Chapter 6 Sudden Grouchiness

2703 Words
Muntik na akong ma-late dahil medyo nasarapan namin ang pagkukuwentuhan ni Sir Hendrick. Binigyan din niya ako ng tips sa lugar na ito at kung paano pakikisamahan ang mga tao rito. Palagay ko nga ay gusto talaga niyang makipagkaibigan sa akin. Tutal mukha naman siyang harmless kaya hinayaan ko na. Kailangan ko lang maging maingat para hindi na niya ako mahalikan ulit. “Let’s go! Alas-otso rin ang first period mo, hindi ba?” tanong niya. Napatango naman ako. “Oo. Hindi ako nakapasok kahapon kasi prinank ako noong malditang Krissalyn na iyon at ang mga kaibigan niya,” masama ang loob na saad ko. Pareho kasi ang schedule ko ng Monday, Tuesday at Wednesday, Thursday naman iyong same ang time. Kapag Friday ay tatlo lang ang subject namin. Napapailing na lang ako kapag naalala ko na sila pa ang maaangas, samantalang sila na nga ang may kasalanan. “Iwasan mo na lang sila, okay? Hindi naman karuwagan ang umiwas sa gulo. Hayaan mo na lang sila lalo at mahilig talaga sa gulo ang mga iyon,” payo pa niya sa akin. Napapatango na lamang ako, pero sa likod ng isip ko, subukan lang akong asarin ng mga iyon at ilalampaso ko ang mga pagmumukha nila. Dumiretso na siya kung saan naka-park ang sasakyan niya at ako naman ay tumuloy na rin palabas ng compound. “Aba! Talagang inuubos mo ang pasensya namin, ano?” Naagaw ang pansin ko at napahinto ako sa paglalakad. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses dahil parang pamilyar iyon. “Magandang umaga, ho, Aling Nora,” bati ko sa matanda. Tinaasan lang ako nito ng kilay. “Bakit sabay na naman kayong bumaba ni Sir Hendrick?” paninita nito sa akin. muntik na akong matawa sa tanong niya pero nagpigil ako. “Eh, kasi po iisa lang naman po ang hagdanan paakyat at pababa sa unit namin. Pareho rin po kami ng oras ng pagpasok kaya po nagkasabay kami,” dahan-dahan kong paliwanag kahit hindi naman kailangan. “Ows? If I know, sinasadya mong sumabay sa kaniya para magpapansin!” hindi naniniwalang angil pa niya sa akin. Ayaw ko siyang patulan, lalo na at matanda na siya. “Bahala na po kayo kung ano ang gusto ninyong isipin. Sige po, mauuna na po ako kasi male-late na po ako. Bye po!” nakangiting pamamaalam ko na lang sa kaniya. Inirapan lang ako nito at nagmamartsa nang lumakad palayo. Ako naman ay patakbong tinungo ang gate hanggang sa makalabas. Ngunit habang naglalakad ako sa sakayan ay nagulat ako nang biglang huminto sa tabi ko ang sasakyan ni Sir Hendrick. “Hop in,” alok niya sa akin pagkatapos ibaba ang bintana ng sasakyan. “Akala ko nakasunod ka sa akin pero nagulat ako na wala ka na,” dagdag pa niya. “Sorry…” bumuntong-hininga ako. Mabilis siyang bumaba at ipinagbukas pa ako ng pintuan. “Sir hindi po ba nakakahiya? Baka may makakita sa atin tapos–” “Ayanna, we’re still alone here. Be careful of how you address me,” paalala niya at kinindatan pa ako. Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na sumakay saka tinakpan ang bibig ko. Tinakbo niya ang kabilang bahagi ng sasakyan at sumakay na rin. “Don’t worry, I won’t kiss you. So, relax,” natatawang sabi naman niya saka pinaandar na ang sasakyan. Nakahinga ako nang maluwag at tinanggal na ang takip ng bibig ko. Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya nagulat pa ako. Tiningnan ko agad iyon at ang pangalan ni Ranz ang rumehistro roon. Kumunot naman ang noo ko. Ngunit sa huli ay sinagot ko na lang din. “Hello, Ranz? Bakit?” tanong ko agad sa kaniya. “Wala lang. Gusto ko lang mag-good morning sa iyo,” sagot naman niya. mahina naman akong natawa at napapailing. “On the way pa lang ako sa school. Sana hindi pa ako late,” sabi ko naman. “Hindi iyan. Nag-commute ka ba? Sa susunod susunduin na lang kita para hindi ka ma-late. Tutal naman lagi akong maagang pumapasok. Dadaanan na kita diyan kapag,” pagmamagandang-loob niya. Napangiti naman ako. “Nakakahiya naman. Huwag na, baka maabala ka pa. Pero thank you sa kind gesture,” tanggi ko. Ayaw na ayaw ko kasi ang nakakaabala sa ibang tao. “Naku okay lang iyon. Madadaanan din naman ako banda riyan kaya isasabay na lang kita,” giit pa niya. “Saka may isa pa pala akong sasabihin sa iyo, eh,” pagpapatuloy niya. Kumunot naman ang noo ko. “Ano iyon?” dumiretso ako ng pagkakaupo. “Baka gusto mong sumali sa school publication? Malaki rin ang discount sa tuition kapag member ka ng school paper organization,” sabi niya sa akin. Mabilis naman akong na-curious sa sinabi niya. “Talaga? Parang gusto ko iyan!” bulalas ko agad. Malaking tulong sa akin iyon kung sakali. “Ire-recommend kita sa adviser mamaya,” sabi niya. Lumuwang ang ngiti ko at bigla akong naging excited. Member din ako ng school paper sa university na pinanggalingan ko. “Wow! Thank you, Ranz. Ang bait-bait mo talaga sa akin. Salamat talaga, ha?” sambit ko. Hindi ko akalaing marami rin talagang tao ang may mabubuting kalooban at handang tumulong sa iba. “No problem! Friends na tayo, ‘di ba?” saad naman niya. “Oo naman! Sige. Malapit na ako sa school. See you!” pamamaalam ko na sa kaniya. “See you, Aya!” pinatay ko na ang tawag. Ngunit napalunok ako dahil paglingon ko kay Sir Hendrick ay salubong ang mga kilay nito at nakasimangot. Okay lang naman siya kanina, ah? Bakit kaya biglang naging serious mode? Ah, kasi malapit na kami sa school kaya back to professional mode na siya. “Sir, kahit dito na lang ako sa gate. Ayaw ko pong makita ng mga estudyante na nakasakay ako sa sasakyan ni’yo. Baka po kung ano pa ang isipin nila,” marahang sambit ko. Medyo kinakabahan kasi ako sa pagbabago ng awra niya. “Ano’ng pinag-usapan ni’yo ni Mr. Dominguez?” tanong niya nang itigil na ang sasakyan sa may gilid ng daan. “Ah, niyaya lang niya akong sumali sa school publication. Malaki rin daw kasi ang discount sa tuition kapag. Kaya susubukan ko pong mag-audition mamaya,” sabi ko naman. Marahas siyang nagbuga ng hangin. “Hindi mo naman kailangan iyon para magkaroon ng discount sa tuition fee. Just maintain being a dean’s lister or President’s lister and you will get more discount,” sabi naman niya. Teka lang, ayaw ba niyang sumali ako sa school paper org? Hindi ko na lang siya kokontrahin dahil baka lalo pang sumungit. “Tatandaan ko po iyan, Sir. Sige po. Thank you po sa pagsasabay ni’yo sa akin papunta rito sa school,” binuksan ko na ang pintuan ng kotse ngunit muli siyang nagsalita. “Narinig ko, susunduin ka niya kapag papasok ka? Sigurado, pati paghahatid sa iyo ay iaalok din niya. Sabihin mo sa kaniyang hindi na kailangan dahil sa akin ka na lang sasabay,” seryosong utos pa niya. Muntik nang tumaas ang kilay ko. Mabuti na lang talaga at napigilan ko pa. “Mas okay po ang sumabay sa kaniya kaysa sa inyo, Sir. Mahirap na po kasi baka kung ano pa po ang iisipin ng iba kapag–” “Why the hell you always think of what other might think? The hell of those f*****g people!” biglang bulyaw niya kaya napasinghap ako sa gulat. Napaawang ang mga labi ko at bigla akong nawalan ng sasabihin. Mabilis namang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya nang makita ang reaksyon ko. Lumunok siya saka marahas na bumuntong-hininga. “I’m sorry. Hindi kita gustong sigawan,” biglang bawi niya sa mas mababang tono. Tumikhim ako para alisin ang biglaang bara sa lalamunan ko. “Okay lang po, Sir. Sige po. Mauna na po ako,” muli ay magalang na paalam ko at bumaba na ng sasakyan niya. Mabilis naman itong nag-drive paalis at may ilang alikabok pa ngang naiwan sa ere. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagbago ang ugali niya. Okay naman siya kanina pero bakit kaya bigla na lang naging beast mode? Kung hindi lang siguro siya lalaki, iisipin kong may period siya, eh. “Late!” Napasinghap ako nang biglang sumigaw iyong professor sa harap pagbungad ko sa pintuan. Lumingon ang lahat sa akin kaya kinabahan ako. Talagang bumilis ang t***k ng puso ko at hindi ko na magawang humakbang pa dahil baka lalong magalit ang teacher. “I am very sorry, Ma’am. Hindi na po mauulit,” hinging paumanhin ko. Nakahalukipkip ito at diretsong nakatingin sa akin na galit ang mga mata. “You were absent yesterday, and now you’re late. Are you trying to take my subject for granted just because this is just a minor subject?” akusa niya agad sa akin. Napamaang naman ako at agad na umiling. “No, Ma’am. Kahapon po ay na-prank ako ng ilang estudyante. Ngayon naman po ay nagkaproblema lang sa bahay kasi po–” “No more excuses! Isang beses ka pang ma-late o um-absent, you will be out of my class for the rest of the semester. Naiintindihan mo? Kung sa pinanggalingan mong school ay nakakatanggap ka ng special treatment, hindi pupuwede iyan sa klase ko!” sermon pa niya sa akin. I gritted my teeth and I swallow the humiliation. This is the first time that someone humiliated me in front of other people. Pero mukhang matigas itong teacher na ito at hindi mapapaliwanagan. Bumuntong-hininga na lamang ako at nilunok ang lahat kahit na kating-kati na ang dila kong sumagot. “Noted, Ma’am. Sorry po, ulit,” mapagpakumbabang tugon ko na lang. She rolled her eyes and breathed harshly. “Fine. Take your seat,” utos niya at muli nang tumingin sa klase. “Thank you, Ma’am,” sambit ko at luminga-linga sa paligid. Nahagip naman agad ng mga mata ko ang pagkaway sa akin ni Jonalyn. Nginitian ko siya at lumakad na papunta sa puwesto niya kung saan ay may bakanteng upuan. Pagkatapos ng klase na iyon ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Dalawang beses akong tinawag ni Ma’am at mabuti na lang talaga na hindi ako nabokya sa pagsagot. Halatang inis siya sa akin at pinag-iinitan ako. Pinagpasensiyahan ko na lang para walang gulo. Pero kung sa dati ko itong school, hindi ko siya palalampasin kasi napaka-unfair ng treatment niya sa akin. “Bakit ka ba kasi na-late? Ang lapit na nga ng apartment mo dito sa school,” pabulong na tanong sa akin ni Jonalyn. Pero hindi ako nakasagot dahil biglang may nagsalita sa tabi ko. “Hi, Ayanna! I’m Raegan, and this is for you,” inilahad niya sa akin ang isang pulang karton ng chocolate na may red din na ribbon at tatlong pulang roses na nasa bouquet. Maging ang ibang classmates tuloy namin ay napabaling ng tingin sa amin. “Hi! Salamat,” kahit labag sa loob ko ay tinanggap ko iyon. Marami kasing mata ang nakatingin sa amin at ayaw ko namang mapahiya siya. “Kapag may kailangan ka, sabihan mo lang ako, ha?” sabi pa niya habang maluwang ang ngiti at halatang masayang-masaya. Umugong pa ang hiyawan at kantyawan ng iba pa naming mga kaklase. Ang iba ay napapangiti lang at itinuloy na ang kung anong ginagawa nila. “Ano’ng nangyayari rito?” tanong ng isang malakas na boses ni Sir Hendrick. Pagkatapos ay agad dumako ang paningin niya sa akin at sa hawak kong bulaklak at chocolate. “Sir, si Raegan, balak yatang ligawan iyong transferee!” natatawang sumbong naman ng isa sa mga kaklase namin. Mabilis naman akong umiling dahil dumilim ang mukha ni Sir Hendrick. “Everybody, sit properly and be quiet! Huwag ninyong babalasubasin ang klase ko! Hindi ito lugar para magligawan o maglandian!” maawtoridad na utos ni Sir Hendrick sa lahat. Mabilis ko namang inilagay sa compartment sa ilalim nitong lamesa iyong mga ibinigay ni Raegan. Masungit na kaninang umaga si Sir bago ako iwan sa labas ng gate, mas lalo pa yatang sumungit ngayon. Saka ano ba iyong sinasabi niyang maglandian? Wala namang naglalandian, ah? May nagbigay lang ng bulaklak at