It was a month ago since she was crazily drunk in the bar she used to hang out at alone. That night, the loud music, the crowded space, and the dim lights seemed to call out to her, inviting her to drown her sorrows and forget the reality that had been crushing her spirit for months. She went there almost every night, seeking comfort in the noise and the anonymity of the place, wanting nothing more than to escape the memories that kept haunting her mind. She drank glass after glass, letting the strong liquid burn down her throat and numb the pain in her heart, until her vision became blurry and her thoughts were tangled in a haze of confusion and longing.
That night also, she surrendered her precious pearl to a complete stranger she met in the bar. She mistook him for being drunk, just like her, swaying slightly with the rhythm of the music, looking lost and lonely in the crowd. But more than the alcohol, it was the way he looked at her—the familiarity in his gaze, the way he spoke softly, and the scent that reminded her so much of the past—that tricked her mind completely. All she could think was that the man standing before her, holding her gently by the waist, was none other than her ex-boyfriend, Janus. In her intoxicated state, she didn't see a stranger; she saw the person she had loved deeply, the person who had broken her heart, and the person she still longed to be with. Believing that fate had somehow brought him back to her, she let herself go completely, allowing him to take her hand and lead her away from the crowd, surrendering everything she had to him, thinking she was giving herself once again to the love of her life.
Mapait na napangiti si Yna habang nakahiga at nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto. Napuno ng pait at panghihinayang ang kanyang puso habang naalala niya ang bawat detalyeng nangyari noong gabing iyon kasama ang lalaking napagkamalan niyang si Janus. Gusto niyang pagsisihan ang lahat ng nangyari, gusto niyang ibalik ang oras at baguhin ang kanyang mga desisyon, pero wala siyang mahawakang katwiran o dahilan sa kanyang dibdib na makapagbibigay ng ginhawa. Alam niyang wala na siyang magagawa pa; hindi na niya maibabalik pang muli ang kanyang dangal at ang kanyang pagkabirhen dahil sa sarili niyang katangahan at kawalan ng pag-iingat. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na isa itong malaking pagkakamali, isang bagay na kailanman ay hindi na matutuwid, at ang bigat ng katotohanang ito ay nakadagan sa kanya araw-araw.
And yet, deep down, she tried to reason with herself. All she thinks is it's an adventure. She told herself she was already twenty-five years old—a grown woman, capable of making her own choices and decisions in life. She convinced herself that at her age, kaya maaari na siyang makipags*x sa kahit sinong gusto niya, na she had every right to explore her own body and her own desires without being judged or restricted by anyone. It was kinda weird even to her own ears, this justification she kept repeating, but she clung to it desperately. She wanted to believe that it was not a mistake, but rather an experience, something she did because she wanted to explore things she feared about before—things that were forbidden or scary when she was younger, or when she was tied down by a relationship. She wanted to feel like she was in control, even if deep inside, she knew she was running away from her own feelings.
Mula sa kanyang pagmumuni-muni at mga pagtatangkang pagdahilan sa sarili, naalala na naman niya ang kanyang katangahan, at ayaw pa rin siyang tantanan ng bangungot na pilit niyang kinakalimutan. Sa bawat oras na ipinipikit niya ang kanyang mga mata, bumabalik ang imahe ng gabing iyon, bumabalik ang pakiramdam ng pagkakamali at kahihiyan. At mas lalo lamang siyang namuhi at nagalit kay Janus, dahil sa kanya nanggaling ang lahat ng ito. Kung hindi dahil sa pagmamahal niya rito, kung hindi dahil sa sakit na idinulot nito sa kanya, hindi siya mapupunta sa sitwasyong iyon, at hindi niya maibibigay ang kanyang pinakamahalagang perlas sa isang taong hindi naman niya kilala. Sa isip niya, si Janus ang may sala—siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang buhay niya, siya ang dahilan kung bakit nawala ang kanyang dangal, kahit na sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang siya mismo ang nagpasya at siya ang nagkulang.
She moved slightly from her bed, shifting her position as the memories became too heavy to bear. Nakaramdam siya ng may kung anong mainit at matigas na bagay na nakayakap nang mahigpit sa kanyang beywang, nakadikit ito sa kanyang likuran at nagbibigay ng kakaibang init at ginhawa. Masarap iyon sa pakiramdam niya, parang isang proteksyon at yakap na matagal na niyang hinahanap, kaya iminulat niya nang dahan-dahan ang kanyang mga mata para ma-check kung nanaginip ba siya o kung totoo ang lahat ng nararamdaman niya. Her heart almost stopped beating and she nearly screamed at the top of her lungs when she saw a man sleeping soundly beside her. The sheets barely covered their bodies, and the truth was undeniable: They were both naked, lying together in a room she didn't recognize.
Subra-subra siyang nahiya sa nakita niya. Ang dugo ay tila umakyat lahat sa kanyang mukha dahil sa matinding hiya at takot. Dahan-dahan niyang pinulot isat-isa ang kanyang mga damit na nagsikalat sa sahig—mula sa kanyang blusa, palda, hanggang sa kanyang sapatos—lahat ay nakakalat at tila inalis lamang nang mabilisan at walang pag-iingat noong nakaraang gabi. Isinuot niya ng mabilis ang mga damit niya, nanginginig ang mga kamay at buong katawan habang gumagalaw nang walang ingat upang hindi magising ang lalaking katabi niya.
She didn't even look back and check the man's face, afraid that seeing him clearly would make everything real and permanent, afraid that he might wake up and recognize her too. With trembling hands, she slowly unlocked and opened the door, slipped out quietly, and immediately left his house without looking back even once. She went home straight, running as if someone was chasing her, wanting nothing more than to get inside her own room, lock the door, and hide from the world forever.
Isang napakalaking kahihiyan ang nagawa niya. Ito na ang eksaktong sinasabi ng Daddy niya sa kanya noon pa man—na balang araw ay ikapapahamak niya ang pagiging matigas ng ulo at pagsunod lamang sa sariling kagustuhan. Paulit-ulit itong nagbabala, pero hindi siya nakinig, at ngayon ay nangyari na nga ang kinatatakutan nito. Nagsisi siya ng kaunti dahil na-guilty siya sa nangyari, hindi lamang dahil sa nangyari sa kanya, kundi dahil alam niyang nadismaya niya ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya. Dahil sa katangahan at kasuwail niyang ugali bilang anak, sa huli ay naisuko niya ang Bataan—ang kanyang sarili, ang kanyang dangal—sa hindi niya kalaban, sa isang taong hindi naman karapat-dapat dito.
Ang lakas pa ng loob niyang i-seduce ang lalaking 'yon noong gabing iyon. Siya pa mismo ang lumapit, siya pa ang nagsimula ng usapan, at siya pa mismo ang nagbigay ng mga kondisyon—walang pangalan, walang tanungan, walang pananagutan—kaya kahit alam niya kung saan ito nakatira at kung paano ito makikita, ay hindi niya magawang puntahan at papanagutin ang lalaking 'yon. Wala siyang karapatang magreklamo, wala siyang karapatang humingi ng pananagutan dahil alam niyang kalahati ng pangyayaring iyon ay kanyang sariling kagustuhan at pagkukulang.
Matapos kastiguhin at pagalitan ang sarili sa isipan, napabuntong-hininga siya nang malalim. Ipinaling ang ulo sa gilid, nakatingin sa kawalan matapos niyang maalala ang lahat ng nangyari at ang bawat detalye nito. She couldn't blame others but only herself for what had happened. Alam niyang siya lamang ang gumawa ng desisyon, siya lamang ang nagpasya, at siya lamang ang dapat managot sa kahihinatnan nito. She also didn't think of getting pregnant because she knows she was safe during those intercourse and it happens only once. Pinakalma niya ang sarili sa pamamagitan ng paniniwalang walang ibang masamang epekto ang nangyari maliban sa sakit ng damdamin at bigat ng konsensya, at naisip niyang sapat na iyon upang matuto siya ng leksyon sa buhay.
Bumangon na siya mula sa pagkahiga at naupo sa gilid ng kama niya. Nawalan siya ng ganang umalis at gumala ngayong araw, at sa mga sumunod na araw pa nga. Ang dating masayahin at palakaibigang si Yna ay tila naglaho at napalitan ng isang babaeng malungkot at laging nag-iisa. Hindi na rin siya bumalik pa sa bar na 'yon dahil nasusuklam siya sa lugar na iyon at sa mga alaala na dulot nito. Gusto niyang matulog lang buong araw, gusto niyang isara ang kanyang mga mata at huwag nang gumising pa, kasa-shopping lang din naman niya kahapon kaya wala na siyang ibang dahilan o gagawin pa sa labas.
May kumakatok sa pintuan ng kuwarto niya, mahina ngunit matatag na katok na paulit-ulit narinig niya. She wasn't in the mood when she opened the door, her face showing annoyance and irritation at being disturbed. "Why?" tanong niya nang diretsahan at walang kaamuan-amuan.
Ang kanilang kasambahay ang tumambad sa kaniya, medyo nahihiya sa malamig na pagtanggap ng dalaga. "Ipinatatawag ka ng parents mo, Miss Yna. Hinihintay po kayo nila sa sala," magalang nitong sabi.
"Okay. Pakisabi na susunod na ako. Maliligo lang muna ako at magbibihis," sagot niya saka isinara na agad ang pinto sa harap nito nang mahina ngunit sapat upang ipakita na ayaw niyang makipag-usap. "Tss. Ano na naman kaya ang sasabihin nila?" she whispered to herself and rolled her eyes, inaasahan na naman ang mga pangaral at sermon na laging naririnig mula sa kanila.
Pagkatapos niyang nagbihis ng simpleng damit at nag-ayos ng sarili, dahan-dahan siyang pumanaog na pababa ng hagdan. Nakita niyang nakaupo sa sala ang kanyang mga magulang, seryoso ang kanilang mga mukha at tila may malalim na pinag-uusapan habang hinihintay siya. Ang katahimikan sa paligid ay nagbigay na sa kanya ng ideya na hindi ito simpleng pag-uusap lamang.
"Yna, sit down. We have an important thing to be discussed," her father said, sabay turo sa bakanteng upuan sa tapat nila. Seryoso itong tinitigan siya, puno ng pag-aalala at pag-asa sa kanyang mga mata.
Naupo siya nang tahimik at nakinig sa mga sasabihin nila. Willing naman siyang makinig at umunawa, kaso 'di lang ma-process nang maayos ng utak niya ang mga pinupunto nila dahil sa dami ng gumugulo sa kanyang isipan nitong mga nakaraang araw.
"Yna, you're already twenty-five years old and it is the right time for you to be trained in managing our business. We are not young enough to spoon feed you with everything at all times," sabi ng daddy niya, habang ang mommy niya ay nanatiling tahimik, nakikinig lang din sa usapan nila at sumasang-ayon sa bawat salitang binibigkas ng ama.
Laglag ang mga balikat niya sa narinig. Ito na naman ba? ang tanong niya sa sarili. "I'm sorry but I will not force myself to the things I never wanted to do," she protested nang mahinahon ngunit matatag. Dahil sa inis at pagkadismaya, tumayo siya agad at nag-walk out, handang umalis na naman at huwag na makinig pa.
"Yna, just listen. Not all the time we will be here for you. Yes, we provide all to you, binibigay namin ang lahat ng kailangan at gusto mo, pero gusto naming makita kang may magandang kinabukasan at maayos na pamumuhay," pigil at paliwanag ng kanyang ama, sinusubukang awatin ang anak.
"Your dad is right, Yna. We are getting older and soon we will be gone in this world," dagdag pa ng kanyang ina. Nag-ikot lang siya ng mga mata at hindi sumagot. "Paano ka na lang kung wala na kami? You don't know how to make yourself worthy, hindi mo alam kung paano tumayo sa sarili mong paa," her mother added with a trembling voice, puno ng takot para sa magiging kapalaran ng anak.
She didn't want to hear their words anymore. Why are they saying those things now? She felt overwhelmed and pressured. She's not yet ready for everything they were asking her to do. She shook her head in disagreement then continued to walk upstairs without looking back. Pagdating sa kwarto ay mariin niyang isinara at nilock ang pinto.
Tumingin si Marie sa kanyang asawa habang naririnig ang kalabog ng pinto sa itaas. "Jomari, as I told you, you can't dominate her o pilitin siya sa mga bagay na ayaw niya," wika nito nang may halong pagod.
"Don't worry, I have a plan," nakangiting tugon ni Jomari habang pinagmamasdan ang hagdanan kung saan nawala ang anak. Ngumiti bilang tugon ang kaniyang asawa na si Marie, umaasang totoo ang sinabi nito at sana nga ay masosolusyunan na nila ang katigasan ng ulo at kasuwayan ng kanilang anak.
Kinabukasan, maagang naghanda si Jomari at pumunta sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan. Ito ay kaibigan niya mula pa noong high school at hanggang ngayon ay nananatili nilang pinahahalagahan ang samahang iyon—si Eduardo. Si Eduardo ay isang tanyag na negosyante noong kanyang mga kabataan at hanggang ngayon ay kilala pa rin bilang isa sa pinakamayaman at pinakarespetadong negosyante sa buong bansa. Ang kanyang pangalan ay kilala sa bawat industriya, at ang kanyang bahay ay sumasalamin sa kanyang tagumpay at karangyaan.
"Good afternoon, Sir. Pakihintay po muna si Sir Eduardo, kasalukuyan pa po siyang may ginagawa," magalang na sabi ng kanilang tagapaglingkod habang pinapasok siya at pinaupo sa malambot na sofa sa malawak na sala. "Do you want coffee, Sir? Or maybe some refreshments?"
"Sure, coffee will be fine," sagot niya. He waits for a while, habang ang kanyang mga mata ay gumagala sa bawat sulok at dekorasyon ng bahay. It captured his attention when he saw a familiar image of a man in a large picture frame hanging on the wall near the staircase. The young man in the photo was handsome and well built, may matang matalino at pangangatawang matipuno. A young man who looks exactly like Eduardo when he was younger, may dala-dalang karisma at awtoridad.
"Is he handsome?" a deep voice asks from his back.
He turned around and had a wide smile to see that it was Eduardo himself, lumalabas mula sa kanyang opisina. "Yes, of course. Sino ba naman ang hindi hahanga? Who is he?" tanong niya habang nakaturo sa litrato.
Eduardo laughed heartily at niyakap ang matandang kaibigan. "He's Alas, my son. You forgot him already?"
"Wow, he's now a grown man. Time really went by so fast. When you left here twenty years ago, he was just eight years old—maliit pa at laging nakakapit sa iyo," pagtataka at paghanga ni Jomari.
"It's true. Parang kailan lang," sagot ni Eduardo at sumeryoso nang bahagya. "Well, how are you? Long time no see, man. Bakit ka naparito? Any important reason?"
"Well, I'm fine and still busy with the business," sagot ni Jomari habang inaayos ang kanyang upuan. "Pero kailangan kong maging tapat at diretsahan ka. I am here to ask for some help," dagdag pa niya, bahagyang nababahala kung matatanggap ba nito ang kanyang hiling.
"Ow? What's that? About money? Kita ko naman at alam kong maayos pa ang takbo ng negosyo niyo. I can't see you are poor now," biro ni Eduardo habang nakataas ang kilay, akala ay tungkol sa salapi ang sadya ng kaibigan.
Umiling siya bilang tugon at bahagyang ngumiti. "Hindi, kaibigan. Hindi pera ang kailangan ko," sagot ni Jomari.
Tumayo si Eduardo at sinenyasan ang kaibigan na sumunod sa kanya. Eduardo guided him to his library, isang lugar na tahimik, puno ng mga libro at dokumento, kung saan pwede silang mag-usap nang mas maayos at pribado nang walang nakikinig.
"Have a seat," utos ni Eduardo sabay turo sa komportableng silya sa harap ng kanyang malaking mesa. Umupo rin ito sa kanyang swivel chair at tumingin nang seryoso kay Jomari. "So, what's your problem then? Sabihin mo na sa akin para malaman natin kung paano kita matutulungan."
Naupo si Jomari sa bakanteng upuan sa harap ng mesa ni Eduardo, huminga nang malalim bago nagsalita. "About my daughter, si Yna. Masyadong suwail, matigas ang ulo, at walang ganang maging tagapagmana ng sarili naming kompanya. Lahat ng bagay na inihahanda namin para sa kanya ay tila hindi niya pinahahalagahan. Ayaw niyang matuto, ayaw niyang magtrabaho, at laging sumasalungat sa mga payo namin."
Napaisip si Eduardo, kumunot ang kanyang noo habang inaalala ang dalaga. "I see, is she Yna, right? Kilala ko siya noong bata pa siya, napakabait at masunurin noon. Bakit naman nagkaganyan?"
"Yes, she is. I really have so many problems with her now. Dati naman ay maayos ang lahat, pero before she's not like these. Nagbago ang lahat simula nang maging broken-hearted dahil sa anak ng mga Domingo, kay Janus. Mula noon ay parang ibang tao na siya, matigas ang puso at malayo sa amin," pagpapaliwanag ni Jomari na puno ng pagkadismaya.
"Really? That is sad. I used to know her to be thoughtful and a good daughter you ever have. Napakabait na bata noon, at akala ko ay ganoon pa rin siya hanggang ngayon," wika ni Eduardo na tila hindi makapaniwala sa narinig.
"True, pero nagbago na ang lahat. Kaya gusto ko ang tulong mo. I want her to work in your company. Gusto ko sanang matuto siya sa pamumuno at magkaroon ng direksyon sa buhay. Narinig ko rin na your son Alas is now here to take over as a CEO. Siya na ba ang nagpapatakbo ng mga negosyo mo ngayon?" tanong ni Jomari na puno ng pag-asa.
Eduardo suddenly thinks again if that is a better idea. Pinag-isipan niya nang mabuti ang sitwasyon at ang posibleng mangyari kapag napasama si Yna sa kanilang kumpanya. "Well he is. Nandito na siya at siya na ang namumuno ngayon. I will inform him about this but I can't promise you. Hindi ko alam kung papayag ba siya o kung makakatuloy ba ang plano mo, lalo na't kilala ko kung gaano kaistrikto at kaseryoso ang anak ko pagdating sa trabaho," sagot ni Eduardo na nais lamang maging tapat.
Kahit hindi pa man siya natutulungan ng kaibigan ay masaya na siya dahil sa pagpayag nitong isaalang-alang ang kanyang hiling. "It's okay. Naiintindihan ko naman. Ito na ang buong pasasalamat ko kung tutulungan niya ako at kung matatanggap niya si Yna sa inyo. Malaking bagay na sa akin kung susubukan niyo lamang," sambit ni Jomari.
"Don't worry. Kapag nalaman ito ng anak ko ang kwento at sitwasyon, for sure, tutulungan ka niya. Mabuti at may mabuting puso ang batang 'yon. Bukod pa rito, gusto na rin niyang makita muli si Yna Maria. Matagal na rin silang hindi nagkikita mula noong mga bata pa sila, at madalas pa nga niya itong nababanggit noon," nakangiting sabi ni Eduardo habang inaalala ang kabataan ng kanyang anak.
"Thank you so much. Malaking ginhawa ito sa akin," wika ni Jomari habang tumatayo upang magpaalam. "By the way, hindi na ako magtatagal. May importante pa akong gagawin sa opisina at kailangan ko nang umuwi."
Ngumiti bilang tugon si Eduardo at inalalayan ang kaibigan palabas. Inihatid na niya ang kaibigan palabas ng gate bago ito tuluyang sumakay sa kanyang sasakyan. Gusto niyang tulungan si Jomari dahil matalik itong kaibigan, pero alam niyang nasa anak pa rin nito ang huling desisyon kung tatanggapin ba nito ang dalaga o hindi. Umaasa na lamang siya na sa pamamagitan ng pagtatrabaho ni Yna sa kanilang kumpanya, ay matututunan nito ang tunay na kahalagahan ng buhay, responsibilidad, at pagmamahal sa gawain. At higit sa lahat, umaasa siyang muling magtatagpo ang landas ng dalawang kabataan na matagal nang magkakakilala, at baka sa paraang ito ay maghilom din ang mga sugat na nakaraan.