Ikapitong Kabanata

1678 Words
"Salamat talaga Sam. Hindi ako nagkamali ng pagkakakilala sayo" si Jun. "Ikaw ang inspirasyon ko ngayon, Sam" Napapangiti naman si Sam. Kinikilig siya sa mga sinabi ni Jun. "Ikaw din naman ng naging ispirasyon ko" ang bawi naman ni Sam. Sa mga sandaling yun ay tila ba wala na silang hihilingin pa. "Sam, kukuha lang ako ng tubig" ang paalam ni Jun sabay tayo. Sa hidni inaasahang pagkakataon ay nasabigt ang gilid ng kanyang pantalon sa nakausling pako sa kahoy na mesa. "Hala" ang reaksyon niya. "Ayos ka lang ba?" ang tanong namn ni Sam. "Oo naman" si Jun. "Mang Isko, may naka-usling pako sa mesa namin!" "Ganun ba? Pasensya na. Kukuha lang ako ng martilyo nang hindi na makadisgrasya pa ng iba." ang reaksyon naman ni Mang Isko; ang may-ari ng karinderya. "Ayos ka lang ba talaga?" ang tanong ni Sam kay Jun. "Oo naman" ang tugon ni Jun. "May butas na yang pantalon mo" ang komento ni Sam. "Walang kaso yan. Matatahi pa naman eh" ang tugon naman ni Jun. "Uwi na tayo?" ang yaya ni Sam nang matapos silang kumain. "Agad-agad?" ang reaksyon naman ni Jun. "ha? Anong ibig mong sabihin?" si Sam. "Hindi pa ako kontento eh" si Jun. "Napaiyak kita ngayong araw kaya gusto kong bumawi" "Hindi na kailangan. Ayos naman na ako" ang sabi naman ni Sam. "Maglakad-lakad muna tayo" ang yaya ni Jun. "O, sige" ang pagpayag naman ni Sam. Tahimik naman silang naglakad. Umakbay naman si Jun kay Sam. "Saan tayo papunta?" si Sam. "Kahit saan" si Jun. "Gusto kong palagi kitang kasama eh." Hindi nila namalayan na nakarating sila sa isang malapit na parke. Naupo sila sa upuan. Tahimik lang silang nakaupo roon. Hindi nag-uusap pero kontento na sila sa ganun. Hindi nagtagal ay nakatulog si Sam sa braso balikat ni Jun. Hinayaan lang naman ni Jun si Sam sa ganung posisyon. Hindi siya makapaniwala kung anong meron siya ngayon. Pakiramdam niya ay ang swerte niya. Una ito sa kanyang buhay kung kelan ramdam niya na hindi siya nag-iisa. Wala na siyang mahihiling pa. "Uwi na tayo?" ang yaya ni Jun nang magising si Sam. "Sige, medyo maginaw na rin eh" ang pagsang-ayon naman ni Sam. Nagsimula naman silang maglakad pabalik. Kinabukasan, hindi na naabutan ni Sam si Jun pagkagising niya. Maaga kasing pumupunta sa bagsakan sa palengke para magbuhat ng isda o gulay. Kaagad namang bumangon si Sam at nagtungo sa kusina. Nakapagtimpla na siya ng kape nang dumating si Aling Aida; ang landlady. Kaagad naman silang nagbatian. "Aling Aida" si Sam. "Ano yun?" ang tanong naman ni Aling Aida. "May alam po ba kayong mapagkakakitaan?" ang tanong ni Sam kay Aling Aida. "O, bakit bigla mo namang naitanong yan?" "Eh, kasi gusto ko sananag magtabi ng pera para sa pansariling pangangailangan" ang tugon naman ni Sam. "Kulang ba ang pinapadala ng mga magulang mo?" "Ah, hindi naman sa ganun. Kasi po... Monthsary na rin po namin; balak ko po kasi siyang bigyan ng regalo" ang paliwanag pa ni Sam. "Ayun naman pala" ang komento ni Aling Aida sabay tawa. "Mahiyahin ka ba? Marunong ka bang magbenta?" "Mahiyahin po ako pero sanay po ako sa pagbebenta. Nung nasa probinsya po kasi ako; kasama ko ang nanay na nag-iikot ng mga bentang gulay" "Kung ganunn; pwede ka" si Aling Aida. "kailangan ko kasi ng magbebenta ng kakanin at mga pasalubong sa stall ko sa terminal ng bus" "Ayy, sige po!!" ang tugon naman ni Sam. "Kelan po ako magsisimula?" "Pwede ka ba ngayon?" ang tanong naman ni Aling Aida. "Ngayon na po?" ang tanong naman ni Sam. "Kung wala kang gagawin" ang tugon naman ni Aling Aida. "Bawat isang oras nga pala kita babayaran" "Maraming salamat po" ang pasasalamat ni Sam bago nagpaalam at nagbihis. Pagkatapos makapag-almusal ay sumama si Sam kay Aling Aida patungo sa terminal ng bus. "Sam, tulungan mo na rin akong magbukas ng tindahan" ang paki-usap ni Aling Aida. "Opo" ang tugon naman ni Sam. "O, sha. Sam... Ikaw na ang bahala rito" ang bilin ni Aling Aida. May pupuntahan muna ako. Pagbutihin mo ang pagbebenta; nang makarami" "Oho" ang maligalig na tugon ni Sam. "Buong araw naman naglalako si Sam ng sari-saring makakain at pasalubong sa mga papaalis at kararating na mga pasahero. Bukod dun ay marami siyang nakasalamuhang mga naglalako din sa mga kabilang stall. Nanag tanghali ay dumating si Aling Aida. "Sam, kain na tayo" ang yaya ni Aling Aida. "Nga pala. Alam na ba ni Jun ang tungkol sa plano mong gusto mong magtrabaho?" "Hindi na po muna niya siguro kailangang malaman" ang sabi naman ni Sam. "Gusto ko po kasi siyang surpresahin." "Ganun ba? O, sige" si Aling Aida. "Hindi ko sasabihin sa kanya." "Maraming salamat po" si Sam. Alas-otso na nang makauwi si Sam sa boarding house. "Sam, saan ka nagpunta at ngayon ka lang?" ang tanong sa kanya ni Jun. "Ah, may ginawa lang kami na proyekto" ang pagsisinungaling naman ni Sam. "Ganun ba?" ang reakyson naman ni Jun. "Naghapunan ka na ba?" "Tapos na. Eh, ikaw?" ang tanong naman ni Sam. "Hindi pa. Hinihintay kasi kita" ang tugon namn ni Jun. "Kakain ulit ako para sayo" ang sabi naman ni Sam na nakangiti. Napangiti naman si Jun. "Siguradong mararamihan ko ng kain" ang sabi naman ni Jun. "Dapat lang" si Sam. "Ayoko ng nagugutom ka" Sabay nga silang naghapunan; pagkatapos ay dumeretso sila sa kuewarto para makapagpahinga Ikawalong Kabanata Pagkalipas ng ilang mga araw... "Sam, bukas na yung party" si Ricky. "Pupunta ka ba?" "Pinag-iisipan ko pa eh" ang tugon naman ni Sam. "Bakit naman?" ang tanong naman ni Ricky. "May trabaho kasi ako hanggang alas-otso ng gabi" ang sabi naman ni Sam. 'Ha? Anong trabaho yan?" "Kinuha ako ng landlady namin na magbantay ng stall niya sa terminal ng bus" ang paliwanag naman ni Sam. "Ayy, ganun ba? Hindi ka ba pwedeng mag undertime" ang tanong ulit ni Ricky. "Pwede naman kaya lang nanghihinayang ako sa ilang oras" ang tugon naman ni Sam. 'Hay naku. Alam mo dapat hinahayaan mo rin ang sarili mong makapagrelax" ang sabi naman ni Ricky. "Isa pa isang beses lang sa isang taon ang ganung activity. Sayang naman yung pinambayad ng secret admirer mo sa party para lang umattend ka" "Kung pupunta mana ako; hindi dahil dun" ang depensa ni Sam. "Ikaw na nga ang bahala" ang pagsuko ni Ricky. "Oh, ayan na pala si pogi eh" "Jun!" ang pagtawag ni Sam kay Jun. "Jun lang?" ang tanong ni Ricky. "Ha? Anong ibig mong sabihin?" ang naguguluhang tanong ni Sam. "Wala man lang kayong espesyal na tawagan?" ang tanong ni Ricky. "Seryoso ka ba???!!" si Ricky. "Tulad ng "baby", "mahal", "daddy" "aaaah" ang reaksyon naman ni Sam sabay tango. "Wala eh. Kailangan ba yun?" "Hindi naman. Eh, natural lang kasi kaya sa mga magjojowa ang ganun" "ganun pala yun" Lumapit sa kanila si Jun. "Tara na?" ang maligalig pa ring yaya ni Jun kay Sam. "oh, bago tayo maghiwalay. Kunbinsihin mo nga yang jowa mo na umattend sa acquaintance party" ang sabi ni Ricky kay Jun bago nagpaalam na umalis. Nagsimula namang maglakad si Sam at Jun. "Bakit hindi ka pupunta?" ang tanong naman ni Jun kay Sam. "Hindi ko namang kailangang pumunta eh" ang tugon naman ni Sam. "Pumunta ka" ang sabi ni Jun. Napatingin naman sa kanya si Sam. Ngumiti naman sa kanya si Jun. "Parte yan ng pag-aaral mo. Kailangan mo ring magsaya. Hindi yung puro aral lang. Mababaliw ka nun. Bakit? Gusto mo ba na pag nagkapamilya tayo eh. Sumisigaw ka ng "Crispin!!!" "Basilio!!!" dahil nabaliw ka sa pag-aaral" "Grabe ka" ang komento ni Sam sabay tawa. "Pero seryoso" si Jun. "Pumunta ka" Tumango naman si Sam. Umakbay naman si Jun sa kanya. "Sa totoo lang, nakakainggit ka naga eh" si Jun. "Nararanasan mo ang mga ganyang bagay." Hindi alam ni Sam ang kanyang sasabihin. Bigla siyang nakonsensya at nalungkot na kaagad namang napansin ni Jun. "Hui, hindi ko sinabi yun para malungkot ka" ang paliwanag naman ni Jun. "Wala ka namang kasalanan" "Hindi mo alam kung gaano ako nalulungkot kapag nagsasabi ka ng ganyan" ang sabi naman ni Sam. "Tulad nga ng sinabi ko; wala kang kasalanan" ang sabi ni Jun. "Isa pa. Kontento na ako sa akunga anong meron ako ngayon. Mas nagpapasalamat pa nga ako kasi andito ka na sa buhay ko' at ipagpapalit ko lahat ng mga bagay na tulad ng ganun para sa'yo" "Ayokong maging rason para ipagkait mo sa sarili mo ang mga bagay na posibleng mmagpasaya sayo" "Masaya ako sayo kaya nga ipagpapalit ko ang lahat dahil ikaw langa ang kaligayahan ko." ang paliwanag ni Jun. "malapit na pala tayong mag-isang buwan" "Oo nga" ang pagsang-ayon din naman ni Sam. "Ang bili ng oras" "Wag kang mag-alala; may habangbuhay pa tayong dapat punan" si Jun. "Oh, ano? Malungkot ka pa diyan?" "Hindi naman masyado" ang tugon ni Sam. "Alam ko na!" si Jun. "Ibibili kita ng sorbetes" "Sorbetes?" ang nagtatkang tanong ni Sam. "Oo, yung nakalagay sa tinapay" ang pagkumpirma naman ni Jun sabay lapit kay Manong Sorbetero. Nakamasid si Sam sa kanya at bigla-bigla na lang napapangiti. Naisip niya, maswerte siya kay Jun. Pilit kasing pinapasaya ni Jun si Sam at tila ba amabigat sa damdamin nito ang makita siyang nalulungkot. Pakiramdam niya ay may promoprotekta sa kanya. Hindi niya inakala na ang taong sumagip sa kanya nung unang salata niya sa lugar na ito ay ang parehong taong magmamahal din sa kanya. "Oh, eto" si JUn sabay abot ng sorbetes sa kanya na nasa hamburger bun. "Eh, ung sayo?" ang tanong naman ni SAm. "Ayos lang ako mahal" ang sabi ni Jun. "Mahal?" ang pag-uulit ni Sam. "Oo, mahal" si Jun. "Kasi mahal kita" Napangiti si Sam. "Corny nito" ang komento niya na pilit tinatago ang kilig na naramdaman niya. "Bakit? Hindi ka ba kinilig?" ang tanong ni Jun. "Corny nga diba? May corny bang nakakakilig?" ang tanong pabalik ni Sam. "kung ganun, ayaw mong tawagin kitang "Mahal"? Ang seryosong tanong ni Jun kaya natigilan naman si Sam. "siyempre, gusto" ang tugon naman ni Sam. "Yun naman pala eh!" ang reaksyon ni Jun. "Pabebe!" "Ewan ko sa'yo!" ang ganti ni Sam. "Jun, maghati na tayo sa sorbetes" "Hindi. Para sayo yan eh" ang pagtanggi naman ni Jun. "Hindi ko naman kasi mauubos to eh" ang paliwanag ni Sam. "Asus! Hindi raw oh! Eh, ang lakas mo kayang kumain" ang tukso ni Jun. "Grabe to oh! Ikaw kaya ang malakas kumain sa ating dalawa" ang tugon naman ni Sam. "Eh, kasi palagi akong nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay" ang paliwanag naman ni Jun. "Eh, ikaw...." "Wag mo nang ituloy. Hindi ko gustong marining ang mga susunod" si Sam. Natawa na lang si Jun. Pinagpatuloy nila ang paglalakad patungo sa paradahan ng jeep papauwi sa kanila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD