[Trish's POV] Tahimik na ang lahat dito. Ako na nga lang siguro ang gising eh. Nauuhaw pa ako. Sige kukuha nalang ako ng tubig sa baba. Dahan dahan akong bumaba. Para wala akong magising. Pero pagbaba ko may tao pang gising at nanonood ng TV mag-isa. Napatingin siya sakin. Naramdaman niya kasing nandito ako. "Gising ka pa pala." Hindi ko siya sinagot sa sinabi niya dahil obvious naman na gising ako. "Bakit gising ka pa?" "Kukuha sana ako ng tubig at di ako makatulog." sagot ko "Ahhh. Kung di ka pa makatulog pwede kang manood muna dito." sabi niya tsaka umayos ng upo Lumakad naman ako sa pwesto niya at umupo sa tabi niya. Tahimik lang kaming dalawa. Walang umiimik saming dalawa. Parehong nagpapakiramdaman. "Sorry." sabay naming sabi kaya nagkatinginan kami "I'm sorry kung pinaba

