NANDOON siya. Nandoon si Jae noong malalaki ang ngising umakyat sa entablado at kinuha ni Khlar ang matagal na pinaghirapan nito.
Bumuhos pa nga ang mga luha niyang kanina pa pinipigilan. Sobra nitong pinagmamalaki ang binata. Isa siya sa mga pumalakpak kahit hindi naman magagawang marinig namg humalo na iyon sa palakpak ng maraming taong naroon.
Noon, nagagawa nitong hawakan ang binata. Nagagawa nitong halikan at yakapin. Pero ngayon, kabilang na lang siya sa libo libong humahanga rito.
"Jae?" Halos mapatalon ito nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"Ax.." Ang totoo, ngayon niya na lang ulit nakita ang binata kaya malaki ang pagkagulat na naikintal nito sa isip. Pumayat ang ito, halata iyon.
"Pupuntahan ko rin si Neil at Khlar, sabay na tayo."
Nang pinili ni Axl na hilain ang mga kamay ni Iae ay doon na siya pumalag. "Ax, h-hindi ako nandito para kay Khlar," pagsisinungaling niya.
Mabilis naman ang pag-iba ng ekspresyon ng binatang kaharap, "Ganon ba? Pero mas magiging masaya si Khlar kung—"
"Ax, 'wag mong sasabihin kay Khlar na magpunta ako. 'Wag mong sasabihin na nakita mo ako, please."
Alam ni Axl ang sitwasyon at malinaw ditong ayaw na niyang madagdagan pa ang g**o kaya gaano man nito gustuhin na dalhin si Jae sa kaibigan para mas sumaya ito ay napili niya na lang sang-ayunan ang babaeng kaharap.
"Thank you so much, Ax. I owe you," muli niyang sinuri ng tingin ang lalaking nakatayo pa rin sa harap niya. "Mauuna na ako, mag-iingat kayo."
Iyon na, pagkatapos noon ay wala na siyang naging balita. Isiniksik kasi ni Jae sa isip na pagkatapos ng araw na iyon ay hahayaan na nito si Khlar.
Masakit, sigurado siya sa nararamdaman. Araw araw ay walang pakundangan ang dibdib nito sa pagsakit. Araw araw alam niyang hindi siya okay, alam niyang may kulang.
Pero nakakapagtaka nga kung paano niya nakaya.
Pagkatapos ng gulong halos tatlong taon na rin ang nakararaan ay naging totoo sa sinabi ang ama. Hindi na niya ito sinaktan muli pero kung saan saan naman siya nito ibinubugaw. Kung saan saan siya nito ipinagkakasundong ipakasal at labis siyang natatakot doon.
Alam ito ng mga kaibigan niya, pero hindi na nadagdagan pang muli ang naikwento nitong impormasyon.
Nagsisimula na ang ika-apat na taon nila sa kolehiyo kaya puspusan na rin ang ginagawa nitong mga paraan para makakuha rin ng latin honors. Gusto niya rin naman iyon, liban pa sa kagustuhan ng mga magulang.
"Jae, bukas na deadline non. Nakagawa ka na?"
Agad siyang tumango sa tanong ng kaklase, katunayan ay matagal na niyang nagawa kaya hindi na nito kailangang sumama sa groupwork na gagawin. Derecho na siya uwi kahit maliwanag pa ang kalangitan.
Hindi na siya takot, nabawasan na at hindi na katulad noon. Kaya lang, nakasanayan nang pagdating sa bahay ay deretso rin talaga sa kwarto para makaiwas na rin sa posibleng umusbong na g**o mula sa mga magulang.
Ilang taon na siya ganito. Ilang taon na niyang nararamdaman na sinasayang niya ang buhay sa kakaintindi sa dalawa pero wala naman siyang magagawa pa. Kaya nga labis din ang naging pagpupursige niya sa pag-aaral para matulungan din ang sarili sa noon pang kagustuhang tumakas.
Hindi pa nga lang nito naiisip kung paano pero sigurado na siya sa gagawin. Siguro ay iisipin niya na lang kapag andyan na.
Marami rin ang nangyari sa nakaraang tatlong taon. Ang sakit na dinanas ng kaibigang si Vivianne maging ang biglaang pagkawala ni Dirk sa University. Lahat ay hindi halos mapaniwalaan ni Jae.
Hindi lang kasi sakanya ang nagkandaleche leche dahil pati rin sa kaibigan niya. Napag-usapan nga nilang dalawa ni Vivianne na baka hindi talaga siya ganoon kaswerte sa lovelife. Nang maalala ang mga napag-usapan ng kaibigan noong nakaraang taon ay halos matawa pa siya—kahit mag-isa.
Si Red na man ay mas maging masekreto, hindi tuloy nila malaman ang mga ganap nito sa buhay o kung mayroon mang pumoporma dito. Wala namang pagbabago sa dalaga, pikon pa rin at labis na naiinis twing kakantiin ang koleksyon nitong Hollywood artists inspired clothes.
Iyon na lang madalas ang nakakapagpangiti sakanya, ang kabaliwan at kakulitan ng mga kaibigan at ang makakita ng flat 1.0 na sarili niyang grado.
Wala na halos.
Twing mag-isa ay hindi mo makikitang dantayan man lamang ng ngiti ang mukha ni Jae.
Tuwing mag-isa ay mas lalo lang niyang nararamdaman ang pangungulila.
Niloloko niya lang ang sarili sa tatlong taong iyon. Niloloko lang nito ang sarili, pinaniniwala niya lang ang sariling hindi na nito mahal si Khlar.
Pinaniniwala niyang nakalimutan na nito ang binata.
Wala ni isa doon ang may katotohanan dahil pagkatapos ng maraming taon, iisipin mong nakatattoo na puso nito ang binata. Hindi maalis alis, hindi mabura bura.
Pero kung tatanungin kung may pinagsisisihan man ito sa mga nangyari noon, mabilis lang siyang iiling dahil wala ni isa itong pinagsisihan.
Alam nito hanggang ngayon na tama lang ang naging desisyon nito.
Para sa kaligtasan ng mahal at ng pamilya nito.
Nangingilid ang mga luha noong binabagtas niya ang eskinitang papasok sa bahay nila, nagtatakang may hindi pamilyar na kotseng nakaparada doon lalo pa at malaki ang bukas ng gate.
Agad agad tuloy siyang kinabahan, paano kung sinalakay na sila ng mga kalaban ng ama sa pagsusugal nito?
Dahil sa naisip ay patakbong pumasok sa kabahayan si Jae, abot abot ang kabang nararamdaman para sa mga magulang.
Iniisip kung ayos pa ba ang mga ito at kung ano ang nangyari.
Pero imbes ka maaksyong tagpo ang madatnan ay isang mapayapang pag-uusap ng mga tao ang naabutan nito.
"—hayan na pala ang anak ko, Architect."
Hinihingal pa siya sa pagtakbo, kinakapos ng hininga dahil sa kaba pero ramdam na ramdam nito ang biglaang ang hinto ng mundo niya noong makita ang lalaking hindi nawala ni minsan, ni isang minuto sa utak niya.
Mahaba ang buhok ng lalaking iyon na piniling ipusod, may suot na mamahaling eyeglasses. Mas lumapad ang mga balikat at mas naging kapansin pansin ang panga. Labis na mayroong makakapal na kilay at mapupungay na mga mata.
Suot ang isang itim na tuxedo na binagayan pa ng Black Oxford polished calf skin ay agad siyang binalingan nito, kapagkuwan ay ipinarinig ang baritonong boses na matagal na panahong nanatili lang sa mga panaginip niya.
"Jae."