“Wow! Finally! We met again,” bulalas ni Axton. Nandito na kami sa airport ngayon at siya pa talaga ang sumundo sa akin dahil lang sa gusto daw niyang makita si Hendrick. “Hi! Please take care of my little queen here,” saad naman ni Hendrick. I rolled my eyes to Axton when he laughed. “Hindi na kailangan, Kuya. Gangster itong kakambal ko, kaya sila dapat ang mag-ingat sa kaniya,” nagsimula na naman ang pang-aasar ni Axton. Napapailing na lang ako nang hampasin ang braso niya. “Oh, you see that? Mapanakit, ‘di ba? I bet sinasaktan ka rin niyan kapag may sumpong. Lalo kapag may period iyan, napakasungit at akala mo–” “Axton, will you shut up!?” saway ko na sa kakambal ko. “Ako lang talaga ang paborito mong pag-trip-an, eh! Makausap ko lang si Vielle sinasabi ko talaga sa iyo, ah!” irap k

