“Ate, nasaan po si Tita Raiza? May ibibigay daw kasi siya sa akin. Kaya lang hindi ko siya mahanap sa baba,” tanong ko sa isang katulong. “Umakyat po kanina Ma’am. Baka po nasa kuwarto nila,” magalang naman nitong tugon. Ngumiti naman ako sa kaniya. “Ay, sige po. Salamat. I will just go there because I need to go home now,” pasasalamat ko naman sa kaniya. Tumango lang ito at magalang nang nagpaalam. Dumiretso ako sa taas gamit ang elevator. Gaya ng bahay ni Uncle Marcus ay may elevator din ang bahay nina Tita Raiza. Ngunit habang naglalakad ako patungo sa dulong bahagi kung nasaan ang silid nina Tita Raiza ay may naririnig akong tila nagbubulungan. Inakala kong baka si Tita Raiza iyon at kausap si Uncle Stan kaya agad kong tiningnan. Ngunit nagimbal ako nang makitang nakasandal si Lil

