Kabanata 28

2386 Words

Tulala lamang ako at hindi alam kung ano ang irereply ko. Alam na niya na may anak kami at iyon na ang kinakatakutan ko. Alam na niya, at ngayon, hindi ko na alam kung ano ang iniisip niya. Is he going to get Zellor from me? Palaging nasa isip ko iyon. “M-mama!” Natauhan naman ako at napalingon sa anak ko na nasa sahig na, nakatingala sa akin. “Ah! Ah!” he gestured. It means, he wants to eat. Ngumiti naman ako at inilagay sa ilalim ng unan ang phone. Binuhat ko siya at nagpunta kami sa dining area. Mabuti na lamang at nakapagluto pala ako ng ulam na para sa kaniya. Inupo ko siya sa high chair na may sandalan at kumuha ng kanin sa rice cooker. Napalingon ako nang biglang pumasok si Sarah, kumakain ito ng cupcake na gawa ko. “Oh, mananghalian na si Baby Zellor?” tanong nito at l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD