Five: Label, please

1713 Words
"HOW'S your night? I tried texting you pero hindi kana nagreply kaya.." Nang makuha ni Khlar ang mga titig nito, hindi na niya muli pang inalis ang mga iyon. Para bang inaantay ng lalaking tingnan rin siya ni Jae. "Ah." Hindi naging maganda ng umaga niya pagkatapos ng nangyari kagabi. Nagising siyang wala ang mga magulang kaya hindi na muli pang nadagdagan ang g**o pero ang sama ng loob ay nandoon pa rin. Ang galit ay nandoon parin. Hindi na nito mabilang kung ilang beses niya na bang hiniling na sana, kahit hindi na magkaayos ang mga magulang niya, hindi na ito mag away lalong lalo na sa harap niya. Sana ay hindi na siya muli pang mapagbuntungan ng galit, sana ay hindi niya muli siyang saktan ng pisikal. Gusto pa sana nitong hilingin na kung pupwede ay sana huwag na rin siyang masaktan sa emosyonal na aspeto pero alam niyang iyon na siguro ang pinakahuling mangyayari sa buong buhay nito, at wala paring kasiguraduhan ang mga iyon. Ang pag iisip ng galit maging ang sama ng loob ay lubos nakaapekto kay Jae lalo na sa exam nito. Hindi nito nagawang makapag aral at kung magkaroon man ng pagkakataong buklatin ang mga libro, wala ring pumapasok na kaonting impormasyon sa utak niya kahit ilang beses niya pang ulit ulitin ang mga iyon. "Okay lang naman." Muli nitong hinarap si Khlar na may mga ngiti sa labi. Kakakilala palang ng dalawa at ayaw na nitong bigyan pa ang binata ng panibagong poproblemahin. Nakita nito ang mabilis na pagkislap ng mga mata ng lalaki bago sinuklian ang pag ngiti nito, "Alright. Tell me kung anong gusto mong pagkain." Sa narinig ay agad itong tumango at binalik ang mga mata sa menu na hawak. Kailangan talaga nitong kumain, dahil kung hindi mababawasan lang lalo ng mababawasan ang enerhiya niya para sa susunod na exam kinahapunan. "Well, except for me.. of course." Sandali siyang natigilan, mariing tsinek kung si Khlar ba talaga ang kasama nito. "I'm joking, Jae." Doon ay saka palang siya nagsimulang tumawa. "Sino naman ang nagturo niyan sayo?" Hindi alam ni Khlar kung bakit niya pa yun sinabi at bakit pa nga ba ito nakikinig sa mga payo ng kaibigan. Ngayon tuloy ay siya ang nahihiya! "Si Axl." Marahan itong yumuko na parang nawalan bigla ng lakas ng loob, ilang beses niya na bang nasabi sa sarili na bully si Jae? "Now alam mo na kung kanino lang dapat makinig." Hindi parin tumitigil sa kakatawa akg dalaga. Para kay Jae, hindi naman talaga ang sinabi ni Khlar ang tinatawanan niya kundi ang reaksyon ng binata sa sarili. "Let's rewind, please. Ayoko nang maalala 'yun!" Napailing nalang siya at hinayaan doon si Khlar na hindi parin makamove on sa nararamdaman nitong kahihiyan pagkatapos ay umorder. Khlar is a nice guy, alam niya sa sarili niyang hindi na niya kailangan makipagtalo pa roon. Sometimes, he's just so good to be true. Hindi kasi nagbabago ni minsan man lang ang ugali ni Khlar at ang pakikitungo nito sakanya. Minsan, nakakatakot. Pero naiisip rin ni Jae na hindi naman kailangan ang matakot dahil malakas rin naman ang tiwala niyang may iilan pang tao ang katulad ni Khlar. At kahit lumipas pa ang isang buwan, nanatili sila sa ganon. Hindi na napaghihiwalay at kung may oras ay sabay papasok at pauwi. Kung hindi naman kasama ni Jae ang mga kaibigan ay paniguradong si Khlar ang kasama nito. Saktong sakto pa nga ngayon na parehas natagpong wala silang klase ni Khlar sa hapon, kaya katulad ng aasahan, magkasama na naman ang dalawa. "Hi, Jae." Tipid na nginitian niya lang si Axl na unang bumati sakanya pagkarating niya sa lugar nila Khlar sa East Campus. Doon na rin kasi nila napag usapang magkita. "Upo ka, Miss Beautiful. May inaasikaso lang si Khlar." Nginitian niya naman ang isa na hindi niya pa mawari kung anong pangalan. Ang alam niya lang ay kaibigan iyon ni Khlar dahil minsan niya na rin iyong nakita kasama ang lalaki. Dumaan ang iilang tahimik na minuto sa tatlo bago nagsalita si Axl. "Saan daw kayo mamamasyal?" Nilingon siya ni Axl kaya ganoon din ang ginawa ng dalaga bago magkibit balikat. "Wala pa, actually." Nahimigmigan si Jae sa biglaang pagsigaw ni Neil at Axl. "Ayos!" "Gusto mo bang magmovie marathon?" Naweweirduhan man, napangiti nalang rin siya sa pagtyatyaga ni Axl para makausap siya. Aaminin niyang medyo galit siya sa lalaki pero para saan naman ang mga yun lalo na't hindi naman si Axl ang nanloko sakanya? "Ayos lang! Maganda yun!" Nag apiran muli ang dalawa, halatang excited na narinig. "How about doon tayo sa condo ni Axl, Miss? Dyan lang naman sa Taysan." Nagpalipat lipat ang tingin ni Jae sa dalawang kaharap, sigurado ba ang mga ito? Isasama nila ako? Hindi kaya maging awkward iyon lalo pa't ako lang ang babae? Akmang magsasalita pa lang si Jae sa mga naiisip ng biglang sumulpot ang matagal na nilang inaantay. "Hoy kayo, baka inaano niyo tong akin?" Patawa patawa iyong sinabi ni Khlar sa mga kaibigan pero hindi na halos mahanap ni Jae ang hininga. Akin? Sakanya ako? Umiling iling ito, pilit na tinatanggal ang kung ano anong naiisip. Minabuting ipokus ang sarili sa pakikinig sa usapan ng tatlong lalaki sa harapan. "Ayos lang naman. Pero baka hindi kumportable si Jae?" Dahil sa tanong ay mas lalo tuloy siyang hindi naging kumportable dahil sabay sabay na napatingin ang mga ito sakanya. Well, mukhang mabubuti naman silang lalaki. At siguradong hindi siya papabayaan ni Khlar. "Yes, okay lang. Though I am not fond of having boys.. around." Nagkatinginan ang tatlo, matimtim na inaanalisa ang sinabi ni Jae bago nagngitian. "Bakla naman 'yang dalawa, ako lang naman ang lalaki dito." Wala siyang ibang nagawa kundi ang tumawa nang tumawa lalo pa't halos magsapakan na ang tatlo dahil sa ginawang pang aasar ni Khlar sa mga kaibigan. Wala naman sigurong masama itry. Pag aalu pa nito sa sarili. MALAKI ang condong iyon ni Axl, nakakapagtakang siya lang ang nakatira doon. May iilang kwarto at mahabang dining table. "Tiba tiba ka sa chikababes dito, Ax." Hindi na napigilan ni Neil ang bibig, maging siya ay nagulat. Matagal na niyang kaibigan si Axl noong high school sila pero ngayon lang nito nakagawang makatapak sa tinutuluyan nito. "Wala akong girlfriend no.." Mahinang sabi nito pagkatapos ay nag aalangang bumaling sakanya. "At hindi rin ako manloloko." Fine, Jae knows it! Nadala lang siguro siya ng emosyon niya ng masabihang ganon si Axl. Mukha lang, pero kapag nakasama mo siya ng higit sa isang oras ay mapapatunayan mong hindi. Axl has his own wisdom at malalaman mo talagang wala sa bokabularyo nito ang p*******t ng babae. Siguro hindi lang maiiwasan na babae na mismo ang lumalapit kay Axl. He seems smart, mabait saka gwapo talaga. "I'm sorry, Axl." Tinawanan lang siya ng lalaki saka nagpatuloy sa pagdadaldal. Hindi na siya maguguilty at hindi na siya paparinggan, mahina siyang natawa sa mga iniisip. "Ikaw lang mag isa dito bud?" Sumingit na si Khlar sa eksena, ngayon lang halos nakagalaw dahil hindi nito inasahang magkahawak sila ng kamay ni Jae ngayon. Ayaw niyang pangunahan ang dalaga kaya naman ganon nalang ang gulat nito ng bigla siyang hilahin ni Jae papasok sa bahay at hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibitawan ang mga kamay niya. Buti ay pagkatapos ng ilang minutong pagpapakalma sa sarili ay nakapagsalita rin siya. "Oo, K. Pero nung high school dito na nagssleep over yung mga kaibigan ko." Tumango na siya bago magpatuloy na naman si Axl magkwento. Napalingon lang ulit siya sa mga kamay nilang magkahawak ng mapansing niluluwagan ni Jae iyon at akmang bibitaw na. No! Inayos niyang muli ang kamay at mahigpit na pinagsalikop ang mga iyon. Sinikap niyang ibaling ang paningin sa ibang lugar para maiwasan ang pagkahiya. Nangiti naman sa aksyong iyon si Jae, hindi nito maintindihan ang nararamdaman. Pero isa lang ang sigurado niya, gusto niya iyon. Si Axl ang nagsagot ng lahat ng kailangan, siya na rin ang bumili ng pagkain at iilang inumin para sakanila. Hindi niya naisip na mapera pala ang binata, wala kasi sa pananamit at salita nito ang rangya. Mahahalata mong simple lang. Nanonood sila ng movie habang kumakain, nakahiga naman si Neil habang nagpapakabusog sa pagkain. Samantalang sila namang dalawa ni Khlar ay pukos sa panonood dahil nagpapakiramdaman. Hindi pa rin naipaghihiwalay ang mga kamay. Overall, it was a great experience! Hindi naman pala magiging katulad ng iniisip niya. Akala niya'y hindi niya magugustuhan ang mga kaibigan ni Khlar pero nagkamali siya. Ni halos ayaw pa nga nila magsiuwi pero kinailangan na rin dahil sa maagang pasok kinabukasan. "Thanks, bud. Babalik pa kami ha." Natatawa pang pahabol ni Neil palabas noong condo. Nagtawanan ulit pagkatapos ay nagkanya kanya na sa paalam. Dahil iba ang daan pauwi ni Neil ay silang dalawa muli ni Khlar ang magkasama, sa taxi na ang naging sunod nilang distinasyon. Mas madali kasi iyon lalo pa't malayo layo pa ang uuwian ng dalawa. "Ihahatid kita ha?" Nangingiti lang na tumango si Jae sa sinabi ni Khlar, ngayon lang nararamdaman ang pagod dahil sa pakikipagkulitan sa mga kasama kanina. At dahil sabay pang natahimik ang dalawa, hindi tuloy maiwasang isipin ni Jae ang kanila ni Khlar. Isang buwan na, isang buwan na silang ganto ang ayos pero hindi naging malinaw kung ano ba talaga. Katulad ng karamihan, gusto niyang malinawan. Gusto nito ng konkretong sagot. Wala naman siguradong masama kung magtanong? Atleast alam niya kung ano ba talaga akg mayroon sakanila at kung saan siya dapat lumugar. Fine, I'll ask him. Ilang beses pa siyang nagpakawala ng malalalim na hininga bago binalingan ang kasama. "Khlar.." Naging palibot libot ang mata niya—hindi mapirmi ang mga tingin. Nag aalangan kung dapat bang magtanong o mas mabuting mag antay nalang? But it's bothering her! Alam niyang may karapatan pa rin naman siyang malaman iyon. "Ano 'yun, Jae?" Malayo pa sila, marami pang oras para mag usap kaya paniguradong lahat ng mga tanong ay masasagot. Katulad ng gusto nito. "Ano tayo?" Sinalakay ng gulat ang mukha ng lalaking kaharap, hindi inaasahan ang narinig. Pupwede namang magtanong si Jae, pero hindi niya alam na sa sitwasyon na iyon na mismo! Itinago nito ang pagpapanic kaya nakailang ulit na napabuntong hininga. "Jae—" "Do you.. like me?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD