Third Person POV “Good evening, Uncle…” kinakabahang bati ni Krissalyn nang makapasok na siya sa opisina ng tiyuhin. Nag-angat ng paningin ang tiyuhin niya at direktang tumingin sa kaniya. Bahagya siyang lumunok at mabilis na gumapang ang takot sa dibdib niya. Dalawa na lamang silang naririto at nakauwi na rin nag assistant at secretary nito. “Nakausap ko na si Ayanna Aguilar. You know what, I think I like her. She’s perfect to me – the most beautiful young lady I’ve ever seen. Kumusta ang background niya,” tanong ni Laureto sa pamangkin. “Isa siyang mahirap na taga-probinsiya. Taga-Mindanao daw yata, sa may Camiguin. Nagtatrabaho siya dito sa university bilang library assistant para may maipangtustos sa pag-aaral niya,” mabilis namang sagot ni Krissalyn. Iyan ang impormasyong nakalap

