Kapwa kami nakatingin sa mga tala ni Andrew. Rinig ko ang pagtama ng mga alon sa dalampasigan mula sa aming kinalalagyan. “Hindi ako makapaniwala na makikita ko pa muli si Jun” anmg pagbasag ko sa katahimikan. “Ang liit lang talaga ng mundo. Hindi rin ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyari sa atin sa nakaraan.” “Nagsisisi ka ba?” ang tanong naman niya. “Sa totoo lang... ayoko nang isipin ang nakaraan” ang tugon ko. “Ayokong pagtuunan ng pansin kung anong dapat nangyari... yung mga posibilidad. Wala na sa akin yun ngayon. Ang mahalaga... kung ano yung nasa kasalukuyan.” “Bakit... sa kabila ng lahat ng mga naging kasalanan ko sa’yo; minahal mo pa rin ako?” ang tanong niya. “I took you away from the man you love... I sexually assaulted you. I...” “Tama na, Andrew” ang suway ko sa ka

