Hindi ko alam kung paano nakuha ni Zachary ang numero ko. Tumawag kasi siya ng ilang beses bago ko ito nasagot. Galit na galit ito nang malaman na umalis ako nang walang paalam sa kaniya. Hindi ako nagsalita at binabaan ko lamang siya ng linya.
Hindi ko na kaya ang naramdaman ko at parang gusto na nitong sumabog. Iniisip ko palagi kung bakit hindi ko pinigilan ang sarili ko nang mangyari iyon. Hindi ko pinigilan ang sarili ko upang hindi na mangyari ulit. Pero, nagpadala ako sa bugso ng damdamin.
Naulit na naman, pero ngayon ay alam ko na na may asawa na siya. Alam ko na na kahit kailanman ay hindi siya magiging akin.
Ilang araw ang nakalipas ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Boss na pinadala na raw ang susuotin ko sa gaganapin na party. Sakto naman ng pagbaba ko ng tawag ay may kumatok mula sa pinto. Inilagay ko ang phone ko sa may divider at nagpunta patungo sa may pinto upang buksan ito.
"Ikaw po ba si Ms. Hazel Chaina Caballero?" tanong ng delivery man sa akin.
May dala itong box na mukhang hindi naman gaano ka bigat dahil sa posisyon ng pagdala niya.
Tumango ako. "Opo."
Inilahad niya sa akin ang box kaya tinanggap ko ito. Hindi ko man lang naramdaman ang bigat.
"Pakipermahan na lamang po," anito at pinakita sa akin ang log book.
Tumango naman ako at inilapag sa sahig ang box at kinuha ang ballpen mula sa delivery man at pinermahan.
"Salamat po." at nagpaalam na itong umalis.
Sinarado ko ang pinto at tiningnan ng maigi ang box, kinuha mula sa sahig at inilapag sa kama ko.
Nang binuksan ko ang box ay namangha ako sa ganda ng tela. Silk ang tela at sumisigaw kung gaano ito kamahal. Sa tabi naman ng gown ay ang high wedge na siyang nagpapabagay sa gown na kulay red. Nakita ko rin ang isang mascara na kulay itim. May feather pa ito sa gilid. Kinuha ko ito at sinukat sa harap ng salamin.
Mugto pa rin ang mga mata ko at malaki na ang eye bags ko. Pero kapag makikita ko man siya roon ay pipilitin ko ang sarili ko na hindi siya titingnan.
"Mahal na mahal pa rin kita," bulong ko sa sarili ko.
Nag dumating na ang araw na iyon ay ako lang ang nag-aayos sa sarili ko. Magpapadala sana ng professional make up artist si Boss pero tinanggihan ko ito dahil marunong naman akong mag-ayos sa sarili ko.
"Ang ganda mo naman, Hazel!" puri sa akin ni Aling Mae, ang landlady ng inuupahan ko.
Napangiti na lamang ako habang inaayos ang buhok. Nasa labas na ako at hinihintay na lamang ang pagdating ni Sir Ethan. Siya ang susundo sa akin papunta sa party na 'yun.
"Salamat po," sagot ko.
Ilang saglit lang ay dumating na si Sir Ethan sakay ng isang mamahaling sasakyan na may tatak Ford sa harapan nito.
Nang huminto ito ay lumabas si Sir Ethan na may ngiti sa labi.
"Hello po," nahihiya kong bati.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at nakita ko sa mukha niya ang pagkamangha pero hindi ito nagsalita at pinagbuksan lamang ako ng pinto.
"Salamat po," sambit ko at pumasok na sa loob.
"You're welcome," narinig kong sambit niya at sinarado ang pinto.
Ako na mismo ang naglagay ng seat belt. Napalingon lamang ako sa kaniya nang marinig ko na ang pagsara ng pinto sa banda nito.
Lumingon ito saglit sa akin. " I hope it's fine with you, Ms. Hazel," anito sa baritong boses.
Tumango lamang ako. Medyo naiilang pa rin ako sa kaniya dahil ngayon ko lamang siya naka-usap ng malapitan.
Ilang minuto lang ang byahe namin at nakarating na kami sa Balabagon, parte ng Moalboal. Doon kasi gaganapin ang party sa isang napakalaking mansyon. Bahay daw ito ng kasosyo ni Boss.
"Put your mascara on," utos nito at lumabas na ng kotse.
Tumango naman ako at sinuot na ang mascara ko. Bubuksan ko na sana ang pinto pero naunahan niya ako. Nagulat pa ako nang maglahad ito ng kamay.
"Shall we," sambit nito.
"Salamat po," pasasalamat ko at tinanggap ang malamig niyang kamay.
Paglabas ko sa kotse ay namangha ako sa sobrang ganda ng tanawin. May fountain na nasa gitna nito at carpeted pa na floor ang papatungo sa loob. Nakamascara ang lahat kaya wala akong namumukhaan.
Medyo nagulat ako nang bigla niyang hinapit ang bewang ko pero hindi ko pinahalata. I am damn uncomfortable.
Pumasok kami sa loob ng engrandeng mansyon na hapit niya ang bewang ko. Marami ang bumati at napatingin sa amin.
Napangiti ako nang may lumapit na negosyante sa amin.
"Wow, whoever you are. Gorgeous," malambing na sambit ng isang matandang businessman.
"Thank you po," magalang kong sabi at binalingan si Sir Ethan na mukha yatang walang alam sa ganito.
"Uhmn, Sir, This is Mr. Mike Ethan Marquez, the heir and the only son of Mr. and Mrs. Marquez of GRM Group of Companies," pakilala ko kay Sir Ethan sa matandang businessman.
Narinig ko na nagsimula nang magpatugtog hudyat na nagsisimula na ang programa.
"Ow!" gulat na reaksyon ng matanda at binalingan si Sir Ethan na ngayon ay nakangiti na.
"Nice to meet you, Mr. Marquez," masayang sambit ng matanda at naglahad ng kamay kay Sir.
Tinanggap naman ito ni Sir Ethan. "Nice to meet you too, Mr..."
"I'm John Amad, kakilala ko ang Dad mo. So are you joining to the club of the business man too?"
Hindi ko na pinakinggan ang pag-uusap ng dalawa at naghanap na ng mauupuan. Marami naman ang vacant table and seat. Inangat ko rin ng konti ang gown ko para makapaglakad ako ng maayos.
Ngumiti ako ng tipid kapag may nakasalubong ako. Nang makita ko ang hinahanap ko ay umupo na ako at dito na lamang hihintayin si Sir Ethan na mukhang nag-eenjoy kausapin ang matanda.
Napabaling ako sa may bandang kanan ko nang marinig ko ang mahinhin na tawanan ng mga kababaihan. Mukhang pareho lamang kami ng edad nito. Hindi ko na sana papansin ang kanilang gawi pero ang kanilang pinag-usapan ang nakuha ng atensyon ko. Pinakinggan ko ito na hindi nahahalata.
"OMG, I am so happy for you, Chie. Maybe Zach realize na malaking kawalan ka sa kaniya. You're beautiful and sexy.." narinig kong sambit ng babae.
Umawang ang labi ko at napabaling sa kanila nang marinig ko ang pangalan ni Zach.
Nagsalita naman ang babae na may golden gown ang suot. Nakamaskara ito ngunit alam ko sa kaloob looban ng maskara na iyan ay isang magandang babae.
"I know right." Nakangising sambit ng babae at napahawak sa may ring finger nito. "Sobrang saya ko na umuwi na si Zach sa bahay, Allysa. Feeling ko may balak na siyang ayusin ang marriage namin instead of having an annulment."
Kumirot ang puso ko nang mapagmasdan ko ang babae. Kitang kita ko ang saya sa kaniyang mukha at tingin ko siya na ito. Siya na ang asawa ni Zach. Naiisip ko lang ang masaya niyang mukha ay mas lalo lamang akong dinalaw ng konsensya. Niloko namin siya, niloko namin siya ni Zach.
"Hey, are you okay?"
Natauhan ako at napakurap kurap upang hindi tutulo ang luha. Inangat ko ang tingin kay Sir Ethan na ngayon ay nagtataka na sa ikinilos ko.
"Okay lang po, Sir Ethan," sambit ko.
Tumango naman ito at umupo na hindi kalayuan sa akin. May waiter na dumating at nilapagan kami ng drinks. Hindi ko na pinakikinggan ang pinag-usapan ng dalawang babae dahil baka mas lalo lamang akong mababaliw kakaisip ng solusyon kung paano ko lalayuan si Zach.
"Ang galing pala ng communication skills mo," panimula ni Sir Ethan.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Nakasanayan ko na kasi simula nang magtrabaho ako sa kompanya ng magulang niyo po," sambit ko at tinitigan saglit ang inumin bago naisipan na inumin ito.
Dali dali ko itong nilagok at halos mapamura ako sa sobrang pait na naramdaman.
"You okay?" tanong ni Sir Ethan.
"Okay lang po." at napahaplos sa lalamunan ko.
The rest ay nakinig na lamang kami sa mga taong nagsasalita sa harapan. Halos ang role ko lamang hanggang matapos ang programa ay tiga palakpak lang.
"And now, the mascaraed ball is about to start. Get your partners folks," sambit ng Emcee.
Inilapag naman sa lamesa ang wine glass ni Sir at napatingin sa akin.
"I'm not a good dancer," sabay iling nito.
Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Pareho pala tayo."
"Uupo na lamang tayo," anito.
Napangisi naman ako.
"Nasaan na ba si Zachary, Chielou. Hindi pa rin ba siya dumarating?" narinig kong tanong ng babae sa asawa ni Zachary.
"Hindi eh.."
"Hindi kayo magkasabay?"
"No, he said na mauuna na raw ako and I did, but where is he..." malungkot na sambit ng asawa ni Zach.
Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses ay iyon ang mas lalong nagpapasikip sa aking dibdib.
Zach, please give your wife a chance. Hindi niya deserve ang pain. Hindi niya deserve ang maganito. Please.... be a husband to her at least...
Napatayo ako nang maramdaman ko na naiihi ako.
"Where are you going?" Sir Ethan asked, nakataas ang kilay nito.
"Magbabanyo muna ako," sambit ko.
"Alright."
Tumango naman ako at naghanap na ng CR. Bukod doon, gusto kong umalis doon dahil sa tuwing naririnig ko ang malungkot na boses ng asawa ni Zach ay hindi ko kakayanin.
Pagkatapos kong mag CR ay inayos ko ang sarili ko sa salamin. Tinanggal ko ang maskara ko at nakita ko ang namumula kong mata, iiyak na ito.
"I'm a slut," nasambit ko na lamang sa aking sarili.
Ilang minuto yata ang ginugol ko sa harap ng salamin bago ako lumabas. Naisipan ko na lumabas na muna ng event para magpapahangin. Suot ang maskara, nagpunta ako patungo sa may parking lot at naisipan ko na umuwi na lamang. Hindi ako bagay sa mga ganitong event lalo na sa pagkatao ko ngayon. Isang kabit. Feel ko hindi ko deserve ang mundo at paulit ulit akong humingi ng tawad sa kasalanang nagawa ko sa diyos.
Babalik na sana ako sa loob nang maramdaman ko na parang nahihilo ako kaya naman ay napahawak ako sa may likod ng sasakyan at ang isa ay sa ulo ko.
Lumabo bigla ang paningin ko at hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Sinubukan kong humakbang muli pero napagewang gewang lamang ako.
Kinurap kurap ko ang mata ko. Umikot na ang mundo ko at parang ilang sandali ay matutumba na ako. Ano ang nangyari sa akin? Matutumba na sana ako pero biglang may humawak sa akin kaya sa isang tao ako napasandal bago ako nawalan ng malay.