[Warning: Matured Content. Read at your own risk. Kung ayaw niyo po sa ganito o masyado pa kayong bata para mabasa ito. Please just skip or don’t read this chapter.] Sabi ng nakakarami, wala dawng nakakapantay sa pagmamahal ng isang magulang ng isang ina. Kahit hindi ko man naranasan ang gano’ng klaseng pagmamahal sa sariling ina ako, ay sang-ayon naman ako sa gustong iparating ng mga nakakarami. Lalo na’t isa na rin akong ina, ipaparamdam ko sa mga anak kung gaano ko sila kamahal at hindi ko ipaparanas sa kanila ang pinaparanas sa akin ni Mama. May puwang sa puso ko na galit pa rin sa kaniya pero nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya. Nakangiti kong pinagmasdan ang Mama ko na busy kumakain ng burger habang sinamahan namin siya ni Zach magpunta sa cafeteria ng ospital. “Ang

