NASA kuwarto niya si Yna, abala siya sa paggawa ng mga reports na pinapagawa ni Alas sa kaniya. Pagkatapos niyang maghapunan ay umakyat na siya ng kuwarto saka kaagad binuksan ang laptop niya para magsulat ng mga articles. Nag-eenjoy siya sa pagsusulat, marami rin siyang naalala sa mga naganap kahapon doon sa village. She smiled and reminisced for a while. She remembers Alas, he's been gentleman with her. She almost forgot Janus at the moment. "In fairness guwapo si Alas," usal niya. "Ano ba? Yna, he's your boss, besides, marami ka pang dapat gawin. Anong iniisip mo na naman? Tumigil ka ha," kinutusan niya ang sarili. She even cursed herself so badly. Bakit niya iyon naisipan? Sumingit pa talaga sa mga iniisip niya. May narinig siyang katok mula sa pinto..Sa palagay niya ay ang daddy n

