KUNG ANO man ang ipinangako ni Jae sa sarili noong mga nakaraang araw bago matuloy ang dinner na sinasabi ni Khlar ay binaon na niya sa hukay. Kung gaano naman kasi katagal bago nito nakumbinsi ang sarili ay ganoon naman kadaling mawala iyon kahit pinto pa lang ng mga Romero ang nakikita niya. Malalim siyang bumuntong hininga, nangangahulugan nang kawalan nito ng pag-asa. "Jae, umayos ka! Kung pamamanhikan na ang tawag dito ay suwerte na tayo." Hindi makapaniwala sa sinabi ng ama ay napabaling si Jae sa inang katabi nito — animo ay walang pakealam sa paligid dahil busy sa pagkalikot sa cellphone. Napabuntong hininga siya, wala na talaga magagawa. Kailangan niya na lang talagang lunukin ang hiya. "Ate Jae!" Si Khlea ang unang sumalubong sakanya kaya kahit papaano nawala wala ang k

