Eleven: Angry Khlar

1367 Words
"MASARAP ba, K?" Ilang beses na siyang gustong bumungkaras ng tawa, sobrang hirap na para sakanya ang magmukhang inosente sa harap ni Khlar pero nagawa niya parin. "Pinaghirapan ko 'yan. Buti andito si Khlea at Kheiza para tulungan ako." Ginawa pa nitong excited ang pagkakasabi niya, isang rason para mas lalo pang makonsensya si Khlar kung iluluwa niya ang kinain. "Ano, masarap ba?" Mahal niya naman ang babaeng ito, kaya di bale na. "Ang s-sarap, Jae!" That's it! Ginawa na nito ang best niya para makapagsalita. Isang subo ng cake na sinasabi ni Jae ay parang hinahalukay na ang tyan niya. Cake iyon hindi ba? Paborito niya ang cake pero bakit ganon ang lasa? Ampalaya? Nang hindi na nakayanan at tumakbo na si Khlar papunta sa cr ay doon palang bumungkaras ng tawa ang tatlo. Si Kheiza ay halos magswimming na sa sahig, si Khlea na man ay naghahabol na ng hininga pagkatapos si Jae naman ay halos wala ng tunog na lumalabas sa tawa. Iyon na siguro ang pinakamatagal na pagtawang nagawa ni Jae sa buong buhay niya. "You planned that?!" Nagsibalikan sa pagkakatayo ang tatlo ng biglang lumabas si Khlar sa banyo at dumerecho sa kusina. Natahimik na si Jae, natapos na ang pagtawa at ngayo'y nagulat sa biglaang pagsigaw ni Khlar. Galit ba ito? Kung oo ay iyon ang unang beses na makikita niyang galit ang binata. "Jae? Really? Khlea? Kheiza? Alam niyo kung ano yung nangyayari sakin everytime kumakain ako ng Ampalaya pero really? You tolerated her? Para ano, para pagtawanan ang Kuya niyo?" Doon lang narealize ni Jae ang ginawa, paano ba siya umabot sa ganto? Namumutla pa si Khlar, basang basa rin ng pawis ang suot nitong tshirt. Overall, mukhang kakasagot lang talaga sa tawag ng kalikasan. "What did I do, Jae? Wala naman ata akong ginawang masama sayo para planuhin pa ang lahat ng 'to." Halata sa mukha ni Khlar ang disappointment nito para kay Jae. Hindi siya makapaniwala, kagabi lang ay ayos naman sila. Sigurado namang hindi sila nag away dalaga kinaumagahan dahil hindi naman sila nagkausap. Kaya anong nangyari? Ayaw na ayaw niya sa pagkaing iyon. Bukod kasi sa nasusuka siya at ang walang katapusang pagbabawas ay naaalala niya pa ang ama. It was his father's favorite food. At dahil nga sa kagustuhan nitong gayahin ang ama noon ay madalas na kumakain din siya ng Ampalaya pero sa banyo lang palagi ang deretso. Kailangan niyang magpalipas ng galit kung saan, ayaw niyang mapagbuntungan si Jae pag nagkataon. "PASENSYA na po, hindi po talaga namin alam." Simula noong galit na umalis si Khlar, abot abot na ang pagsisisi ni Jae sa nagawa. Totoong gusto niya itong gantihan, pero sumobra naman siya. Dapat ay hindi niya nalang naisip ang mga iyon. Totoong wala namang nagawa si Khlar sakanya, nakakahiya dahil nakuha pa ni Khlar na icomfort siya kagabi pero ganon pa ang isinukli niya. Nang magtanghalian ay umuwi na rin ang mama ni Khlar at nakapagsabi na rin sila ng nangyari. Maging ang mga kapatid nito ay nakokonsensya rin sa ginawa sa kuya. "Bakit naman kasi hindi niyo sinabi kay Ate Jae niyo na ganon ang nangyayari sa Kuya niyo kapag kumakain siya ng Ampalaya?" Iniisip ni Jae na magagalit ang babae sa ginawa nito sa anak pero hindi. Nanatili lang itong kalmado at nakangiti pa. "Pero natatawa talaga ako sa ginawa ninyo." Nang nagsimulang tumawa ang mama ni Khlar ay hindi na nagawa pang sumabay ng tatlo. Natrauma nang tumawa. "Naisip niyo pa talaga ganunin si Khlar!" Napayuko nalang si Jae, hindi pa rin nawawala sa isip kung gaano kagalit ang mukha ni Khlar bago umalis. Saan naman kaya pupunta ang lalaking iyon? "Nga pala, Jae, anak. Kaya umuwi ako ngayon dahil kailangan ko ring umalis mamayang alas tres. Kailangan lang naming bisitahin 'yung site na kailangan para sa trabaho. Alam naman na iyon ni Khlar kaya uuwi na rin yun mamaya sigurado. Baka bukas ng madaling araw o kaya umaga andito na ako." Tumango tango lang siya. Wala namang problema iyon sakanya, katunayan nga excited pa itong makakasama na naman ang dalawang mga cute na kapatid ni Khlar. Sumapit ng alas