chocolate, naglalandian agad? Wala kasing love life kaya bitter yata si Sir. Mas bitter pa sa akin, eh, ako itong broken. “Raegan, the next time you will disrespect my class, I will punish you!” banta niya sa kaklase ko kaya napasinghap ang ilan. Ako naman ay mas kinabahan. “Yes, Sir. Sorry po, Sir,” magalang na hinging paumanhin naman ni Raegan. Nagkatinginan din kami ni Jonalyn at parehong kinakabahan. Hindi pa doon natapos ang tila pagkainis ni Sir Hendrick kay Raegan. Ilang beses niya itong tinawag at pinag-explain ng mga theories at concepts na ipinipresenta niya sa amin. Ako na lang talaga iyong naawa doon sa tao dahil may mga pagkakataong hindi talaga niya alam ang sagot. Ayaw ko namang mag-volunteer na sumagot dahil baka mapag-initan pa ako. Pagdating ng lunch time ay sabay-sabay kaming kumain nina Ranz. Sinundo pa nila ako sa library kasi duty ko ang magbantay ng 10:30-12:00 sa umaga at 4:00 – 6:00 naman sa hapon. Hanggang 3:30 lang ang klase namin. “Grabe, puro maiinit ang ulo ng mga teacher namin ngayong umaga. Naku, alam mo ba, si Ma’am Cora ay mainitin talaga ang ulo? Paano nga ba naman, eh, matandang dalaga. Crush nga niyan si Sir Hendrick. As if naman papatulan siya no’n, eh, mukha siyang tikbalang!” napapailing at eksaheradang komento ni Jonalyn. Muntik ko nang mailuwa ang kinakain ko dahil sa description niya sa teacher namin. “Why?” tanong agad ni Ranz. Napabuntong-hininga naman ako at tumango na lang. “Oh, by the way guys, on the way na rito ang Mommy at Daddy ko. Ipapakilala ko kayo, ha?” dagdag pa niya. “Wow! Nakaka-excite naman. Alam mo ba, Aya, sobrang yaman ng pamilya niyang si Farren. Galing ba naman sa Dominguez clan, eh!” masayang pagbibigay-alam sa akin ni Jonalyn. Bigla ay napapaisip ako kasi parang familiar ang apelyido ni Ranz. Parang narinig ko na dati pa. “Talaga? Bigatin ka pala talaga, Ranz, ha?” sabi ko naman. “Hindi naman. Masipag lang talaga ang Daddy ko at magaling sa negosyo,” nakangiting tugon ni Ranz. Patapos na kaming kumain nang makatanggap ng tawag si Ranz mula sa kuya niya. Naririto na raw sila sa university. Isa pala ang kuya niya sa mga shareholders nitong school. “Tara na, guys! Excited na akong makilala kayo nina Mommy at Daddy. Pati na rin ang Kuya ko,” yaya niya sa amin. Mabilis naman kaming sumunod sa kaniya. “Teka, nasaan ba sila? Papuntang president’s office na ito, ah?” pansin ni Jonalyn sa pasilyong dinaraanan namin. “Naroroon nga sila sa president’s office,” sagot naman ni Ranz. “Ay, wow! Sosyal! Pero parang nakakahiya naman,” ani Jonalyn. “Huwag kayong mahiya, okay lang iyon,” paniniguro naman ni Ranz at ipinagpatuloy na namin ang paglalakad. “Ano na nga ulit ang pangalan ng Daddy mo, Ranz? Parang familiar lang kasi ang apelyido mo,” tanong ko naman. Lumingon siya sa akin at ngumiti. “Lance. Lance Dominguez ang pangalan ng Daddy ko!” sagot niya kaya mabilis akong napahinto sa paglalakad. Oh, my God! Tama ang hinala ko. Kasosyo ni Tito Charles sa isang negosyo niya iyang si Tito Lance! Oh, no! Hindi niya ako puwedeng makita dahil siguradong makikilala niya ako. Hindi ako sure kung kilala niya ako, pero mas mabuti nang hindi niya ako makita. “Hoy, Aya, may problema ba?” untag sa akin ni Jonalyn. Natulala na pala kasi ako at nakatingin lang sa kawalan. “H-Ha? Medyo sumama kasi ang tiyan ko. Sige mauna na kayo, susunod na lang ako,” pagdadahilan ko naman sa kanila. Kumunot naman pareho ang mga noo nila at biglang napuno ng pagtataka ang mga mukha. *** Guys Second generation na po ito ng Billionaire Series kaya po may mga nababanggit na mga characters. Pero kung gusot ni'yo po silang makilala basahin ni'yo na po ang first generation. Start po kayo sa A Billionaire's Dark Obsession. Happy Reading po!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD