Chapter 82

3343 Words

TERRENCE Pagkalapag na pagkalapag pa lang ng eroplano, sunud-sunod ang tunog ng notification ng telepono ko. Hindi ko muna iyon inintindi. I wanted to have some moment of rest. Napagod ako sa matagal na pagpapaikot-ikot ng eroplano sa ere dahil sa traffic sa runway. Paglagpas ko sa immigration counter saka ko tiningnan ang aking cellphone. Napakaraming miscalls at mensahe ni Dana. Pati si Mr. Molina ay may mga miscalls din. Hindi na ako nag aksaya ng oras para basahin ang mga mensahe. I called Dana instantly. "Where are you Sir Terrence?" bungad agad nito sa akin. Her voice sounds crying and frantic. Unti-unting kumabog ang dibdib ko. "I'm at airport. I just arrived from Hong Kong. What's wrong?" "May kumidnap kay Jaxon habang magkasama kami." Tuluyang binalot ng kaba ang aking dibdib

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD