Isang linggo na ng malaman kong hindi ako tunay na kadugo ng aking mga magulang at ng aking mga kapatid pero palagi akong pinupuntahan nina papa.
Nagulat nga ako noong nagpunta sya first thing in the morning, may dala syang pagkain na niluto ni mama. Naabutan nya kaming walang saplot sa kama. Napasigaw nalang ako at namumula sa hiya.
Alam naman nina mama na nasa tamang edad na rin ako pero syempre sinasabihan akong gumamit ng proteksyon sa mga sakit.
Safe s*x ika nga mahirap ng makakuha ng kung anu-anu pero alam ko namang walang naging ibang karelasyon si Kal.
Sinabi nya sakin na ako lang daw talaga ang naging nobyo nya. Wala pa syang niligawan kahit sa dimensyon nila. Saka raw stick to one lang daw silang mga engkantado. Nakakailang buwan na rin kaming magkasama pero nahihiwagaan ako minsan kay Kal.
Hindi naman dahil magaling sya sa ibang bagay pero may pagkamisteryoso talga sya parang minsan may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi.
Minsan naguguluhan ako sa akto nya pero alam kong hindi naman nya ko niloloko subukan lang nya baka gawin syang palaka ng papa ko. Kahit na ganito ang nangyari sakin masaya pa rin ako kasi kahit hindi ako tunay na kadugo nina papa eh hindi ko naramdaman sa kanila yun. Lalo na sina kuya sobrang protective nila sakin.
Hindi rin naman halata sa totoo lang na hindi ako galing kay mama at papa kasi kamukha ko talaga si mama kung hindi nila sinabi malamang hanggang ngayon ay wala akong idea sa katotohanan, bagay na pinagpapasalamat ko sa kanila kasi naging honest naman sila sakin at mahal na mahal ako syempre ganun din naman ako sa kanila.
Nagtext sakin si Kal na uuwi sya ng maaga dahil may natanggap syang liham na kelangan nyang bumalik sa dimensyon ng mga engkantado, hindi ako maaaring sumama kaya naman kaagad syang nagpaalam, sabi ko sa kanya na mag ingat sya lagi kahit alam kong makapngyarihan sya nag aalala pa rin ako sa kadahilanang habang tumatagal napapansin ko dumarami ang mga halimaw at magical creatures na lumalapit sakin para saktan o kaya naman ay paslangin ako.
Sadyang nag aalala sina papa sakin kaya gumawa kaagad sila ng mga magical items para maproteksyunan ako at may magamit akong sandata o kapangyarihan laban sa mga ito. Nag reresearch pa si papa at kuya Merlin iniisip ata nila kung anung meron sakin.
Alam nina papa na hindi ako normal na tao noong maliit pa lamang ako pero hindi nila malubos maisip na maraming magtatangka sa buhay ko.. Noong isang araw nga ay kinuhanan ako ng dugo ni kuya Merlin titignan daw nya baka raw may makita sya sa pag examin nya sa pamamagitan ng mahika si kuya Merken naman ay nagreresearch para gumawa ng devices para magamit ko incase of emergency talaga.
Naisip nga nyang bigyan ako ng isa nyang imbensyon na parang baril pero ang pwedeng gumamit lamang nito ay ang meron mahika sa katawan, ibig sabihin gagamitin nito ang enerhiya na nanggagaling sa katawan para gawing sandata.
Meron pang iniwang parang shield si kuya na tipong pang star wars ang peg.
Kaya naman pala busy madalas si mama sa office kasi nag iimbestiga pala sya kung saan ako nanggaling. Simula noong sinabi ko sa kanila yung mga nangyayari ay parang nabahala sina mama sa kalagayan ko. Kaya nag babasa sya ng mga lumang manuscript at libro at nagtatanong rin sya sa mga matatandang may kapangyarihan kung anung nangyayari at bakit nangyayari ito
.
Sa ngayon ayos naman ako at talagang bantay sarado ako kay Kal ngayon lang talaga sya nawala dahil sa request ng kanyang ama. Isang sulat na nanggaling sa kanila pero yung sulat na iyon ay may mahika rin.
Nasa may hallway ako at nagtataka ako bakit walang tao.. Hindi ko napansin na trap na pala ako sa isang dimensyon na hindi na nsa katotohanan or realidad. Biglang lumitaw ang isang maitim na parang panakot ng mga uwak naglalakad ito.. sa itsura pa lang nito alam kong hindi na maganda ang pakay nito sakin kaya naman noong sinubukan nitong gamitin ang vines ng mga halaman, hindi ako natakot at nilabas ko agad ang baril at tinutukan sya sa tiyan nya.
Tinamaan ko sya pero sa may legs ko sya natamaan.. Kakaiba itong halimaw na to parang hindi ito isang ordinaryo na mga halimaw na umaatake sakin. Habang tinititigan ko sya sinusundan lang nya kung paano ako gumalaw parang ginagaya nya ako. Paano kaya ako makakatas nito. Kita kong nag iisip ito.
Tama ba itong nakikita ko ginagaya nya ko? Sa paraan kung paano ito tumayo ay parang ako. Dalawa ang legs nya at kapag makikita mo sya parang taong langaw ang itsura na tapos maberde ang kulay nito at parang may itim na patse sa katawan. Sa madali't sabi medyo nakakadiri tignan. Pero ang pinagtataka ko bakit nya ko ginagaya.
Tatakbo na sana ako ng biglang nawala sya at naramdaman kong parang may tumama sa legs ko shet. Nasugatan ako sa kanang hita ko. Paano to? Tanong ko sa sarili ko.
Kinuha ko ang magical item na coin purse at naalala kong may mga items dun na pwede kong gamitin pangtakas. Kinuha ko ang isang buto ng halaman. Tinuro sakin noon ni papa gumamit ng mga ganitong bagay lalo na kapag kelangan naming tumakas.
Binato ko sa kalaban pero parang wala lang sa kanya pagtama nito sa lupa biglang yumanig ang lupa at sakto noong umatake ang halimaw eh biglang may tumubong malaking Venus Fly trap na at kinain sya nito.
Kaya ko sya binato para tumubo ang isang halaman na pwedeng kumain o kaya pigilan sya ng ilang minuto. At nakadepende sa tatamaan nito kung gaano kabangis ang tutubong halaman o bulaklak.
Habang naglalaban ang halimaw at ang bulaklak ay agad kong tinawag ang pamilya ko at para marinig ni mama na kelangan ko ng tulong. Sana hindi sya busy. Biglang lumitaw si papa at kuya merlin.
Anung nangyari merlow? Bakit may ganyan?
Hindi ko rin alam kuya bigla nalang akong inatake nyan. Tapos di ako makaalis dito kasi nasa ibang dimensyon na kami.
Sige halika na mukhang hindi na yan makakapalag sa bulaklak saad ni Papa
Naglaho kami at biglang napunta kami sa condo.
Nagpahinga muna kami habang nagkukuwentuhan tungkol sa nangyari.
Anak, nag aalala nako sayo, umuwi ka nalang kaya.
Kitang kita ko ang pag aalala sakin ni Papa.
Biglang nag appear sina Mama.
Anak yinakapa nya ko. Noong narinig ko ang boses mo tinawag ko agad ang papa at kuya merlin mo kasi alam kong mas mabilis silang makakarating.
Oo nga ma.. Salamat ma..
Kaya kasing ikonekta ni mama yung kakayahan nya kina papa lalo na kung naririnig nya ang strong emotions namin sa telekinesis..
Nag alala sya ng narinig nya ang takot sa isip ko.. Mas mabilis nya kasi nararamdaman yung emotion saming mga anak nya.. dahil palagi namin syang kasama noon ay parang may connection na sya samin sa kapangyarihan nya kaya kaya nyang maka receive ng babala lalo na kapag alam nya na nasa delikadong sitwasyon na kami.
Lalo na kay papa dahil asawa nya ito.
Kaya ni Mama gumamit ng teleportation pero kelangan pa nyang masigurado ang coordinates kaya natatagalan sya..
Buti nalang naka ilang balik na sya sa condo kaya madali nalang sa kanya pero yung kanina kaya nya sinabihan sina papa kasi may item ako na kayang madetect ni kuya Merlin at papa dahil nakaconnect ito sa magic nila.
Pinag usapan namin yung kanina at gusto nga nila na umuwi nalang ako pero hindi ako pumayag. Una kakasimula palang ng taon. Pangalawa nasasanay na rin akong mabuhay at maging independent mostly at pangatlo dahil andito si Kal. Sinabi ko naman sa kanila yun. Naiintindihan naman nila yun.
Pagkatapos noon, ay pinag usapan namin ng pinanggalingan ko o kung saan nila ako natagpuan noong sanggol pa lang ako at kung bakit ako may enerhiya ng kagaya sa kanila pero hindi ito active.
Sabi ni kuya naconfirm nila sa research an ang dugo ko ay hindi ordinaryo. Ibig sabihin galing din ako sa mga magical beings. Pero ang kinagulat nila ay may kung sa anong lahi. Hindi nila napansin pero may dugong demonyo pala ako. Nagulat din ako. Ang sabi raw kapag may dugo ka galing sa mga demonyo ay lapitin ng mga magical beings dahil gusto nila makuha yung abilidad na meron ang mga demons.