Ruth has been able to fully grasp all the obligations entrusted to her by Steffan when he left in the last month or so. It's also thrilling for her to be Ray's assistant and girlfriend at the same time. They initially kept their connection hidden for fear of how other people would perceive them because their relationship is unusual, but as time has passed, everyone appears to have moved on and accepted what has happened to Ray and Ruth's relationship.
Ngayon ay kagagaling lang ni Ruth sa pagligo, habang si Ray naman ay natutulog pa rin. Napagod ata sa pagbayo nito kagabi. Masyadong napapadalas ang pagpapakita n’ya ng malaki n’yang pagmamahal kay Ruth kaya minsan ‘di n’ya maiwasang umayaw. Pero dahil masyadong eksperto sa pang-aakit ito ay ‘di n’ya maiwasang mapairap ang kan’yang mata.
Dahil medyo matagal na rin ang panahon na nagsasama sila ni Ray, alam n’ya na ang mga bagay na ‘di n’ya dapat ginagawa lalo pa’t ‘di s’ya handa sa susunod na mangyari. Una, dapat ‘di n’ya pinapakita kay Ray na umiirap s’ya dahil isa ito sa trigger para mapukaw ang libido nito. Medyo nagiging harsh din si Ray kapag ginalaw s’ya nito bunsod ng kan’yang pag-irap ng mata. Sunod, dapat ‘di n’ya pinapakita rito na namba-blush s’ya dahil isa rin ito sa mga trigger para umusbong ang libido nito. At huli, dapat kahit anong panunukso ang gawin sa kan’ya nito ay dapat ‘di n’ya iiipit ang kan’yang mga hita dahil agad na nang-iinit ang batok nito.
‘Yun ang tatlong bawal na gawin sa harapan ni Ray kahit sila lang dalawa o may maraming tao pa sa paligid. Dahil si Ray, walang pinipiling lugar at oras.
Nang makalabas na si Ruth mula sa banyo ay palihim n’yang tinignan si Ray na taimtim pa ring natutulog. Nakadapa ito at hubo’t hubad. Agad naming nakaramdam ng pang-iinit sa kan’yang pisngi ang dalaga. Kailanman ay ‘di s’ya nasasanay na makitang hubo’t hubad si Ray. Kahit lagi n’yang nararamdaman ang bare skin nito, ‘di n’ya pa rin maiwasang mahiyang tignan ito lalo pa’t wala itong malay.
Mabilis namang tinungo ng dalaga ang natutulog n’yang mahal. Napapangiti na lang s’ya nang narinig n’yang humuhilik ito ng kaunti. AGad naman s’yang nakaramdam ng pagiging proud dahil kinumpirma ng hilik nito na napagod s’ya sa ginawang pagliliyad liyad ni Ruth kagabi. Dahan-dahang yumuko ang dalaga sabay hinalikan sa pisngi ang tulog-mantika na si Ray.
Matapos n’yang gawin ‘yun ay dumiretso na si Ruth sa may walk-in closet. May lakad kasi s’ya at ayaw n’ya nang gisingin pa si Ray gayong ‘di naman ito sasama sa kan’ya. Naghanap na si Ruth na magandang isusuot para sa lakad n’ya.
Kalaunan, nang patuloy na naghahanap ang dalaga ng maaring isusuot ay naramdaman n’ya ang presensya ng isang tao malapit sa kan’ya. Ramdam n’yang nakatitig ito at nagmamasid sa ‘di kalayuan. Agad naman lumingon si Ruth na naka-underwear pa at daglian n’yang napansin si Ray na nakaupo na sa kama at nakangiting naunuod sa kan’ya.
“Why are you up so early, baby?” tanong nito sa kan’ya habang nakangiti. Nakahalukipkip din ito.
“The board and the stakeholders have been called, apparently someone wants to overthrow the current CEO of Liargao Corporation. Tumawag sa’kin kanina ‘yung chief secretary,” sagot ni Ruth habang patuloy na naghahanap ng maisusuot. Nagtataka si Ray kung bakit ang tagal ni Ruth makapili.
“Again?” pagtataka ni Ray. “Akala ko ba may ginawa na rin silang board and stakeholders meeting last two months ago? Si Steffan pa nga ang dumalo nun.” Agad nitong inabot ang kumot sa tabi pagkatapos ay tinakip ito sa baba n’ya dahil tinatamaan na sya ng lamig bunsod ng aircondition sa kwarto.
“’Di natuloy dahil nagising daw mula sa pagkakaaksidente si CEO Martin. Nag-appear pa nga raw ito mismo nun,” pagsasaad ni Ruth.
“Sino ba ang may gustong mag-overthrow sa kan’ya?”
Biglang natahimik si Ruth at agad na sinuot ang one-piece dress na kulay itim. Pagkatapos ay lumapit s’ya kay Ray at tumalikod dito. Napansin naman ng binata na nakabukas pa ang zipper sa likod ng dress ni Ruth kaya agad n’yang napagtanto ang nais na mangyari ng mahal n’ya.
“His legal wife,” sagot ni Ruth nang unti-unting tinataas na ni Ray and zipper ng damit n’ya. “Sa pagkakaalam ko kasi matagal nang nakabukod si CEO Martin. ‘Dun na sumama sa other wife n’ya.” Ray then whistles out of utter disbelief.
“Other wife?! Pwede na pala dalawa ang legal wife ngayon?” saad ni Ray na may halong pang-aasar sa mahal n’ya. Napailing na lang si Ruth at nang gusto na nitong tumayo ay nabigo ito dahil agad na pinulupot ng binata ang kan’yang mga kamay sa baywang ng dalaga.
“I don’t want you to go,” Ray said, nuzzling his nose against the fabric of Ruth’s dress from the back. He then slowly turns Ruth to face him. “I want you here, by my side.”
Pagkatapos ay sinubsob ng binata ang kan’yang mukha sa may tiyan nito habang mas lalong hinihigpitan ang pagkakayapos dito.
Napangiti na lang si Ruth at kasabay nun ay sinuklay n’ya ang f*cked-up hair ni Ray gamit ang kan’yang mga daliri. “This is an important business, baby. Kahit ayaw kong dumalo ay kailangan. So, just wait for me. I won’t be long. I’ll just drop my vote and I can come home immediately.” Pagri-reassure ni Ruth sa naglalambing na si Ray.
Mabilis naman itong tumingala sa kan’ya sabay ngumiti. He flashes a grin so innocent that made Ruth bend over to plant a soft, gentle, and loving kiss into his lips. Napapikit silang dalawa habang naghahalikan dahil nilalasap nila ang sarap ng pagmamahal na binibigay nila sa isa’t-isa.
Bago pa man makulong sa patibong ni Ray ang dalaga ay agad din itong kumiwala at dumistansya sa mahal n’ya. Biglang namang bumehlat si Ruth at napailing na lang ang binata dahil sa pagkaaliw n’ya.
“Natututo ka na, baby. Ang bilis mo nang umiwas sa akin ngayon,” saad nito sabay umisog na mula sa kan’yang pagkakaupo at pagkatapos ay lumapit kay Ruth. Mabilis namang nagtungo sa kan’yang vanity area ang dalaga at pagkatapos ay nagsimula nang maglagay ng kolorete sa mukha. Hinayaan na lang ni Ray si Ruth at ibinaling ang kan’yang atensyon sa paghahanap ng saplot sa hubo’t hubad n’yang katawan.
Makalipas ang ilang sandalling katahimikan ay biglang nabasag ito nang muling nagsalita si Ray.
“Can you call Ren, baby?” saad ni Ray habang sinusuot na ang nakuha n’yang damit.
Agad na binaba ni Ruth ang brush sa kan’yang lagayan at nilingon si Ray. ‘Di s’ya nagsasalita sa halip ay binigyan n’ya lang ng expression ito na wari’y nagtatanong kung bakit.
Nang mapansin ni Ray ang expression ng dalaga ay napangiti na lang s’ya. “I miss your mom’s cooking. Can we spend the night there?” tanong nito sa mahal n’ya. Wala nang patumpik-tumpik pang tinawagan ni Ruth at kapatid at binalita rito na nais na pumasyal ni Ray sa kanila.
Buong sandalling nag-uusap si Ruth at Ren ay nakangiti lang ang dalaga. Si Ray naman, umupo lang sa may armchair sa kabilang dulo ng walk-in closet nila at masayang pinagmamasdan ang mahal n’ya.
Pagkatapos ng pag-uusap ni Ruth at ni Ren ay agad na tumayo ang dalaga ay nagtungo sa kinauupuan ng mahal n’ya. Nakangiti si Ruth na lumapit kay Ray at pagkatapos ay sinalubong naman s’ya nito. Umupo si Ruth sa hita ng mahal n’ya at pinulupot ang kan’yang mga kamay sa batok nito.
“They will be waiting for us later, baby,” pagbabalita ni Ruth kay Ray sabay hinalikan ito sa noo.
Then Ray puckers his lips as if tasting something. Napangiti na lang si Ruth dahil napansin n’yang naglalaway na ito bunsod ng anticipation para mamaya.