"Ready kana ba Mr. Tan?" Tanong ni Ellifard sa matanda habang nakatingin sa bodegang nasa harapan nila. Natatanaw nila mula sa iba ang ilang tauhan ni Wutxie. Hindi alam ni Romeliza ang pinag-usapan nila ng ama nito, ayaw niyang mag-alala ang dalaga sakanila. Binalingan ni Mr. Tan ang mga tauhan at sinenyasan. Naghiwalay-hiwalay naman ang mga ito, ang iba ay pumunta sa likod at sumampa sa bakod, ang iba naman ay kasama nila. Nakataas ang baril na lumapit sila sa sira-sirang pintuan na tinatabingan ng yero. Tumingin siya kina Grey na nasa papalapit sakanila. Sinenyasan nito si Maxeau na umakyat sa ikalawang palapag. Sabay silang napayuko nang sumilip ang isa sa tauhan ni Wutxie. Tahimik na umapak naman si Maxeau sa isang kahoy. "f**k! Fuck.." Bulong nila nang masira 'yon at gumawa ng ing