tres ay kinailangan nang magpaalam ni Lara sa mga bata ay wala pa rin ni anino ni Khlar. Saan naman kaya iyon? Hindi kaya galit pa rin? "Nako, galit pa 'yun si Kuya." Tila ba nasagot ni Khlea ang mahinang tanong niya sa isip. "Pikunin 'yun eh, masyadong seryoso. Ayaw nang binibiro siya." Pansin niya rin iyon. Makikisabay naman si Khlar kung pang aasar lang pero sobra talaga 'yung ginawa niya. Popcorn na nakuha ni Kheiza sa ref ang naging pagkain nila ng hapon na 'yun. Wala pa ring Khlar na dumadating. Inubos lang nila ang oras sa pagkwekwentuhan at pagkukulitan. Nawala lang ang pangamba ni Jae nang dumating si Khlar, alas otso ng gabi. Tayo palang ng binata, alam na ni Jae na nakainom iyon. Hindi siya nagkakamali sa aspetong iyon. Tahimik lang silang tatlo hanggang inilapag ni Khlar ang biniling pagkain mula sa fast food pagkatapos ay walang sabi sabing dumerecho na sa kwarto nito. "See?" Naunang magsalita si Khlea pagkatapos na pagkatapos makaalis ng nakatatandamg kapatid. "Bahala siya dyan. Tara kain na tayo, 'Te." Sinabayan niyang kumain ang dalawa. Ngayon tuloy iniisip niya kung kumain na si Khlar lalo pa't pang tatlong tao lang ang binili nitong pagkain. Mamaya ko nalang siguro pupuntahan pagkatapos ng lahat ng gawain. Ganon nga ang ginawa niya, nang matapos ang pagkain ng tatlo, ang magkapatid ay dumerecho na sa sari sarili nitong kwarto. Si Jae naman ang natira sa kusina't naghugas ng iilang kutsara at basong ginamit. Minabuti niya munang maligo at mag ayos ng sarili bago tunguhin ang kwarto ng masungit na si Khlar. Bukas ulit ang pintuan nito, nakahiga na ang lalaki pero sinubukan niya pa ring pumasok sa loob. Lasing nga. Saan naman kaya siya nagpunta? Pinilig niya ang sariling ulo para mabawasan ang pag iisip at tuluyang maipagpatuloy ang plano. "K.." Dahan dahan niyang niyuyugyog ang katawan ni Khlar. Kung pupwede lang na huwag niyang mahawakan dahil wala itong tshirt na suot. "K, I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko naisip na iyon ang possible na result ng action ko. I'm really sorry.." Nang magmulat ng mga mata si Khlar at tumuwid ng pagkakaupo ay nadagdagan ang pag asa niyang magkakaayos na silang dalawa. Hindi mo rin ako matitiis. Pero liban sa mga naiisip niya, umupo ang lalaki para pakawalan ang sukang kanina pa nito gustong ilabas. Buti ay mabilis na nakailag si Jae at laylayan lang ng damit nito ang nalagyan. Kung hindi ay manggegyera talaga siya sa lalaki. "K naman!" Nakabukas ang mga mata ni Khlar pero hindi kasing laki ng normal, maliit lang natatanaw niya. Ngumiti ang lalaki kay Jae, parang natatawa pa ito. Lintek! "Khlar nam—" Nanlaki ang mga mata niya't agad na napahinto sa sinasabi ng biglang itinaas ni Khlar ang damit na suot niya, "Fine, I will take it off for you." Mabagal lang ang pagkakasabi non pero hindi halos makahinga si Jae dahil sa lapit ng mga mukha nila. Magkahalong amoy ni Khlar at amoy ng alak ang pumapasok sa ilong niya. "What the hell are you doing?" Nanghihina siya, nanginginig. Hindi tinututulan ang ginagawang pagtatagal ni Khlar sa suot niyang pantaas. "Taking care of my princess, yes?" She can't take it! Parang may kung anong kumikiliti sa tyan niya! Bakit niya hinahayaang tanggalin ng lalaking to ang damit niya? "There, beautiful." Nahihiyang agad niyang tinakpan ang dibdib, naroon pa naman ang b*a niya pero hindi siya kumportableng doon nakabaling ang paningin ng lalaki sa harap. Ang sumunod na tagpo, dilat na dilat na si Jae sa pagsagot ng mga halik na ibinibigay ni Khlar sakanya. Hindi niya maintindihan, alam niyang hindi maganda iyon pero hindi niya rin naman gustong tumutol. Sa sunod na pagdilat ng mga mata, kita na niya ang ginawang pag ibabaw ni Khlar sakanya. Ilang beses siyang tinanong ng lalaki, ilang beses itong nanghingi ng permiso niya. Pumayag siya. Sumang ayon siya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya, saka bumulong ng impit na hiling. Sana sa maraming bagay na pinagdadaanan niya, hindi ang bagay na ito ang pagsisihan ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD