( VIVOREE CROSS )
Pumasok na po sa philippine area of responsibility ang Low pressure area na nasa silangang visayas huli itong nakita 630 km East of Guiuan, Eastern Samar.
Mabilis ko pinatay ang aking cellphone ng marinig ko sa radio na may paparating na naman na bagyo sa pilipinas. Mabilis ako sumilong sa isang waiting shed, kung saan iilan lang ang mga tao na naka silong. Habang nakasilog ako ay mabilis ko pinunasan ang basa na aking damit. Matapos kong gawin yun ay pasimle ko pinang mamasdan ang mga tao na nagmamadali na makahanap ng kani kanilang masisilungan.
Habang pinang mamasdan ko sila ay isang group messages ang aking natanggap mula sa aking mga kaibigan, agad ko binasa mula sa simula ang kanilang mga pinag usapan sa aming GC.
Lucy: Girls, I think we need to relax.
Syvia: { Lucy Ramos} Again FYI lang Lucy, kakabar lang natin last night.
Laurie: { Lucy Ramos } Oo nga, don't tell me na may problema ka nanaman.
Lucy: I don’t have a problem. Gusto ko lang mag party ulit. Hindi ba pwede yun.
Syvia: { Lucy Ramos } Come on Lucy, sino naman ang niloko mo sa amin. Alam natin na hindi ka mag aaya na mag relax kung wala ka naman problema.
Laurie: {Lucy Ramos } Yeah, Syvia is right sa ating apat na magkakaibigan ikaw at si
Vivoree, lang naman ang hindi pwede mag aya na magparty ng higit pa sa tatlong beses.
Lucy: Basta mag party tayo mamaya.
Nang mabasa ko ang mga palitan ng mga massages ng aking mga kaibigan ay agad rin ako ng messages sa GC.
Vivoree: walang party ang mangyari ngayon.
Nang sabihin ko yun sa GC ay mabilis na nag reply ang mga loka loka kong mga kaibigan.
Lucy: { Vivoree Cross } Oh. sis mabuti naman at Online ka na.
Laurie: { Vivoree Cross} How was your work sis?
Syvia: { Vivoree Cross} At bakit naman hindi tayo pwede mag party?
Isa-isa ko binasa ang mga reply nila sa akin. Nang mabasa ko ang reply ni Syvia ay napailing na lang ako, kanina ay isa ito sa ng sasabi kay Lucy na kung bakit mag pa-party ulit ang aming kaibigan.
Vivoree: Hindi ba kayo nakikinig ng new? Kasasabi lang na may bagyo.
Lucy: Come on girl please, pag bigyan niyo na ako ngayon lang.
Habang binabasa ko ang messages ni Lucy ay mabilis naman ng reply ang iba kong mga kaibigan ng emoji.
Vivoree: Girls, tatawagan ko na lang kayo girls pag nakauwi na ako.
Nang makita ko na nang send na ang aking Messages ay agad ko ini off ang aking date ng aking phone.
Tahimik ako naghihintay sa waiting shed ng Bus ng may napansin ako isang pamilyar na tao. Sa hindi kalayuan, habag pinang mamasdan ko ang mga ito ay bigla na lang pumasok ang mga ito sa isang gusali hindi kalayuan sa sakayan ng Bus.
Nang hindi na makita ng aking mga mata ang tao na aking pinang mamasdan di kalayuan ay napag isip ko na sundan na lang ang mga ito, paalis na sana ako sa aking kinatatayuan ng dumating ang bus na aking sasakyan.
Kung kaya imbes na sundan ko ang tao na aking nakita ay mas minabuti ko na lang na sumakay sa bus. Nang makapasok ako sa loob ng bus ay agad ako nag hahanap nang aking mauupuan, sa dulong bahagi ng bus ay may nakita akong bakanteng upuan agad naman ako ng tungo sa parte iyon.
Nang nakaupo na ako ay isang buntong hininga ang aking pinakawalan sa aking katawan. Kung hindi lang sana nabangga ang aking sasakyan ay hindi ko naranasan na mag commute, mula sa bintana ng bus ay patuloy ko iniisip ang aking nakita kanina lang.
Ilang oras din ng makarating ang bus sa lugar kung saan ako susunduin ni manong toto. Ang family driver namin bago pa ako umalis sa company ay tinawagan ko na ito upang sunduin ako na babaan.
Nang makababa ako ng bus ay agad ko rin nakita si manong toto,habang papalapit ako sa kanya ay nakita ko naman ito na may kinuha sa loob ng sasakyan. Habang papalapit ito sa akin ay napansin ko na may hawak-hawak itong isang payong at ng mamadali na makalapit sa akin.
“Kamusta ang trabaho hija?” tanong nito ng makalapit sa akin.
“Ito okay lang naman po manong, nakakapagod pero okay lang naman po.”
“Ganyan nga hija, habang bata bata ka pa ay dapat maranasan po na ang hirap ng buhay. Dahil hindi natin alam kung gaano katagal ang buhay ng isang tao. Pero hindi ko naman sinasabi na dapat ay puro trabaho lang ang dapat mong gawin sa buhay, kailangan mo rin mag enjoy sa buhay. Baka kung puro trabaho lang ang gawin mo ay bigla mo na lang namalayan na matandang dalaga ka na pala.
“Salamat po sa paalala manong toto.” Napapangiti na lang ako ng lagi nito pinapaalala nito sa akin, ang mga dapat kong malaman sa buhay. Bukod kay manong toto ay na riyan din ang aking mga magulang para ipaalam din sa akin ang mga dapat ko pang malaman.
“Oh. sige hija, pumasok kana sa loob ng sasakyan.” Sinunod ko naman ang sinabi ni manong toto sa akin.
Habang nagmamaneho ito pauwi ng bahay ay patuloy pa rin ako sa pag iisip, kung bakit may kausap ang aking ina na isang lalaki. Maliban doon ay bakit nagtungo ang mga ito sa isang kilalang gusali.
Patuloy pa rin ako sa aking pag iisip ng marinig ko na lang na bumusitan si manong toto. Sa harapan ng aming tahanan, kung hindi pa ito bumusina ay patuloy pa rin ako sa aking pag-iisip sa aking nakita.
Nang makapasok na ang sasakyan sa loob ng garahe ng aming bahay, ay agad naman ako ng tungo sa loob ng bahay. Pag pasok ko pa lang sa loob ay nakita ko na agad si Dad na tahimik na nagkakape sa lanay ng aming bahay, habang may ginagawa ito na trabaho sa kanyang computer.
“Hey, Dad.” tawag ko dito. Agad naman ito napatingin sa akin ng tawagin ko ito.
“How are you baby”
Agad naman ako nakalapit kay dad, nang nasa harap na ako nito ay agad ako yumakap dito.
“I’m okay Dad.” patingin tingin ako sa loob ng bahay, at hinahanap ng aking mga mata si mom. Nang hindi ko ito makita ay agad ko tinanong si Dad, kung nasaan ito.
“Dad, where's mom?’’ pang tanong ko noon ay mabilis nitong inalis ang kanyang mga mata sa kanyang Computer.
“Ah. Nang paalam ang mommy mo na may pupuntahan siya. Hindi ko lang alam kung saan, nagmamadali ang mommy mo na umalis ng bahay.” Matapos noon ay agad ako ng paalam kay Dad na mauuna na ako sa taas.
“Dad, akyat muna ako sa aking kwarto.”
“Okay, magpahinga ka muna at tatawagin ka na lang nila manang pag kakain na.” Nang makapag palam na ako ay mabilis ako umakyat sa aking kwarto at nagtungo sa working table.
Habang nakaupo ako ay mabilis ko binok saan ang aking account upang matawagan ang aking mga kaibigan. Nang ma open ko na ang aking duo ay napansin ko agad na nang uusap na rin ang ang mga girls, agad ako ng join sa mga ito.
Pang pasok ko pa lang ay napanmin ko agad si sila Laurie at Syvia na naka ayos.
“Hey girls.” Agad ko bati sa mga ito.
“ Wait saan ang punta niyo? Tanong ko kila Laurie at Syvia.
Habang si Lucy naman ay patapos na rin sa kanyang pag aayos sa kanyang sarili.
“Oh. Vivoree, hindi ka ba sasama samin?” nakakunot ang aking nuo ng magtanong si Lucy.”
“Wait, don’t tell me guys na mag ba-bar talaga kayo kahit na sinabi ko na may bagyo.”
“Girl, sumama ka na rin sa amin, para na rin makahanap tayo ng magiging boyfriend natin.” napailing na lang ako ng sabihin yun ni Lucy sa akin.
“Sa tingin niyo ba may ng ba-bar kahit may bagyo.” Nang sabihin ko yun ay sabay sabay ang mga ito na tumingin sa akin.
Habang pinang mamasdan ko ang mga ito ay parang gusto ko tumawa ng sabay-basay ang mga ito umupo sa kanilang mga kama at humarap sa kanilang mga Computer.
“Girls, mukha yata hindi tayo matutuloy sa pag ba-bar.” Muli ako na pailing ng”magsalita si Syvia.”
“Sinabi ko naman kasi sa inyo na may bagyo, bakit ba kasi hindi kayo nakikinig may ibang araw pa naman para mag party. Lalo na ikaw Syvia , ikaw ang nagsasabi kanina kay Lucy kung bakit siya mag paparty tayo ngayong ikaw na ang nauuna sa pag alis.”
“Gag* kung hindi naman niya sinabi na maraming gwapong lalaki sa bar na pupuntahan namin ay hindi talaga ako pag paparty.”
“Mas mabuti pa na magpahinga na lang kayo, at sa ibang araw na lang natin pag planuhan na mag bar.” Matapos kaming mag usap ng mga girls ay isa-isa na nagpaalam ang mga ito at ganun din ang aking ginawa.
Matapos ko makipag usap ay agad ako nagtungo sa loob ng aking banyo usap makapag linis na nang aking katawan. Habang nasa loob ako ng banyo ay isang katok mula sa labas ng aking banyo ang aking narinig, agad ko pinatay ang shower ng aking banyo upang marinig ko mabuti ang boses ng tao na nasa pintuan ng aking banyo.
“Hija, si nanay Erma mo ito.” Nang marinig ko yun ay agad ako sumagot dito.
“Nay, ano po yun? Tanong ko kay nanay Erma.
“Hija, nakahanda na ang lamesa.”
“Okay po nanay Erma, susunod na po ako.” mabilis kong nilinisan ang aking katawan bago ako lumabas ng aking banyo. Habang nakatingin ako sa salamin ay pinag iisipan ko, kung hahayaan ko na lang ba ang aking buhok na basa oh mas mabuti kung tuyo ito. Nang hindi ako makapag desisyon ay mas mabuti na lumabas na lang ako na basa pa ang aking mahabang buhok.
Habang pababa ako ng hagdanan ay isang ingay ang aking narinig mula sa aming kusina, kung kaya ay nagmamadali ako na makarating sa kusina upang malaman ko. Kung bakit nagkakagulo.
Nang makarating ako sa kusina ay isang lalaki ang siyang nakatalikod mula sa akin, ang aking nakita. Habang si Dad ay hawak ni mom sa kanyang braso na para bang pinipigilan ni mom si Dad sa pwedeng magawa ni Dad sa lalaki na nasa kani lang harapan. Habang patuloy pa rin si dad sa kanyang pagsasalita ay bigla na lang umalis ang lalaki, nang nakayuko ang kanyang ulo. Kung kaya imbes na makita ko ang mukha nito ay hindi ko man lang na pag masdan ito, mula sa hagdan ay nagpatuloy ako sa pagpunta sa kusina.
Matapos ng lahat ng aking nakita ay bigla na lang nagbago ang awra ng kusina na para bang walang nangyari kanina na pagtatalo, nang matapos kumain ang lahat ay nagpaalam ako kila Mom and Dad na mauuna na ako magpahinga sa kanila.
Habang nasa kwarto ako at nakahinga sa aking kama ay hindi ko maiwasang isipin, kung sino nga ba ang lalaki na aking nakita.