“H-Hendrick, sandali lang,” pilit ko siyang itinutulak para makawala ako sa kaniya pero mas idiniin niya ang sarili sa akin. Kung dati ay hahalikan lang niya ako na magkadikit ang mga labi namin, ngayon ay humahagod na ang mga labi niya. At aaminin kong nanlalambot bigla ang mga tuhod ko dahil hindi ko maintindihan iyong kakaibang pakiramdam na lumulukob sa sistema ko. “Shh… huwag kang maingay kung ayaw mong may makaalam ng ginagawa natin ngayon,” pabulong na saad niya at muling inangkin ang mga labi ko. Hindi ako makapalag sa higpit ng pagkakayakap niya sa baywang ko habang kontrolado ng isang kamay niya ang ulo ko. Pagod na akong magpumiglas dahil wala rin namang silbi sa lakas niya, hinayaan ko na lang siyang halikan ako. Hindi ako tumutugon dahil hindi ko rin naman alam ang gagawin.

