Agad na dinaluhan ni Blair ang anak na unti-unti nang bumabagsak ang luha mula sa mga mata nito. Niyakap niya ito at at tinanong, "Ano ba ang nangyari at galit na galit ang kuya mo" "Ina!" anitong 'di makapagsalita at tuluyan nang naiyak. "Tell me, what's wrong?" "I-Ina, Kuya hates me now," anitong humihikbi habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mga mata. Isinubsob nito ang mukha sa dibdib ng ina. Patuloy naman na hinahaplos ni Blair ang buhok ng anak. "I made a mistake, Ina. Pinag-isipan ko ng masama si Ate Claire. Akala ko pera lang habol niya kay Kuya." "Why would you even think that, Cheska?" naguguluhan na tanong niya. "Because of Kuya Saint po…" "What?! How did you know that guy? He's a dangerous person, Cheska. Don't you ever get involved with someone like him!" "K-kila

