Hindi ako mapalagay simula nang makita ko ulit ang dating asawa ni Zachary. Para ako pa ang sumira sa relasyon nilang dalawa na totoo naman. Kaya may konsensya pa rin sa akin patungkol sa pagkasira nilang dalawa. Nakauwi na ako sa apartment ni Sarah at masaya kong ibinalita sa kaniya ang pagbubuntis ko. “Grabe,” hindi makapaniwalang sambit ni Sarah. “Buntis ka na naman?” Namumula ako na tumango sabay haplos sa tiyan ko. “Kung hindi lang ako nawalan ng malay kahapon ay hindi ko pa malalaman na may buhay na pala dito sa tiyan ko.” Ngumisi naman si Sarah sabay haplos sa kamay ko. “Zel, paglabas niya,” nginuso niya ang tiyan ko. “ako ang ninang ah.” Tumango naman ako sabay tawa. “Oo naman, alam ko naman ‘yon. Kaya dapat lang na maghanda ka ng maraming regalo pagdating ng pasko,”biro ko.

