Ikadalawamput Dalawang Kabanata

1162 Words
"Gusto mo nang umuwi?" ang tanong ni Sam kay Andrew. "Bakit? Gusto mo na ba?" ang tanong pabalik ni Andrew. "Ayoko pa pero if it makes you uncomfortable-" "I'm fine" si Andrew. "Ang mahalaga; ikaw. Mamasyal na lang tayo bukas" Napangiti naman si Sam at tumango. Kinabukasan... nagising si Harold at napatingin sa kanyang relo. 6am. Napatingin naman siya sa tabi niya. Wala si Jun. Bumangon naman siya at naghilamos sa banyo bago lumabas. Kaagad niyang narinig ang dagat ngunit wala si Jun sa kusina. Naglakad siya patungo sa dalampasigan. Nakita niya si Jun sa may duyan. Nakaupo siya run at nananagarilyo. "Good morning" ang bati ni Harold. Naoatingin naman sa kanya si Jun at ngumiti. "Good morning" ang bati niya pabalik. Kakaiba ang mukha ngayon ni Jun. "Hey, what's eating you?" ang tanong ni Harold. Napa-iling naman si Jun. "I'm fine" ang tugon naman ni Jun sabay ngiti ulit. "I wonder..." si Harold. "Okay na kaya sila?" Pero hindi umimik si Jun. "What are our plans for today?" ang tanong ni Jun. "Pag-usapan natin yan habang nag-aalmusal. Gutom na ako" "O sha. Magluluto na ako ng agahan" si Jun. Naiwan naman si Harold dun. Narinig naman niyang bumukas ang pinto ng tabing bahay. Napatingin siya sa pinanggalingan ng tunog. Nakita niyang lumabas si Sam kasunod ni Amdrew. Kaagad yumakap patalikod si Andrew. Napangiti naman si Harold sa nasaksihan bago iniwas ang tingin at pinagmasdan ang dagat. Muli siyang napatingin nang nasa baba na ang dalawa. "Good morning" ang bati niya. "Good morning" ang bati naman ng dalawa. "Ang aga niyo namang aalis" ang komento ni Harold. "Ah, marami lang kaming pupuntahan" si Andrew. "Bakit hindi muna kayo mag-almusal kasama kami?" ang singit naman ni Jun. "Thanks for the offer pero sa bayan na lang" ang pagtanggi ni Andrew. Napatango naman si Jun. "We'll go ahead then" "Ingat" si Harold. Sumakay naman ng kotse si Sam at Andrew. "Well, that was awkward" ang komento ni Andrew nang makaalis sila. "I know" ang pagsang-ayon ni Sam. "Kain muna tayo. And then, where shall we go next?" "May maliit na falls na dinadayuhan dito tapos rock formations malapit dun" ang suhestyon ni Sam. "That sounds cool" Pagkatapos ngang makapag-agahan sa bayan ay nagtungo sila sa munting talon. Hindi gaanong kataasan ang talon. Aakyat ka pa kaunti ngunit hindi naman delikado. Nagtungo sila sa rock formation matapos ng talon. Kuha lang ng kuha ng litrato si Andrew. "Mag-iingat ka maraming salungo rito" ang babala naman ni Sam nang nadako sila sa mabatong parte ng rock formations. "Salungo?" si Andrew. "What's that?" "Sea Urchins" ang tugon naman ni Sam. Napatingin naman si Andrew. May mga salungo ngang nagkalat dun. Bukod dun ay may mga malilit na isda sa mga matubig na parte. Namangha naman siya. "Oh, look green fish!" ang turo naman ni Andrew na parang bata nang mapansin ang maliit na isda. Natawa naman si Sam.  "Makatawa ka diyan ah!" si Andrew. "Ang cute mo kasi" ang tugon naman ni Sam. "Tara na" "Saan na tayo pupunta?" ang tanong naman ni Andrew. "Sa Ditumabo Mother falls" "Mother falls?" "Oo, maganda dun" ang tugon naman ni Sam. "Iba pa yan?" "Daguisit falls po yan. Welcome to Baler. Tara!" Napatango naman si Andrew. "Medyo may kalayuan yun. Sa San Luis yun. We have to trek at least 30 minutes" "Masaya yan!"  ang excited na tugon ni Andrew. "Shut up and drive!" si Sam. Natawa silang dalawa. Kinuha ni Sam ang chips at nagsimulang kumain habang sinusubuan si Andrew. Pagkatapos nga ng byahe ay nakarating silang dalawa. Sabay silang bumaba nang makapagpark si Andrew. "Should we bring anything?"  ang tanong ni Andrew. "Tubig lang. Hindi pwedeng magdala ng pagkain dun" "I see" Nagsimula silang maglakad patungo sa entrance at nagbayad ng entrance fee. Sinundan nila ang mga signs papunta ng talon. May ilang food station silang nadaanan. "It's so strange" si Andrew. "If food is not allowed; then why are there a lot of food stalls?" Napakibit-balikat na lang si Sam. May mga daang sementado at may mga ilog na kailangang tawirin gamit ang improvised bridge na gawa sa kawayan. "Medyo malayo ah" ang komento ni Andrew. "Malapit-lapit na tayo." Hindi nga nagtagal ay naririnig na nila ang talon. Nakarating din naman sila. "Wow! This is absolutely fascinating!" ang reaksyon ni Andrew. "Let's go to the waters" "Sige" ang tugon naman ni Sam.  Nagtanggal sila ng tsinelas at pumunta sa tubig. "Ang lamig ng tubig" si Sam. "You'll get used to it" si Andrew. Ramdam nila ang lakas ng hangin mula sa talon. "This is so refreshing. Sa gilid ng talon ay may mga taong umaakyat para tumalon at sabayan ang tubig. "I wanna try that" si Andrew. "Let's go" "Ayoko. Natatakot ako" si Sam. "Okay then. Hintayin mo ako rito" Pinanood ni Sam si Andrew. Lumangoy siya patungo sa simula ng akyatan. Umakyat naman siya at kumaway pa kay Sam. Lumangoy naman si Sam papunta sa batuhan. "Look who's here" ang narinig niyang boses. Natigilan naman soya at napatingin sa kanyang tabi. Si Jun. Napatingin siya sa dereksyon ni Andrew na katatalon lang. "Sam!" si Harold. "Uhmm. Hello" si Sam. Hindi niya alam ang kanyang gagawin lalo na't nasa tabi niya si Jun. "It's a small world" ang komento naman ni Jun. Napapatingin si Sam sa paligid, hinahanap niya si Andrew na hindi naman nagtagal ay nagpakita mula sa tubig. Kaagad siyang lumapit nang makita ang dalawa. Kaswal lang naman silang nagbatian. "Jun, tara na sa tubig" ang yaya ni Harold. Tumango naman si Jun bago sumunod sa kanya. "Okay ka lang?" ang tanong ni Andrew kay Sam. Napatango naman si Sam. "Gusto mo nang umalis?" "Kararating lang natin dito and I know you're enjoying it here" si Sam. "Let us just not mind them. May sarili na silang buhay. Let's just mind ours" "Naks. Hindi na totoy ang asawa ko kung mag-isip." "I'll just pretend na hindi ko yan narinig" ang masungit na tugon ni Sam. Napatawa naman si Andrew. "I want to kiss you" si andrew. "But i cant right now" Napangiti naman si Sam. "Tara" si Andrew sabay hila kay Sam. Nasa gitna na sila nang hilahin pababa ni Andrew si Sam sabay halik sa kanya. It lasted only for a while. Sabay din silang umahon. "Just remember that I'm always here for you. I made mistakes and I may not have the power to stop myself from making more of it but this I promise you. I won't never hurt you again. Thank you, Sam. Thank you for choosing to love me. I love you" "I love you too. To the Sun and back" ang tugon naman ni Sam. "Will you marry me again?“ "For you, a thousand times over" si Sam. "If you think of it, may pagkaromantic din itong lugar na to" si Andrew. "Only because you're here with me" si Sam. "Perhaps" ang pagsang-ayon ni Andrew. "Tara na" "O sige" sabay silang umahon mula sa tubig patungo sa batuhan at naglakad patungo sa trail. "I heard there's a nice surfing spot here in Baler" si Andrew. "Sa Sabang beach" ang tugon naman ni Sam. "Tara dun" si Andrew. "Ang tagal ko na nga ring hindi nakakapag-surfing" "Nagsusurf ka?" ang gulat na tanong ni Sam. "Oo. Nung nasa America pa ako bago tayo magkakilala madalas akong pumunta ng Miami para makapagsurfing" ang paliwanag ni Andrew. Napatango naman si Sam. "Pero hindi katulad ng miami ang mga alon dun" ang paalala ni sam. "Alam ko" si Andrew. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD