MAGANDA ang gising ni Yna, mabuti naman na nawala na ang sinat niya. Masigla siyang bumangon saka nag-stretching. Masyado lang siyang napagod at stress dahil kay Brenda. Buong araw na kumulo ang dugo niya dahil sa babae. Maaga pa siya pumasok ng trabaho. Kailangan nilang mag-usap para sa mga dapat gagawin mamaya, all is well kaya ready na silang e-presenta ang kanilang mga proposals. May mga binago at dinagdag kasi si Alas mula sa previous proposals niya. Oo, may budget na at ang kulang ay ang pagpayag ng mga taga-Malaya. Yna is now following Alas towards the conference room. He is stunning in his black suit. He's a very handsome and jaw-dropping man, while Yna looks very gorgeous and sexy with her formal dress. Nakita ni Yna si Brenda na nakatayo sa isang sulok ng hallway, throwing a

