Thirteen: Goodbye for now

1433 Words
"TANDAAN mo ang pinag usapan natin Jae. Wala akong sasantuhin." Pagkatapos ng tatlong araw na pag absent at apat na araw na pagkukulong sa kwarto ay sa wakas—pumayag na rin si Arjay, ang ama nito na palabasin na ng tuluyan si Jae. Kaya lang, alam na nitong hindi rin magiging normal ang mga susunod na araw sa eskwelahan dahil sa banta ng ama niya. Hindi siya pwedeng lumapit sa kahit sinong lalaki. "Iyong kumpare ko sa ibang bansa, pareha kayo ng edad ng anak. Pag nakatapos kayo, ipakakasal ko na kayo dahil kayang kaya tayong gawing mas mayaman noon!" Pinapasok niya sa isang tainga pero pinalabas niya rin agad sa kabila. Ilang beses nang bukambibig niyan ang pagpapakasal ng dalaga sa kung sino. "Tiba tiba tayo sa pera noon, sigurado!" Halos mag echo ang tawa ng amang nagmistulang demonyo sa paningin niya. "Kaya ikaw, huwag ka ng aarte dyan!" Iyon ang hindi nito maintindihan. Kaya naman nila ang sariling pamumuhay, parehang may trabaho ang ama at ina. Hindi rin naman sila kinulang sa pang gastos kaya bakit nag aasam pa ng mas maraming pera ang ama? Kulang na nga lang ay ibenta na siya ng direkta nito sa kung sino. "Mauuna na po ako." Tahimik nitong kinuha ang bag na dadalhin at dumerecho palabas. "Khlar, Lara, Kheiza at Khlea Romero. Madali lang lahat ang mga iyan, Jae. 'Wag na 'wag mo akong susubukan." Tumango ito at sumunod ang marahas na napalunok. Seryoso talaga ang ama niya tungkol doon. Nagawa pa nitong magbanta. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Nadamay na ang pamilyang na yon noong nakaraan, bakit idadawit niya pa ang mga iyon ngayon? Ilang minuto lang ay tinatahak na niya ang daan papasok sa eskwelahan, iniipon na ang iilang impormasyong pupwedeng ikwento sa mga kaibigan. "Jae! Oh my Gosh!" Ang mga pasa sa braso ang unang napansin ni Red sa kaibigan, dinaluhan naman agad siya ni Vivianne para sa isang mahigpit na yakap. "That's too much! Ano ba talagang nangyari?" Bumuntong hininga muna ang dalaga, pilit na kinakalma ang sarili dahil nagbabadya na namang bumuhos ang balde baldeng luha nito. Pigil din halos ang paggalaw dahil sa ayaw nitong makita ng mga kaibigan ang panginginig dahil sa sobrang takot na nararamdaman. Malulungkot ang mga ngiting nakita niya sa kaibigan, hudyat para malaman na nila ang totoong nangyari. "BAKIT naman gagawin 'yun ng tatay niya? Kawawa si Jae, bud." Para ng sirang plakang paulit ulit sa utak ni Khlar ang nangyari noon. Kapag ipinipikit nito ang mga mata ay hindi nakalalagpas dito ang paulit ulit na pagpeplay ng akala mo'y palabas sa pelikulang eksena. Iyong pagkaladkad kay Jae hawak ang buhok nito, ang malakas na pagsampal at paghila sa dalaga. Tandang tanda niya iyong ahat. "Hindi ko inexpect na ginaganon siya sakanila, K. Masayahing sobra si Jae eh." Sinang ayunan niya ang sinabing iyon ni Axl dahil iyon din ang nasa isip niya. Hindi mo talaga iisipin na sinasaktan si Jae sa bahay dahil masyadong makulit iyon sa personal. "Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. It's been three days simula nung hindi na siya pumapasok. Paano kung hindi na talaga siya papasukin ng ama? O kung tumigil na siya sa pag aaral?" Ang totoo, ilang araw na ring magulo ang utak niya. Siya nga iyong pumapasok pero lumilipad naman siya kung saan saan. Kung may maitutulong lang sana siya sa dalaga. "But Tita Lara has her point as well. Pagbali baliktarin man ang mundo, magulang niya pa rin iyon kaya mahirap din para sakaniya na isumbong ang mga 'yon." Halos ibagsak nito ang ulo sa mesang mesa harap. Sobra ang frustration na nararamdaman nito. Wala na nga siyang magawa, hindi niya pa nakikita si Jae! Kapagkuwan ay magvibrate ang cellphone nito, a text message from Red. From: Red Let's meet at gracianas. Iginala nito ang paningin sa paligid, agad na nagmadali sa pagbabakasaling kasama ni Red si Jae. "Ano 'yun, bud? Did you saw her?" Umiling ito sa tanong ni Neil pagkatapos ay agad na nireplyan ang text na naroon. To: Red Nasa gracianas ako. With friends. "What's happening? Mukha ka dyang palakang natata—" Hindi na natuloy ni Axl ang sinabi noong naging maingay ang palatak ng sapatos ng papalapit. Dahil doon ay sabay sabay tuloy silang napalingon. Si Red iyon, kasama si Vivianne at si Dirk. "Si Jae?" Ang pagpapanic bago sila dumating ay mas lalo lang nadagdagan ng hindi naaninag maski ang anino ng dalaga. "Could you let us sit first?!" Nagulat sa inasal ng babaeng kaharap ay agad niyang binalingan ang dalawang kaibigan. Wala na kasing bakanteng upuan kaya walang choice kundi ang patayuin ang dalawa. Nakita pa nitong nag make face si Axl—ginagaya gaya ang pagmamaldita ni Red sakanila. "K, this is about Jae.." Tahip tahip na ang nararadaman nitong pagpoprotestanng sistema. Gusto na nito malaman kung kumusta si Jae at kung nakapasok na ito ngayon. "Ngayon lang rin namin siya nakausap, ang totoo niyan, pasekreto naming kinuhanan ang mga pasa niya sa katawan." Ang babaeng mahinhin ang nagpaliwanag at nagpakita sakanila ng larawan. Sandaling pinagkumpulan nila iyon, kitang kita ang mga pasa ni Jae sa braso at iilan pang parte malapit sa leeg. "Asan siya?!" Hindi na niya kailangan pang tapusin ang magiging usapan nila ng mga kaibigan nito. Hindi na niya kaya pang tiisin. Ngayong may mga larawan na silang hawak na pupwedeng gawing ebidensya mas lumakas ang loob niya. "Khlar, iyon nga ang problema." Napakunot ang noo niya bago bumalik sa pagkakaupo, mas ginustong mapakinggan ang mga susunod pang sasabihin ni Vivianne. "Anong problema? We have the evidences, kayang kaya na niyang mapatunayan yung ginagawa sakanya! Asan siya? I need to talk to her—" "Hindi ka pwedeng lumapit sakanya, Khlar." Parang bumagsak siya kung saan mula sa mataas na lugar. Kanina'y malakas na ang pag asang nararadaman pero dahil sa naunang salitang narinig, agad ding nalusaw ang mga 'yon. "Why?" Si Axl na ang nakapagtanong kay Vivianne dahil sa pananahimik nito. Nang matahimik ang mga taong naroon, nakita ni Khlar ang marahang paghawak ni Dirk sa kamay ni Vivianne bago nagsalita. "She was threatened by his father about you and your family's safety. Ayaw niyang madamay pa kayo—" "f**k!" Sinubukan niyang tumayo at simulang hanapin ang dalaga pero agad itong hinawakan ni Red, pinigilan. "Listen. Think. Pag isipan mong mabuti ang kung anong binabalak mo. One wrong move, kay Jae na naman babalik ang p*******t. Higit sa ating lahat, siya ang nagsusuffer. Kaya please, iwasan mo muna si Jae." Nang pumasok sa utak nito ang lahat ng sinabi ni Red, nanghihina nalang itong napaupo. "Hawak siya sa leeg ng tatay niya ngayon kaya wala tayong ibang pwedeng gawin sa ngayon kundi ang sumunod. Well, kung ayaw nating madagdagan pa ang mga pasa ng kaibigan ko." Pagkatapos nang pagsasalita ay natahimik ang lahat. Iniisip at hinahalukay pa ang utak kung may pupwede pang magawa para kay Jae pero wala. May punto si Red. Lahat ng sinabi nito ay tama. Pero may maliit na pursyento pa rin kay Khlar na nagsasabing gusto niyang makita at makausap ang dalaga. Bigo si Khlar ng magsimulang tahakin ang daan pauwi, katulad ng mga nakaraang araw na hindi kasama si Jae ay bumalik na ito sa pag cocommute. Hindi niya halos mapatahimik ang utak sa kakaisip, kumusta na si Jae? Gusto niya itong makita't makausap pero makakasama ba talaga siya sa dalaga? Jae? "Jae!" Kumaripas ito ng takbo patungo sa lugar kung saan nakita ang babae. Hindi siya pwedeng magkamali, pamilyar na pamilyar siya kay Jae. Kahit ang likod nito ay nakabisado na niya. "Jae!" Nang hinarap siya ng dalaga ay mas nagulat pa ito kaysa sakanya. "Khlar?" Hindi na siya nagsayang ng pagkakataon, iginilid niya ang dalaga at mahigpit na niyakap. "Khlar, get off.." "Jae, how are you? Asan ang mga sugat mo? Masakit pa ba?" Sa sobrang pag aalala ay dali dali na nitong tsinek ang mga pasa sa katawan ng dalaga. Totoo nga, totoo nga ang lahat ng nakuhanang larawan ng mga kaibigan nito. Marami ang mga iyon at may iilang bago. "Khlar, please. Uuwi na ako." "Jae, pauwi na rin ako. Sabay na tayo?" Hindi nakapokus si Khlar sa mukha ni Jae kaya't hindi nito namalayan kung gaano na kagalit ang dalaga. Hindi pa rin siya humihinto sa pag iiskan ng iilang pasa at sugat pa nito doon. "Khlar, ano ba!" Agad na natigilan si Khlar. Ni minsan ay hindi pa siya nagawang sigawan ng babae. "Uuwi na ako at please lang, wag mo na akong lalapitan ulit." Padarag siyang itinulak ng dalaga bago siya tuluyang hindi makagalaw sa kinatatayuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD