Chapter 51

2200 Words

ANTONETTE Magkaharap kami ni Steven sa dining table. Nakahalukip ako nang may matatalas na mga tingin. Tahimik na naghihintay siya ng sasabihin ko habang tinatanggap ang matatalim kong mga titig. Paulit-ulit akong humihinga nang malalim dahil kung hindi ay baka magdadampot na naman ako nang mga bagay at maibato ko sa kanya. Hinintay kong makaalis ang mga tao sa bahay bago ko siya hinarap. Pati ako ay nagkunwaring nahimatay maiwasan lamang siya habang may ibang tao pa. Nangangalit ang mga panga ko sa tuwing napapatingin sa mga maleta niya. I don't even want to breathe same air with him. "Why are you here? Ganyan ba talaga katigas ang mukha mo?" nagtitimping salita ko. "This is my house too. And I have no where to go," mahinahong sagot niya. "You have your family here!" taas ko ng boses.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD