CHAPTER FOUR: THE BEGINNING

1928 Words
That night, I decided to leave the place without telling anyone and umuwi na parang walang nangyari. Bumangon na ako bago pa lumitaw ang araw dahil sa hindi makatulog. Naglinis ng katawan, nagligpit bago lumabas. As expected, may nakatingin na agad sa’kin. Nakita ko pa si Cloud na napasulyap sa’kin bago muling binalik ang tingin sa dinadaanan. Napabuntong-hininga ako bago bumaba. Paliko na ako papuntang kusina nang may marinig, “Nakita niyo si Selene?” napakunot-noo ako pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad. “May nakita ba kayong bilingkinitan na pangangatawan, mahaba ang buhok at nagiging kulay rosas ang kanyang buhok pag tinatamaan ng araw? Ang pangalan niya ay Selene.” I never heard that voice before kaya talagang katataka kung sino ‘yun. “Ahh, salamat...Magandang umaga, may nakita ba kayong—Selene? Selene!” at tuluyan na itong napasigaw. Hinarap ko ito, tinignan ang maliit na babae tumatakbo palapit sa’kin. Kinakaway ang kamay habang hawak ang laylayan ng mahaba nitong bistida sa isang kamay. “Ahh, sawakas nakita na kita,” pahagya pa itong humihingal pagkalapit sa harapan ko. “Ano ‘yun?” “Inimbitahan ka ng nakatataas para sa isang pagtitipon. Andito ako para sunduin ka at dalhin sa aming lugar. Nais ka niyang makita mamayang ala-sais ng gabi. Sana hindi mo siya biguin.” Matamis itong ngumiti ngunit iba ang sinasabi ng kanyang mata. Napataas ako ng kilay at isinawalang bahala na lang. Mas lalo itong ngumiti na labas na ang ipin ng mapansing tinitigan ko lang siya. “Sige.” Tumalikod na ako rito at naglakad, pero bahagyang nagulat na inunahan ako nito sa paglalakad at hinarangan ako. “What? I already said yes.” “Kailangan kong makasigurong pupunta ka. Ang sabi pa sa’kin ay kakaiba ka at matigas ang ulo kaya alam kong um-oo a lang ngayon ngunit ‘di ka dadala. Tama ba ako?” “At talagang ang pagiging matigas kong ulo ang narinig mo,” nagkamot ito ng pisngi niya at natawa. “He-he.” “Pupunta ako.” Akma ko siyang lalagpasan pero humarang uit ito. “Totoo?” “Oo,” sa kabilang side naman nito ako umikot pero humarang ulit ito. “Paano ako makakasiguro?” hindi ko maiwasang mapabuntong hininga mismo sa harap nito bago pinagkros ang dalawa kong kamay sa aking dibidb. “I don’t know. Its up to you kung paano mo mapapatunayan May gagawin pa ako at walang oras para patunyan pa ‘yun sa’yo, kaya pwede ba? Magluluto pa ako at baka mabulyawan pa ako kung magtatagal ako nito.” Nginitian ko pa ito bago nagderetsyo. Buti naman ay wala na itong sinabi o sumunod pa. Pagpasok ay hindi ko na sila tinignan pa at dumretsyo sa sink para maghugas ng kamay. Ang bawat pagbagsak lang ng tubig ang pinansin ko. Kinuha ang sabon pangkamay at kinuskos sa bawat daliri at kuko ko para mawala ang dumi. Inangat ko ang kamay ko para makita kung may naiwan pang dumi sa kuko bago muling tinignan ang gripo na bukas pa rin at malakas ang pagdaloy ng tubig. Ngunit napansin kong nagiba ang kulay nito at naging kulay blue na kumikinang. Napaangat ako ng tingin sa mga nasa likod at katabi ko ngunit parang hindi nila napapansin ‘yun. Tinignan ko ulit ang tubig pero bumalik na ito sa dati. Namamalikmata lang ata ako. Pasimple akong napabuntong-hininga at sinarado na ang gripo bago pinunasan ang kamay sa basahang nakasabit sa hawakan ng cabinet. “Selene,” kakatalikod ko pa lang ng may tumawag na naman sa’kin. Inis ko itong hinarap. “What?” Isang babaeng hindi ko kilala ang tumawag sa’kin. Nakapusod ang buhok habang may hawak na pangalikabok sa isa niyang kamay at ang isa ay hawak ang pinto para hindi ito sumara, “Pinapatawag ka ni Sister Eva sa silid-aklatan.” Umalis na ito pagtapos ko itong tinanguan. Agad na lang ako sumunod at hindi pinagpapansin ang mga babaeng nakatingin. Sa kabilang dulo pa ng mansyon ang silid-aklat, malapit ito sa main entrance. Samantala ang kusina ay nasa likod, dulong bahagi ng mansyon pa. Nakita kong may nahulog na pantali ng buhok. Nasipa sipa pa ito ng iba at mukhang hindi napansin. Kinuha ko na agad at sinuklay suklay ang buhok gamit ang daliri ko habang ang pantali ay nasa bibig ko. Sinikop ko ang bawat bahagi ng buhok ko at itinali, nakatingin pa rin sa dinadaanan, malapit na sa pupuntahan. Bakit ba ako nang ako ang pinapatawag nila? Tsk. Hinarap ko ang normal na laki ng pintuan ng silid at hinatak ang tali doon nang ilan beses. Mula sa labas, maririnig mo ang pagtunog ng bell. Sapat lang ang lakas para malaman na may tao sa labas. Mayamaya pa ay binuksan ni Sister Eva ang pinto. Ang plastic agad nitong ngiti ang nakita ko. “Selene, mabuti naman at pumunta ka. May ipapagawa ako sa’yo.” Agad akong napareklamo sa isip ko. Puro na lang sila utos. Tsk. Pumasok ako at tinignan ang maliit na library. Isa lamang ito sa Liberia naming na nandito. Kadalasan ay sila sister ang nanatili rito para sa mga gawain. Nasa pangalawang palapag ang main library na kadalasan kong pinupuntahan para sa pagsusulat. Lumapit ito sa desk at kinuha ang papel at inabot sa’kin. Binuksan ko ito habang nagsasalita siya. “Kunin mo ang mga ‘yan at iabot kay Cloud. Alam niya na ang dapat gawin diya’n.” Inalala ko muli ang sinabi ni Sister Eve. Napairap ako sa hangin at muling tinignan ang nagiisang kung saan pirming makikita si Cloud:ang Green house. Nasa labas ito ng mansyon ngunit nasa loob lang pa rin ito ng Yaleda. Hindi katulad ng iba, dito naninilbihin at nakatira ang tinatawag nilang Cloud. Ang sabi-sabi, ayaw nila itong makasama dahil sa kakaibiang hilig nito sa page-experimento nang mga halaman. Kakaiba rin ito magisip at mahirap makasundo. Hindi ko pa ito nakakausap maski isang beses pero nakita ko siya minsang may ginagawa sa loob ng Green house. Tinulak ko ang glass door at nilinot na agad ang paningin sa loob, walang pakielam sa mga naglalakihang halaman doon. I’m not really interested in plants. “Cloud?” sigaw ko. Nakita ko ang desk kung saan minsan ko siyang makitang may ginagawa. Nakita ko lang ang iba’t ibang halaman at containers na may laman, ngunit wala siya doon. “Cloud!” Napatalon sa guat ng makitang na sa likod ko na pala ito. Suot ang puting coat, malalaking salamin sa mata na ginagamit talagaa para sa page-experimento. Napakagada nitong tignan sa green nitong buhok na bumagay sa halamang naririto. Kapansin pansin ang Gulat din itong nakatingin sa akin. “Selene, what brings you here?” Tinago ko ang pagkamanggha at deretsyo ko itong tinignan sa mata. “May pinapakuha si Sister Eve at pinapabigay sa’yo, alam mo na raw ang dapat gawin sa mga ‘yan,” inabot ko ang papel at kahon na bitbit sa kanya. I saw her bit her lips and rolled her eyes before placing the box down on the table behind me and get a piece of paper and wrote down some unknown words to me. “Please give this to her,” abot sa’kin ng sulat. “Na sa likod ng lab ang hinahanap mo. The one with the green tape.” “Yeah, thanks…” Ngumiti ito at akmang aalis na pero hinawakan ko ito sa braso kaya napahirap itong muli sa’kin. “May kailangan ka pa?” pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa bago pinakawalan ang kamay nito at nginitian. “Nothing.” Nakabalik na ako sa kwarto ko. Nakapamewang ang tingin sa hindi kalakihang kahon sa sahig. Tinignan ko ang muli ang sulat sa aking kaliwang kamay at binasa ito. Nagmula raw ito sa nakatataas at pinapabigay sa’kin. There are two higher positions who handle here in Yaleda. One is the nun. There are responsible to take care of and monitor the young ladies (that is us). They trained us to serve our known God and maintain our purity. The reason why the ladies here dresses long skirt and loose top—for short, manang outfits. That they believe to keep their purity, but actually not. Kung titignan ay mas tigang pa sila sa’kin na halos ilabas na ang kaluluwa. The second one is much higher than the nuns. We called them Supreme Deity. They are the ones who give orders to the nuns. Wala pang nakakakita sa kanila, maski ang mga madre. Ang sabi ay, nagtago sila simula nung nagsimula ang sumpang kinakaharap namin. Ang sumpa na once our opposite s*x touches even the tip of our fingers, will die or suddenly vanish. Walang nakakaalam kung saan sila napupunta. Buhay pa ba o patay na. Kinahaharap na namin ito sa loob ng tatlong siglo. Walang makakaligtas kung hindi kami paghihiwalayin. Ngunit, may nagawa ang mga Supreme Deity para patuloy na dumami ang lahi naming. Yet, I still don’t know their actions regarding this one. Muli kong binaba ang tingin sa kahon at napaisip. Why would the Supreme Deity suddenly get connected to me? Why would she invite me tonight? Alam kong siya ‘yon at hindi galing sa mga madre ang imbitasyon. What’s your plan? Should I trust you? Hindi ako mapakali. Tinago ko na lamang ang gulat kanina nang may lumapit at sinasabing inimbitahan ako nito. Ang mas nakakagulat pa ay sa kampo nito na hindi ko alam na meron pang isang lugar ang mga kababaihan bukod sa Yaleda. Naguguluhan ako. Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyari ngayong araw. Feeling ko ay pinalalaruan lang nila ako. But I don’t have any choice to answer my questions. Kailangan kong pumunta at sumama sa sinasabi nitong kampo. “Supreme Deity, are you really sure for letting someone enter our yard? Hindi pa natin sila tuluyang kilala. Hindi pa rin natin alam kung sino ang pagkakatiwalaan at kalaban. Masyadong mapanganib ang deisyung ito, Deity.” Nakayukong pahayag ng isang maliit na babae. Mapapansin agad ang kulay rosas nitong buhok na pirming nakataas at nakaparte sa dalawang tali. Mukha itong bata kung titignan dahil sa maamo nitong mukha at pananamit, pero ang totoo ay mas matanda pa ito kung siya tunay na aalamin. Mula sa gitnang bahagi ng silid, nakaupo ang sinasabi nitong Supreme Deity sa isang upuan na para lamang sa isang diyosa o reyna. Kahit sa dilim ay makikita ang natural na kulay ginto nitong buhok na umaabot na hanggang sa pwutan nito. Kahanga hanga at mabibighani ang kahit sino man dito. Ang reyna na tinitingala nang lahat ng mga lobong kalahi nila. Umayos ito sa pagkakaupo at inunat ang likod habang nakatingin sa babaeng itinuring niya ng anak at kanang kamay. Inangat na nito ang tingin sa reyna na may seryosong mukha. Napabuntong hininga ang supreme deity at tinignan ito ng deretsyo sa mata. “Trust me. Alam mong hindi ako kumikilos ng hindi ito pinagiisipan. Kailangan na rin nating gumalaw at ang pananatili sa dilim ay ang nakakapagpabagal sa atin. Alam kong mapagkakatiwalaan sila at makakatulong sa atin para malutas ang sumpang ito. Wala tayong ibang magagawa kung hindi ang pagkatiwalaan ang iba at muling makipagtulungan sa iba. If something happens, remember my word. They do not dare betrayed and be-little the queen. I am not just a Queen and a ruler. I can lead them to the darkness in just one snap if they wish to be devour.” Yumuko ito ulit and the supreme deity confidentaly raise her head that everyone should bow down and be feared by anyone. “Yes, my queen.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD