JORDANA Tumigil si Tita Tonette sa pagtutupi ng mga damit para titigan ako mula ulo hanggang paa. I showed up in her room to ask opinion about my outfit. I'm wearing a below the knee white dress na tinernohan ko ng puting headband, black sling bag at itim na flat sandal. Unat na unat ang pagkakaplantsa ng aking buhok at light lamang ang aking make up. "Saan ka pupunta? May misa ba sa bayan ngayon? Bukas pa ang linggo ah," komento niya. "Tita naman eh!" padyak ko. "Magkikita kami ni William." "Bakit di ka magbitbit ng bibliya para kumpleto na yang pagpapanggap mo," dagdag pang-iinis niya. "Tita hindi ako nagpapanggap no! Eto talaga ang bet kong isuot ngayon," depensa ko. "Saan ba kayo pupunta?" tanong niya. "Sa bahay nila. Susunduin niya ako dito," kiming ngiti ko. Nagsalubong ang

