Nailagay ko na lamang ang phone ko sa dibdib ko sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko nang mabasa ko ang kaniyang mensahe. He still remembers our anniversary. But, kailangan pa ba 'yon? Do we need to celebrate the day na sinagot ko siya? Pero 'yung tuwa sa puso ko ay nangingibabaw. Gusto ko na lang ang tumili ngunit hindi ko magawa dahil aasarin na naman ako ng kaibigan ko. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi at rereplayan ko na sana nang biglang may kumatok sa pinto kaya aksidente kong naihulog ang phone ko. Nanlaki ang mata ko at agad agad na pinulot. "Zel, nand'yan ka pa? Or nahimatay ka na sa kilig d'yan?" Pang-aasar na tanong sa akin ni Sarah na nasa labas ng pinto ko. Sinamaan ko naman ng tingin ang pinto. "Wala, bakit?" medyo inis na tanong ko. Inilagay ko sa may dr

