(Nangyari bago umuwi si Khlar sa bahay nito sa last chapter.) "NEIL! Kumusta, bud?" Natatawang tiningnan niya ang kaibigan mula ulo hanggang paa. Kakatapos lang ng trabaho at pauwi na sana nang makasalubong niya ito. "I.. I am just proud of you." Nagtawanan ang magkaibigan, kapagkuwan ay nagyakapan. Ilang buwan din kasi bago sila tuluyang magkita. Nag-apply kasi sa Maynila ang kaibigan at mukhang natanggap ito kaya bumalik para iparating ang balita. "So, ano? Red Lights tayo, libre ko! Tatawagan ko si Axl," sabi pa nito bago kunin ang telepono. Tuloy tuloy iyon, kaya wala nang nagawa ang binata kahit gaano pa nito gustuhing umuwi — excited makita si Jae. Ilang minuto pa, patungo na ito sa lugar na sinasabi. Hindi mahinto hinto sa pagdadaldalan. Kaya tumodo lang iyon lalo noong nakis

