Ika-siyam na Kabanata

877 Words
Hindi ko namalayan na matatapos na pala ang isang linggo naming pamamalagi dito. Sina papa at mama ay palaging nakaupo sa isang bato sa may batis na malapit sa bahay ni Isma. Parang hindi talaga ako makapaniwala sa aking nakikita. Parang wala kami sa isla na pinagmulan namin kanina. Ang kwento sakin ni mama ay dito raw sila humihingi ng gabay. Misteryo pa rin ang bumabalot sa isla na ito. Wala rin daw silang alam kung paano at kung sino ba talaga sina Isma. Ang nakakapagtaka ay kapag nakikita ako ni Isma ay tuwang tuwa siya sa akin, na minsan ikanakaselos ni Gestar. Napapansin kong sobrang sweet nila sa isa't isa at tila minsan may sarili silang mundo parang kaming dalawa ni Kal. Matatapos na ang pagsasanay at bago mag ikapitong araw at palubog ang araw ay inanyayahan kami ni Isma sa kanilang bakuran. Nagulat nalang ako na ang bakuran ay may nakalarawang bilog at tila isang simbolo sa gitna ng bilog. Sa bilog na ito ay naka upo si Isma at inaya nyan kong maupo sa harap nito. Kaya kita sinanay dahil gigisingin ko mismo ang nakatago mong kapangyarihan. Hindi ko alam kung bakit parang nakaselyo ito kaya hindi mo ito magamit. Pero sa nakikita ko ay unti unti na rin itong nababasag at kelangang sadyain na mismo ang pagsira sa selyo. Kung sino man ang naglagay nito sayo ay masasabi kong makapangyarihan itong nilalang na ito. Sinabihan ni Gestar na umalis sa bilog sina mama at sumunod naman sila. Nasa gilid lang sila at nanonood sa ginagawa ni Isma. Nagliwanag ang buong paligid at tila umiinit ang pakiramdam ko. Tandaan mo ito Merlow bago ko sirain ang selyo. Dapat kontrolin mo ng mabuti dahil kapag hindi mo ito kinontrol pare pareho tayong sasabog. Kaya kita sinasanay at pinapahirapan para sa ganitong sitwasyon, ikaw lang ang pwedeng kumontrol nito maliwanag ba? Opo maliwang po. Gagawa ako ng komunikasyon nating dalawa sa telepathy sabihin mo sakin kapag hindi mo kaya kung hindi mo kaya ay gagawa ako ng isang selyo para makontrol mo ng mabuti ito. Opo sige po Master Isma. Kung ganun magsimula na tayo. Nawala yung liwanag sa bilog at tila isang linyang guhit ang bumabalot sa aming dalawa siguro isa itong pananggalang at nagulat ako ng may nagsalita sa isip ko. Naririnig mo ba ko Merlow Opo. Tandaan mo yung sinabi ko sayo. Opo Master Isma. Nakapikit si Master Isma at biglang dumilim. Hindi ko na nakikita sina mama. Si Master Isma lang at ako. Tapos biglang may nagsalita sa likod ko. At tingin ko walang tao, nasindak ako at nasa harap ko na sya. Hmmm... At tila nagulat ako sa aking nakita isang parang kaluluwa na kamukha ko ang lumabas. Pero kakaiba ang kasuotan nito. Ikaw pala si Merlow. Kinagagalak kitang makilala. Ako nga pala si Batalla.. Tawagin mo nalang akong Batt. Ako ang nakatago mong kapangyarihan. Teka nasaan ako? At nasaan na si Master? Wag kang mag alala. Andito pa sya ang totoo pa nga nyan ay nakikita nya ko. Ayun sya pagtingin ko sa itaas. Nakita ko si Master Isma na nakatingin sa aming dalawa. Hmmmm.. Ikaw pala ang kapangyarihan nya.. Tama ka ako nga.. Nagdududa si Master Isma. At tila may binunot itong espada sa kanyang gilid. Ooooppsss.. Wag kang mag alala. Hindi ko sasakupin ang isip ni Merlow. Andito lang ako para gabayan sya sa pag gamit ng kanyang kapangyarihan. Tila nawala ang pagdududa ni Master ng itaas nito ang kanyang kamay. Kung ganun ay tulungan mo syang mabuti, at malaman laman ko lang na sinasakop mo kanyang kaisipan ay ako mismo ang magtatanggal ng katauhan mo rito. Pananakot ni Master Wag kang mag alala.... hindi ko gagawin yun at hindi ko kayang gawin yun... Alister.. Tila nagulat si Master Isma sa sinabi nito.. Sino ka ba talaga? Tsk tsk tsk.. hindi na mahalaga kung sino ako dahil ang mahalaga ay matulungan ko si Merlow sa pag gamit ng kanyang kapangyarihan. Nag usap pa sila at tila sumakit ang aking ulo. Mukhang hindi ko pa kayang kontrolin ng tuluyan to.. Napasigaw ako sa sakit. Sabi ko na nga ba hindi mo pa kaya saad ni Master.. Agad agad syang gumawa ng panibagong selyo at ako naman ay tila nanghihina at mawawalan ng malay. Nagising nalang akong nakahiga sa isang kama... Pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko sina Kal, aking mga kuya at sina Isma at ang aking magulang. Parang nag uusap sila ng masinsinan. Mabuti at nagising ka na rin. Master? Anu po bang nangyari sakin? Pagtataka ko. Mukhang hindi mo pa kayang kontrolin ng maayos ang mga abilidad mo. Wag kang mag alala. Naalala mo ba yung sinabi ko sayo na nilagyan ko ng panibagong selyo ang iyong kapangyarihan. Pero maaari mo na syang gamitin. Magpahinga ka muna mamaya tuturuan kita kung paano mo kokontrolin yan ng unti unti. Pero masasabi ko na naging maayos naman ang pagtanggal ko ng selyo. Noong ika pitong araw bago kami umalis ay tinuruan nya ko ng simpleng kapangyarihan. Kung ano ba ang mga abilidad ng isang demon. Dahil sa kalahating demon ako ay ginamit ko ito. Dapat daw matuto akong kumontrol sa aking emosyon dahil kapag daw nawalan ako ng kontrol maaaring masira ang nilagay nyang selyo sakin at baka bigla nalang akong magwala at ang malala makapanira o makapaminsala ng masama sa ibang nilalang at mga tao. Hindi ko malubos maisip na ganito pala ang abilidad ng demon..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD