoso na ang mukha niya. “Okay, let us be serious here. Let’s get married. Not because of what happened, but because I want to be your husband. I want you to be my wife,” seryosong saad niya habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam kung umaarte pa rin siya ngayon dahil ang bilis na nagbago ng emosyon ng mukha niya. Kung kanina ay kitang-kita kong drama lang talaga ang mga sinasabi niya. Ngayon ay hindi ko alam kung drama pa rin ba o seryoso na ba talaga siya. “Ang tungkulin ko ay bantayan ka. Hindi—” “Hindi ba mas mababatayan mo ko kapag kasal na tayo?” putol niya sa sasabihin ko. May dinukot siya mula sa likod niya sa bulsa. Isang maliit na box at kahit hindi niya buksan iyon. Alam ko na ang laman noon. “Are you serious?” kunot noong tanong ko sa kaniya. Gusto talaga niya akong pakasalan? Pero bakit? “Yes.” “But you don’t like me.” Handa ba siyang magpakasal sa babaeng hindi naman niya gusto? I mean, wala kaming nararamdaman sa isa’t isa. Hindi namang sapat na dahilang may nangyari sa amin para magpakasal kami. Hindi naman kasi biro ang kasal para basta na lang namin gawin. Kaya nga binabawi ko na ang sinabi kong pakasalan niya ako. Nabigla lang ako kanina. Pero siya naman itong nagpupumilit ngayon na magpakasal kami. Ngumiti siya sa akin. “Who says?” Natigilan ako sa sinabi niya. “Umayos ka. Tatamaan ka na talaga sa akin.” Kahit na bodyguard niya ako. Minsan talaga ay nakakatikim siya ng kamao ko kaya kilala niya ako. “I am serious, Kisha.” At hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya nang bigla siyang lumuhod para mag-propose. “Marry me, Kisha,” seryosong saad niya habang nakaluhod at may hawak na singsing. “Bakit ba gusto mo akong pakasalan?” tanong ko sa kaniya. “Kailangan bang may dahilan? Hindi ba pwedeng dahil gusto ko lang?” “No, give me a reason. One valid reason, why you want to marry me.” Sinalubong niya ang mga mata ko. Ngumiti siya sa akin ng matamis. “Kasi masarap ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD