Mabilis na lumipas ang mga araw. Makakalabas na rin ng hospital si Kian. At mula rin noong may ipinakita si Keith na picture ay ‘di na rin pinapauwi ni Kian si Clarita. Para bang may alam ito sa nangyayari sa nobya pero tikom naman ang bibig nito. Para tuloy silang dalawa ang naospital dahil halos ‘di na lumalabas si Clarita ng kwarto. At kung lalabas naman siya ay palagi niyang kasama si Keith o kaya si Kristoff. Lagi rin siyang dinadalaw ni Grace para dalhan ng mga damit. Nagmistulang bahay nila ang kwartong iyon ni Kian sa ospital ng halos limang araw. Nagpapasalamat na lang siya at suportado sila ng pamilya nito except sa nag-iisang kapatid na babae na si Cheska. Napakabait nito sa kanya kapag nakaharap ang pamilya. Para itong isang anghel na ‘di man lang nakikitaan ng kagaspangan ng

