“I don’t know what to say, Ayanna. Bigla lang akong nainggit. Sana ako na lang siya,” biglang sabi ni Sir Hendrick kaya naputol ang pagmumuni-muni ko sa nakaraan. Doon ko lang namalayang nakayakap pa rin pala siya sa akin habang basang-basa naman ng luha ang mga pisngi ko. “I thought he was going to like me if I confessed to him, because he was always nice and sweet to me. Pero iyon pala, nakababatang kapatid lang ang turing niya sa akin,” lumuluhang sambit ko. Muli ay umangat ang isang kamay niya at pinahid ang mga luha ko. Iniangat niya ang mukha ko at itiningin sa kaniya. Mataman niyang tinititigan ang mga mata ko at patuloy na tinutuyo ang mga luha ko. “I hope I can turn those tears of yours from pain into tears of joy. Ayanna, ayaw kong maging rebound, pero puwede bang bigyan mo ak

