Kausap namin ngayon ang babaeng kaluluwa na hindi makatawid dahil wala ang kanyang anak.
Doon namin nalaman ni Kal na nasawi sila dahil din sa ginawa ng espiritu na iyon at sapilitan nitong binihag ang kaluluwa ng anak nya. Ngayon ay makakatawid na silang dalawa.
At tulad ng ibang batang kaluluwa ay dinala namin sila kung saan dapat sila tatawid papunta sa kabilang buhay. Inisa isa namin ang mga bata pero may isang kaluluwa na meron daw kakambal at may ibang kumuhang nilalang sa kanyang kapatid.
Ibig sabihin may kasabwat yung masamang espiritu na iyon? Pagtataka namin ni Kal
Hmm.. Nag iisip si Kal.
Magtanong na kaya tayo sa iba na pwede makaalam nito?
Pupuntahan natin si master Isma? Tanong ko kay Kal
May iba akong kilala na pwede nating pagtanungan sa mga ganitong bagay.
Nangako kami sa batang kaluluwa na ililigtas ang kakambal nya pero hindi namin sya pwedeng isama kaya tinanong ko sya kung papayag ba syang ilagay ko muna ang kaluluwa nya sa isang magical item pero pansamantala lang baka kasi kung anu pang mangyari sa kanya kapag iniwan namin sya.
Pumayag namin ito at pinangako namin na pagsasabayin namin sila ng kapatid nya.
Tinanong din namin kung sino ang kumuha sa kapatid nito.
At naikwento nga nito na hindi lang nag iisa ang itim na espiritu.May mga kasamahan ito at pawang malalakas ang karamihan sa kanila.
Nagpunta kami ni Kal sa isang kagubatan na nasa ibang dimensyon pero ang pagpasok dito ay nasa isang park sa syudad. Kahit na ilang buwan na kaming mag boyfriend ni Kal ay marami pa akong hindi alam sa kanya, pero yan ata talaga kapag nasa isang relasyon. Kada araw may bago kang matututunan sa iyong minamahal.
Pumasok kami rito at sinabihan ako ni Kal na mag ingat dahil maraming patibong ang lugar na ito.
Sinunod ko sya at sinadya kong magpahuli dahil sya ang nakakaalam ng daan at mukhang alam na rin nya kung saan nakatago ang mga patibong.
Isa raw diwata na galing sa dimensyon nila ang nakatira dito.
Matagal na raw itong naninirahan dito at kilala ito bilang gabay ng mga Engkanto at diwata.
Kumatok si Kal sa isang pintuan at gumamit sya ng isang mahiwagang susi gamit ang kanyang apoy.
Pagkabukas nito ay kita namin ang isang malamansyon na laki ng bahay at may nagwawalis sa harap nito na nakasumbrero hindi ito pangkaraniwang lugar dahil iba ang itsura ng lugar ng bahay sa itsura ng labas kanina. Masyadong kumplikado ang buhay ng mga engkanto at diwata, yun ang aking naiisip ng mga oras na iyon.
Prinsipe Kal? Saad ng isang batang lalaki na nagwawalis.
Napatingin naman ako kay Kal at tila siya ay napangiti na napipilitan.
Kal nalang Maloy sabi nito sa bata
Tinignan ako ng batang si Maloy at nagulat ako dahil naging agresibo ito bigla sa akin.
Hinarang ito ni Kal.
Wag mo syang sasaktan sabi ni Kal kay Maloy.
Kasama ko sya at narito kami ngayon dahil gusto kong makausap si Beatriz.
Nagpakita bigla ang isang magandang dalaga at may hawak itong pamaypay.
At ano naman ang maipaglilingkod ko sa inyong kamahalan?
Pinakilala kaagad ako ni Kal sa diwata. Sinusuri ako ng diwata at tila tumataas ang kilay nito sa akin.
At kinuwento nya ang sitwasyon namin.
Nasa isang maliit na lamesa kami at may nilabas syang Brilyo na may kulay na ginto.
May mga binanggit itong mga salita at nagpakita ang isang pangyayari na nagdulot ng pagkatakot sa amin ni Kal.
Nakita namin ang matang kulay pula na nababalutan ng maitim na parang anino.
Kahit ang diwata ay nagulat sa nakita nya.
Ang mga ito daw ay tinatawag sa mundo ng mga diwata na Satiro.
Sila ang mga espiritu na pinaparusahan sa hell at sadyang nakatakas at tuluyang kinain ng kanilang kasamaan.
Pero dahil sa kaluluwa nalang sila ay kelangan nilang kumuha ng lakas o enerhiya para maka survive at lumakas.
Hindi sila pangkaraniwang kaluluwa dahil makapangyarihan ang mga ito lalo na dahil kumakain sila ng ibang kaluluwa.
Kahit ang mga diwata ay takot sa kanila dahil wala silang katawan pwede silang atakihin nito kahit anung oras.
Simula pa noong unahang panahon ay may mga nakakatakas na kaluluwa mula sa hell dahil na rin sa mismong gyera na nangyayari sa cosmo.
Ang mga Satiro madalas ay hindi nakikihalubilo sa ibang Satiro pero itong mga ito ay tila nagtitipon at tipong nag uusap.
Binalaan kami ni Beatriz na sadyang mahirap kalabanin ang mga Satiro lalo na kapag marami ito. Tatalab naman ang kapangyarihan namin ni Kal pero kelangan daw namin mag ingat ng mabuti.