Chapter 48 Evil Attempt

2147 Words

“Ayanna, please come to my office now,” sabi lang ni Sir Federigo at pinatay na ang tawag. Ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong makasagot. Wala na akong nagawa kung hindi ang bumuntong-hininga at lumakad na para sundin ang utos ng president ng paaralan. “Ikaw na naman? Mukhang nagdududa na ako sa pagbalik-balik mo sa opisina ng presidente? Ano? May special treatment of agreement kayo kaya kahit estudyante ka lang, puwede kang maglabas-masok sa opisina niya?” mataray at nang-iinsultong tuya sa akin nitong sekretarya ni Mr. Federigo. Dahil sa kagaspangan ng ugali niya at gayun din ang pananalita niya ay nagpanting ang tainga ko. “Excuse me po, Ma’am! Kung ako lang po, hindi ko gustong pumupunta rito dahil nakakasira po ng araw ang pagmumukha ninyong laging nakasimangot. Pangala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD