CHAPTER 28: Bagong Alyansa > HUMINTO KAMI NG paglalakad nang marating namin ang bahagi ng sea wall na walang tao. “Tol, may nagawa ba kaming labag sa batas? Wala naman kaming ginalaw do’n,” sabi ni Mengil. Huminga nang malalim ang pulis na si Bab at pinagmasdan niya kaming dalawa. Tapos napailing-iling siya. “May kakaiba talaga sa inyong dalawa, eh?” aniya. “Mengil, ‘tol, ‘yang porma mo, sa ganitong oras? Okay, wala namang oras ng pagsuot niyan, kaso hindi usually nagsusuot ng ganyan ang mga tao rito, eh? At uuwi ka na lang naman, eh? At sa tingin mo, hindi ko mapapansin ang patalim mo sa likod?” Pinilit tumawa ni Mengil. “Wala naman ‘to,” sabi niya. “Kasi nga, ‘di ba, may gumagalang killer na hindi pa nahuhuli? Proteksyon ko lang ‘to sa sarili ko,” palusot niya. Mahusay talaga s

