Kunot-noong tumingin si Romeliza sa mall arena. Napakaraming tao sa labas ng mall at talagang mahaba ang pila. Bigla siyang nakaramdam ng inggit nang makita ang naglalakihang poster ng BTS na dala ng mga ARMY. Binalingan niya si Ellifard na nakangiti habang nakatitig sakanya. "Anong ginagawa natin dito Ellifard?" Takang tanong niya. Pinisil nito ang palad niya. "Basta.... halika na." Nakangiting sabi nito at inakbayan siya. Nagulat siya nang bigla silang pumila sa mga pupunta sa loob para sa concert! "E-ellifard bakit tayo pipila dito eh wala naman tayong ti----- "Chingu!!" Napalingon siya sa sumigaw, nanlaki ang mata niya nang makita si Marie na may dalang dalawang light stick. Patakbo itong lumapit sakanila. "Sabi ko nga ba at hindi mo matitiis mga bebe natin eh!" Natutuwang sabi

