"Mildred's POV"
"Oh ano?" tanong ko kay aries
" Eto na nga miss mildred nilagyan ko ng tracker ang bag niya" sambit ni aries
" Ayan!buti naman talaga at naisip mo yun ako Kasi hahabulin ko na sana e kaso baka atakehin ako ng hika ko" sambit ko natawa naman siya sa sinabi ko, niyaya niya na akong pumasok sa loob ng mansion upang mamonitor namin kung saan pupunta si vida.
Nagmamadali na Kaming umakyat sa taas sumama naman akong pumunta sa kwarto ni aries para imonitor si vida.
" Ano mabilis lang ba tong gawin natin?" Tanong ko aba mahirap na baka kasi abutin kami ng siyam siyam dito e
" OO wag kang mag aalala mabilis lang to hindi pwedeng Dahan Dahanin natin kasi baka may makahalata" sambit naman ni aries, tumango lang ako at nag fucos sa mga ginagawa ni Aries.
"Ang galing mo na pala sa mga bagay na to ano? may experience kana pala" sambit ko natawa pa nga ako
"Oo madami na Kasi akong napasukan kaya easy nalang sakin lahat" sagot naman nito, kinalabit ko si aries at tinuro ang selpon niya ayaw ko namang makagawa ng ingay kaya sign language nalang kami ni aries, binigyan niya naman ako ng pahintulot na kunin ang cellphone inabot ko naman ito ng biglang natusok ang kamay ko.
"Aray!" Sigaw ko napakagat pa ako ng labi dahil napalakas ata ang sigaw ko
"Okay kalang ba?" Concerned na sabi ni Aries umiling naman ako, ako at itinuro ang kamay ko na may nakatusok na kahoy.
" Sige huhugutin ko" sambit nito
"Dahan Dahanin mo lang ang pag hugot baka Kasi dumugo e " nasasaktan kung sambit
" OO easy ka lang diyan " sambit naman nito, kumuha na siya ng puller at sinimulan ng hugutin ang nakatusok na kahoy.
"Aray aray!"sigaw ko, binigyan ko pa ng batok si aries.
" Aww!" Sigaw niya naman
" Dahan Dahanin mo kasi"sigaw ko sa kaniya
"OO na wag ka nang malikot diyan Sige ka dudugo talaga ito" sambit naman niya, Dahan dahan niya namang hinugot ang kahoy at napapikit pa ako dahil sa sakit.
"Ayan! Whoaaa!" sigaw ni aries nakahinga naman ako ng maluwag.
"Salamat ha ang sarap sa pakiramdam na nahugot na" sambit ko natawa naman si Aries at kinuha na ang band aid tiyaka inilagay sa kamay ko.
" Sa susunod miss Mildred mag ingat kana kasi" sambit nito
" Sus yun lang kayang kaya!"sambit ko umiling naman si aries.
Umupo na naman si aries sa upuan niya at umupo na rin ako sa tabi niya ako ang taga save ng address na natrack ni aries kaya Sayang saya talaga ako sa ginagawa namin para Naman itong movie na nag spaspy e.
" Ang saya saya ng ganitong trabaho ano?" Sambit ko
" Anong Masaya dito e ang boring nga e sasaya ako pag nasa field ako na assign" sambit naman ni aries agad niya namang tinakpan ang bibig niya.
" Na assign? S-so totoong spy ka ?" Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap
"H-hala nagkakamali ka" tanggi niya ngunit nag iba naman ang ekspresiyon ng mukha niya ng bigla akong ngumiti.
"Hala Aries turuan mo naman ako gusto ko talaga maging spy e " sambit ko nabigla ata siya dahil hindi siya nakapag salita
"H-hindi nga ako spy" sambit nito , nainis naman ako sakaniya
" Anong hindi?" Sambit ko habang nakakunot ang noo.
"Hindi nga ako spy, isa akong agent" sambit nito
"Pareho lang yun" sambit ko
"Pareho ba yun parang hindi naman " protesta ni aries
" Ah basta sa opinion ko lang pareho Yun" pagpupumilit ko
" Sige na nga Ikaw na tama ganiyan naman kayong mga babae laging tama" sambit ni Aries habang ang mga mata ay nakatutok na ngayon sa computer.
" May pinaghuhugotan ah" tukso kung sabi sa kaniya.
" Wala.. sadyang hugotero lang ako ano kaba miss Mildred uso na kaya yun" sambit nito di ko naman siya pinansin dahil natuon ang pansin ko sa babaeng nag text kay Aries.
From: Mona
" Tss, sabihin mo malas ako dahil hinalikan ako ng isang unggoy!"
" Hoy!! Unggoy asan kana punyeta naman! Bat tinulugan na naman ako!"
" Wag ka nang mag papansin sakin bukas baka masapak pa kita!"
Natawa naman ako sa mga nababasa ko dito mukhang may LQ na nagaganap ah kaya pala may pinanghuhugotan itong si aries.
" H-hoy anong tinatawa tawa mo jan!" Sambit ni aries
" Sino si mona?" Tukso kung tanong namula naman siya at biglang pinagpapawisan
" A-ah secretary ni master" sambit nito di siya makatingin sa mga mata ko
" Ehh bat mo hinalikan" nakangiti kung sambit
" Ano ba miss mildred ang init init na dito wag kanang mag tanong ng mga ganiyan umiinit Lalo ang ulo ko dahil sa pangalan na yan" sambit nito habang nakayuko
" E bat ka namumula ?" Tukso kung sambit
" Ano ba lumabas kana lang miss mildred please" sambit nito at hinablot Ang cellphone niya kinaladkad niya naman ako palabas ng kwarto niya.
"Hoy! Hoy! P-paano yung ano!" Sigaw ko
" Wag kanang mag alala ako ng bahala umalis kana !" Sambit nito poprotesta pa sana ako ng bigla niya nalang sinirado ang pinto natawa naman ako dahil nakuha ko na ang number nung babaeng hinalikan ni aries patay ka ngayong aries ka!
Masaya akong pumunta sa kwarto ko kakanta kanta pa ako ng biglang lumabas si gray mula sa kwarto ni mich.
" O-oh gray tulog na ba si mich?" tanong ko di niya naman ako pinansin, nagtaka naman ako sa inasal niya dire- diretso lamang itong naglakad papunta sa kwarto niya at isinara Ito ng pabagsak nagulat naman ako, anong nangyari dun di ko nalang siya pinansin at pumasok muna ako sa kwarto Kasi itatype ko muna itong number ni mona Masaya kung sinave ang number niya tiyaka nag text agad ako.
To: Mona Wifey ni Aries
" Hi miss"
Yan ang tinext ko nakangiti ko naman itong sinend at lumabas na muna ako dahil nag pasya akong puntahan si mich.
Pumasok na ako sa kwarto ni mich at tiningnan ito, nakahinga naman ako ng maluwag ng mapagtanto kung tulog ito Buti naman at di ito umiiyak kapag mag isa lang siya dito Kasi ako noong bata pa lamang ako halos di ako maiwan iwan nila mommy, aalis na sana ako ng biglang nagising si mich.
"M-mommy" mahina nitong sambit Dahan dahan naman akong humarap sa kaniya at tiningnan ito.
"W-why are you still awake?" Tanong ko sa kaniya at lumapit ako.
"M-mommy can you stay here, I-im scared" sambit nito habang naluluha ngayon ko lang nakita na ganito ka takot si mich hindi ko malaman kung bakit ganito nalang Ang takot niya.
"Why are you scared is there something bothering you?" Sambit ko umiling naman siya
"I'm scared because I'm always alone, im scared because I feel like no one wants to stay beside me and no one stay to hug me at night, no bed time stories,no lullaby I have no one but myself" malungkot nitong sambit napaluha naman ako dahil sa sinabi ng bata , Hindi ako nakapag salita dahil totoo naman Lahat ng Sinabi niya sa edad niyang to dapat hindi Siya mag isa ano bang silbi ko bilang kinikilala niyang ina bumuntong hininga naman ako tiyaka humiga sa tabi niya niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"I'm so sorry if I didn't do my duty properly" sambit ko
"It's okay mommy, I-i know you can't do it because you're just force to marry my dad" halos mabilaukan ako dahil sa sinabi ni Mitch
"H-hala sinong nag sabi sayo niyan?" Naguguluhan kung tanong
"Si daddy galit na galit siya kanina habang kinakausap akong tulog Akala niya ata tulog talaga ako" sambit nito habang nakangiti
" Hays , I'm so sorry Mitch if we lied to you but I promised na kahit ganun ang sitwasyon mamahalin parin Kita bilang totoo kung anak and please promise me na atin atin lang ito " sambit ko
"yea mommy i promised" sambit nito
hinalikan ko naman siya sa noo bilib talaga ako sa batang to sa mura niyang edad sobrang mature niya na at ang talino pa nahiya tuloy ako sa talinong taglay ni mitch, tumayo muna ako at kumuha ng bed time story book, kinumutan ko naman siya at nag simula ng mag kwento.
"One day, there was a princess named" panimula ko hanggang sa inaantok na rin ako nakatulog na si mich at bigla nalang bumigat ang mga talukap ko at nakatulog.