JORDANA "Masakit ba to noong pina-tattoo mo?" haplos ko sa isang braso ni Jaxon na natatabunan na halos ng tattoo. Nakat-shirt at pantalon lang kasi siya kaya kitang-kita ang tattoo niya sa braso. "Masakit pero natitiis naman," sagot niya habang palinga-linga sa nadadaanan naming mga shops. Nasa mall kami may bibilhin siyang mga gamit sa pagpipinta pero niyaya ko muna siyang magikot-ikot para malibang naman siya. I knew all he did all day was confined himself in his luxurious prison. "Eto nong pinalagay mo masakit ba?" dutdot ko sa kilay niyang may hikaw. "Saglit lang na sakit tapos okay na." "How about that?" turo ko sa hikaw niya sa labi. Parang bago lang yun kasi nung huling kita ko sa kanya, sa ilong at kilay lang siya may hikaw pero ngayon pati sa labi meron na at di naman niya s

