Naroon ang landlady, ang ilan sa boarders, at isang lalaking mukhang galing sa contruction site. Kaagad naman siyang kinabahan.
"Anong nangyari kay Jun?" ang histerikal na tanong ng landlady.
"Naaksidente pos i Jun sa construction site" ang balita ng lalake.
"Diyos ko" ang reaksyon naman ng landlady. Hindi makagalaw si Sam sa kanyang kinalalagyan. "Nasaan siya?"
"Naitakbo na po sa ospital" ang tugon naman ng lalake. Nagpaalam naman na ito nang maibigay sa kanila ang pangalan ng ospital kung saan itinakbo si Jun. Kaagad yumakap sa kanya ang landlady sa sandaling nakita siya nito.
"Wag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat" ang bulong ng kanyang landlady. "Walang masamang nangyayari sa kanya."
"Pero hindi pa rin mapanatag si Sam. Batid niyang hindi makakatulong ang pag-iisp ng sobra. Kailangan niyang magpakatatag... Para kay Jun; lalo na't ngayon siya kailangan ng kasintahan.
"Gusto ko na po siyang makita" ang sabi naman ni Sam. Kaagad naman silang nagtungo sa ospital. Nasa emergency room pa rin si JUn nang makarating sila. Matyagang naghintay si Sam. Ilang oras na ang lumipas... Hanggang sa puntong ito ay malakas pa rin ang paghahangad niyang mailayan na ang mukha ng kanyang minamahal.
Sa wakas ay inilabas na ang emergency room si Jun kasunod ng doktor na kaagad naghanap ng kamag-anak ng pasyente. Lumapit si Aling Aida ngunit iginiit ng doktor na pamilya mismo ng pasyente ang dapat niyang maka-usap. Ipinaliwanag naman ni Aling Aida ang sitwasyon ni Jun kaya sa kanya na nakipag-usap ang doktor
Nasa Neurosurgical ward na ang lahat. Nasasaktan si Sam at naawa siya sa kasalukuyang kalagayan ni Jun. Halos mabalutan na ang buong ulo ni JUn ng benda. Wala pa rin siyang malay at ipinaliwanag ng doktor na hindi pa siguradokung kailan siya magkakamalay. Sobrang hirap pero pinipilit ni Sam na tumayo sa kanyang mga paa. Lumipas na ang ilang araw ngunit hindi pa rin nagpapakita ng paggalaw si Jun. Sa tingin ni Sam ay hindi pa nababalitaan ng ina ni Jun ang nangyari sa kanyang ina. Hindi pa kasi siya dumadalaw.
"Sam, may problema tayo" ang balita ni Aling Aida nang dumating siya.
"Ano po yun?" ang tanong ni Sam.
"Tinakbuhan nila tayo" ang balita ni Aling Aida. "Yung mga kailangang managot at umako sa pagkaka-aksidente ni Jun. Nagsi-alisan."
"Paano po ito?" ang reaksyon naman ni Sam.
"Hahanap tayo ng paraan" ang tugon naman ni Aling Aida. Nahinto sila sa pag-uusap nang may hindi inaasahang bisita. Si Estella...
"Nagmadali akong pumunta rito sa sandaling nabalitaan ko ang nang-yari kay Jun" ang sabi ni Estella. "Kamusta na siya?"
Umiling naman si Sam sabay sabing, "Hanggang ngayon; hindi pa rin siya nagkakamalay"
"Lalabas muna ako" ang paalam ni Aling Aida. "Bibili lang ako ng makakain"
Katahimikan naman ang bumalot sa dalawa nang iwan ni Aling Aida.
"Ako sana ang nag-aalaga sa kanya ngayon" ang biglang nasabi ni Estella. 'Pero meron ka"
Biglang napatingin si Sam kay Estella na nakamasid kay Jun.
"Wag kang mag-alala. Hindi ako manghihimasok sa relasyon niyo" ang sabi naman ni Estella sa kanya.
"Salamat" ang simple namang tugon ni Sam.
"Kung may maitutulong ako; sabihin mo lang ako"
"Sige"
Nang nagkapanatagan sila sa isa't-isa ay nagsimula silang mag-usap at makipagkwentuhan na tila ba matagal na silang mag-usap at makipagkwentuhan na tila ba matagal na silang magkakilala. Dumating ang doctor.
"Kailangang operahan ulit ang pasyente" ang balita ng doktor.
"Bakit po?" ang tanong naman ni Sam.
"Nakitaan siya ng hematoma o abnormal na pamumuo ng dugo sa labas ng blood vessel" ang paliwanag ng doktor. Pagkatapos nga ng tatlong oras ay may kumuha kay Jun. Napansin ni Estella ang mahigpit na pagkakahawak ni Sam sa isang unan.
"Halika muna" ang yaya ni Estella kay Sam.
"Saan tayo pupunta?" ang tanong naman ni Sam.
"Basta" si Estella. Pumayag na lang si Sam at sumunod kay Estella. Hindi naman nagtagal ay nakarating sila sa Chapel ng ospital.
"Hindi man halata" ang pagsisimula ni Estella. "At wala man sa hitsura ko pero sa tuwing may dinadala akong problema at wala akong maka-usap; sa kanya ako lumalapit."
Sabay turo ni Estella sa crus sa bandang harapan.
"Umaasa ako na balang araw; mapapakinggan niya kahit isa lang sa mga dalangin ko" ang pagpapatuloy ni Estella. Taimtim na ngang nagdasal ang dalawa. Nagsimulang lumuha si Sam. Sa bawat pagpatak ng kanyang luha ay nababawasan ang bigat sa kanyang dibdib.
Sa araw ding yun ang nakipag-usap ng masinsinan ang doktor kay Aling Aida at Sam tungkol sa maaring maging kalagayan ni Jun kapag nagising siya. Ipinaliwanag ng doktor ang iba't-ibang posibleng senaryo. Pagkatapos ng usapang yun ay lalong hindi mapanatag si Sam. Pinipili niya pa ring magpakatatag.
Kinabukasan ay dumalaw naman si Andrew.
"I got here as soon as I heard it from Ricky" si Andrew.
"Salamat sa pagdalaw" ang tugon naman ni Sam.
"No, big deal" si Andrew. "Pumunta ako rito para maka-usap ka"
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa'yo at sa kanya" ang sagot naman ni Andrew. "Pwede ba tayong mag-usap na tayo lang?"
"O, sige" ang pagpayag naman ni Sam. "Estella, pakibantayan naman na muna si Jun.
"Sige" si Estella. Lumabas naman si Andrew at Sam.
"Tara sa cafe" ang yaya ni Andrew.
"Hindi na, Andrew" ang pagtangi naman ni Sam. "Ayokong lumayo"
"Eh sa cafeteria na lang ng ospital?" si Andrew.
"O,sige" si Sam.
"Tungkol saan ulit to?" ang tanong ni Sam
"I learned everything about his situation from the doctor" si Andrew. "Hindi biro ang ganito, Sam
"Alam ko"
"Anong balak mo? I mean financially?" ang tanong ni Andrew.
"Gagawa na lang kami ng paraan" ang tugon naman ni Sam.
"Hanggang kelan Sam? Hanggang saan ka makakagawa ng paraan?" ang tanong naman ulit ni Andrew.
"Ewan ko, Andrew" ang tugon namn ni Sam. "hindi tayo magkapareho ng estado ng buhay Andrew. Kung sayo; madali lang ang pera... Sa amin... Sa akin... Hindi"
"Ayaw ko lang na nahihirapan ka" ang paliwanag naman ni Andrew. "Kasi mahal na mahal kita"
"Andrew, itigil mo na "to. Wala itong patutunguhan" ang paki-usap naman ni Sam.
"What am I suppose to do?" ang retorikal na tanong ni Andrew. "Gusto kong makasama ka"
"Ako na ang nakiki-usap sayo, Andrew" si Sam. 'Kung talagang nag-aalala ka para sa akin; hindi mo na dadagdagan pa ang bigat na nararamdaman ko ngayon."
Natahimik naman si Andrew at napabuntong-hininga.
"Sorry" ang taning nasabi ni Andrew. "But I just want you to know na anarito lang ako. Just text me if you can't handle it anymore."
Tumango na lamang si Sam. Naguguluhan siya sa sitwasyon. Tumayo naman sdi Andrew.
"How I wish that you can love me" si Andrew. "As much as you love him"
Pagkatapos nun ay umalis na si Andrew. Habamng tumatagal ay lalong tumataas ang babayarin nila sa ospital. Kulang na kulang ang nalikom nilang pera mula sa mga kakilala nila. Isang araw, naikwento ni Sam kay Estetlla ang tungkol kay Andrew.
"Lalapit na ako sa kanya" ang nasabi ni SAm.
"Sigurado ka na ba diyan?" ang tanong naman ni Estella sa kanya. "Baka makahanap pa tayo ng paraan"
"Estella, wala nang iba pang paraan" ang depensa naman ni Sam. "Siguro nga makakagawa tayo ng paraan... Pero sa ngayaon lang yan. Paano sa susunod? Kung hindi na tayo makagawa pa ng paraan?"
"O sha. Ikaw na ang bahala" si Estella. "Panigurado ka ba sa Andrew na yan?"
"Hindi namn siyang masamang tao" ang tugon naman ni Sam. Sa araw ding yun ay nakipagkita si Sam kay Andrew.
"Kamusta ka na?" ang tanong ni Andrew kay Sam.
"HIndi ko alam" ang tugon naman ni Sam. "Tatanggapin ko na ang tulong na inaalok mo"
"Sigurado ka?" ang paninigurado ni Andrew.
"Wala na kasi kaming ibang magagawa"
"Kahit na sabihin kong may kapalita nag pagtulong ko?" ang sunod na tanong ni Andrew.
"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong ni SAm pabalik.
"Sam, pasensya na... Pero malaki-laking pera yun" si Andrew. "kahit paani ay kailangan ng kapalit."
Napabuntong-hininga naman si Sam.
"Naiintindihan ko" ang komento niya. "Pero baka naman... Pwedeng unti-untiin ko ang kabayaraan,"
"Sam, hindi pera ang hihingiin kong kabayaran" si Andrew. Mas lalo namang naguluhan si Sam.
"Papunta na rin ako ng Ammerica.. Kung papayag ka.... Isasama kita" ang paliwanag pa ni Andrew.
"Pero..."
"Sam, Let's go there" ang yaya ni Andrew.
"Hindi ko kayang iwanan si Jun" ang tugon naman ni Sam.
"mamili ka. Ang manatili ka rito at magtiis at masaktan na makita mong nahihirapan ang taong mahal mo habang iniisip mo na kung tutuusin ay may kaya ka namang gawin para sa naiwasan ang ganung sitwasyon"