[Laureen's POV]
Nagmimeeting nanaman ngayon yung SCO officers ng Southridge at syempre ng Northbridge.
Nakakainis nga yung Lyka na yun! Pabebe siya! Dikit ng dikit dun sa apat na lalaking mayayabang tapos yayakap. Naiinis naman sakanya yung apat.
Si Lyka ay taga Southridge at siya ang Vice President ng SCO nila. Seriously? Binoto nila ang babaeng to? HAHAHA! Nakakatawa.
Pero mas dikit siya ng dikit dun kay Dexter.
Mas naging okay naman ang meeting ngayong araw kasi walang away na naganap. Siguro onting pagtatalo lang pero okay pa rin naman ang naging kinalabasan ng meeting namin.
After ng nasabing meeting ay pinauwi na rin kami ni Fiona. Medyo madilim na rin kasi ng natapos ang meeting namin. Mga 3 pm na rin kasi kami nagstart na magmeeting eh. And this time nasa school kami ng Southridge, kasi sabi nila kami naman daw ang pumunta sakanila. Demanding!
Naglalakad na kaming apat ng bigla kong maalala na naiwan ko yung notebook ko dun sa room kung san kami nagmeeting.
"Umm girls, naiwan ko yung notebook dun sa room. Mauna na kayo, babalikan ko pa eh."
"Samahan ka na namin." sabi naman ni Trish
"Wag na, okay lang ako. Gabi na oh, baka hanapin na kayo nila tita." tinulak ko naman sila palabas ng Southridge
Pagkaalis nila ay nag-umpisa na akong bumalik sa room. Wala ng tao. 6 pm na rin kasi eh, and medyo madilim din sa school nila. May mga lights na nakabukas pero nakakatakot pa rin maglakad mag-isa. Parang anytime may makakasalubong kang white lady. Nakakatakot talaga, swear!
Dahan dahan akong naglakad papunta dun sa room kung san kami nagmeeting kanina. Hindi na nakabukas ang ilaw, so it means wala ng naiwan dito. Ineexpect ko pa naman na may naiwan kahit isa na taga Southridge.
Binuksan ko na ang door ng room and pati na rin ang ilaw. Kabang kaba ako habang ginagawa ko yun. Inumpisahan ko ng hanapin ang naiwan kong notebook. Nasan ko ba yun nailapag? Ano ba yan! Maliit na notebook lang kasi siya.
Pumunta ako dun sa kaninang lugar kung san ako nakaupo. Ah ito pala! Nasa gilid nung mga unan unan. Yeah, may unan una tong room na to kasi for SCO officers daw talaga yun.
Kinuha ko na yung notebook ko at tatalikod na sana ako ng biglang may magsalita na dahilan para manginig ako sa takot.
"What are you doing here?" unti unti akong lumingon dun sa nagsalita
Multo ba to? WAAAH!
Paglingon ko, hindi multo ang nakita ko kundi isang lalaking ubod ng yabang. Keith.
"TINAKOT MO AKO!!!!!!!"
"I did not."
"OO! AKALA KO MULTO NA!"
"Pwede bang wag kang sumigaw?"
"BAKIT KA BA KASI NANDITO?!"
Tinignan niya naman ako ng masama tsaka naiiritang kinamot ang ulo niya
"Kababaeng tao napakaingay mo."
"Sus. Bat ka ba kasi nandito?"
"I should be the one asking you. What are you doing here?"
"Naiwan ko kasi to oh." sabi ko naman sakanya sabay wave nung notebook ko sa harap niya
"I get it. No need to wave it in front of my face. Tss."
"Napakaarte mo. Lalaki ka ba talaga? Daig mo pa babaeng may menstruation eh."
Tumingin naman siya sakin tsaka ako inirapan.
"Oh ikaw anong ginagawa mo rito?" itinaas niya yung phone niya sakin na parang pinapakitang naiwan ko to
Tumango nalang ako. After that umalis na siya. INIWAN NIYA AKO!
Dali dali kong pinatay ang ilaw at tumakbo papunta sakanya. Napatingin naman siya sakin.
"Sorry, duwag kasi ako eh." nagpeace sign pa ako sakanya
Hindi niya ako pinansin at dire-diretso lang sa paglalakad hanggang sa lumiko siya papunta sa parking area. AH. May dala siguro siyang sasakyan. Tutal malapit na rin naman ako sa gate ay tinakbo ko nalang iyon. Hindi nanaman din masyadong madilim dun sa part na yun.
[Keith's POV]
Nakita ko nanaman ang babaeng yun. Ang ingay ingay niya. Hindi mapigil ang bibig niya sa pagdaldal. Ang sarap busalan ng bibig niya kasi the more siyang nagsasalita, the more siyang nag-iingay, mas naaalala ko si Daph.
Si Daph, siya ang babaeng sobra kong minahal. Hindi naging kami pero parang kami kung kumilos, pero lahat ng tungkol samin ay biglang nawala, bigla nalang siyang umalis ng hindi nagpapaalam, bigla nalang hindi ko na siya macontact at nalaman ko nalang na nagpunta na siya ng ibang bansa. Nakakagago lang yung ginawa niya sakin. Pinagmuka niya akong tanga, pero hindi ko pa rin magawa na magalit sakanya. You know why? Kasi siya ang first love ko, at naniniwala akong siya na rin ang last love ko. Hanggang ngayon kahit malabo umaasa ako na baka isang araw bumalik siya at magsorry sakin, at kung sakaling gawin niya yun ay hindi ako magdadalawang isip na tanggapin siya muli.
Ang bading mang tignan pero naiiyak ako, naiinis ako sa sarili ko kasi sobra kong minahal ang babaeng yun. Sobra ko siyang minahal, minahal ko siya higit pa sa buhay ko.
Tapos ngayon isang babaeng katulad niya pa ang makikilala ko, isang babaeng napakaingay at happy go lucky. Isang babaeng nagpapaalala ng sobra sakin kay Daph.
Pinaandar ko na ang kotse ko, pagkalabas ko ng school ay nakita ko si Laureen na mukang nag-aabang ng jeep. Nakita niya rin naman akong lumabas mula sa gate ng school, pero hindi ko siya pinansin at hindi ko rin hininto ang kotse ko. Wala naman akong balak na isakay siya eh.
[Laureen's POV]
Nakita kong lumabas mula sa Southridge ang isang sasakyan. Mukang si Keith ata to. Sabi na nga ba may sasakyan siya eh. Sana ako rin, pero hindi naman ako marunong mag drive. HAHAHA!
Unti unti ng lumayo ang kotse niya, hindi man lang ako inalok na sumakay. Well, naiinis nga pala siya sakin at ako rin sakanya. Syempre given na yun na hindi niya ako isasakay noh.
"Ang tagal naman ng jeep! NAKAKAINIS!"
Wala kasing jeep na dumadaan. Kung meron man puno na. Hay nako! Malayo pa naman ang bahay ko rito. Kailangan ko talagang sumakay ng jeep or kahit bus. Pero walang bus na dumadaan tapos puro puno ang jeep. Pero kung wala pa rin talaga sige lalakarin ko nalang siguro hanggang dun sa may mismong sakayan ng jeep kahit na malayo yun dito. Pero no choice naman kasi ako.
Gabi na rin kasi kaya punuan na talaga ang mga jeep, at syempre traffic din.
Matagal tagal na rin akong nag-iintay dito, nakakatulog na nga ako eh, ng biglang may kotseng bumusina sakin. Hindi ko napansin na may dumaan na kotse ah. Pero wala naman ako sa kalsada bakit niya naman ako binusinahan?
Tinignan ko lang ang kotse, parang pamilyar sakin. AHH! Parang ito yung kotse ni Keith ah. Pero baka kaparehas lang, oo siguro kaparehas lang. Asa naman na papasakayin ako nun. Atsaka hello! Kanina pa kaya yun umalis! Hindi naman ako babalikan nun, kasi base sa personality niya isa siyang walang pusong lalaki.
"Hey, kanina pa ako nandito, hindi ka ba sasakay?"
Nagulat ako ng makita kong si Keith nga ang nasa loob ng sasakyan. Binaba niya kasi yung window dun sa may passenger seat.
"Binalikan mo pa talaga ako?! ANG BAIT MO NAMAN!"
Napatss naman siya dahil sa inasta ko.
"Hindi kita binalikan, wag kang feeler. Hindi mo ba napansin na bumalik ako sa school kasi nakalimutan kong kunin yung libro ko sa locker. Eh paglabas ko ulit ng school nandito ka so I decided na isabay ka nalang, baka kasi mapano ka pa tapos dalhin pa ng konsensya ko kasi ako yung last na nakakita sayo."
"Wow! May konsensya ka pala. Hindi na ako tatanggi ah. Ihatid mo na ako dun sa mismong bahay ko!" sabi ko naman sakanya habang tuwang tuwang sumasakay sa kotse niya
"Bakit ba ang daldal mo at ang ingay mo?"
"Eh, pinanganak kasi akong ganun. Hindi ko rin alam eh. Pero kahit madaldal ako, matalino ako! Top 1 kaya akooo! Sana nga hanggang sa grumaduate ako eh top 1 pa rin ako eh! Ikaw ba?"
Hindi na niya ako sinagot pa sa tanong ko sakanya. TSS! Sungit niya talaga.
"Sungit mo naman! Tinatanong ka lang naman eh. Bakit ba ang sungit mo?"
"Dami mong tanong."
"Ang tahimik mo kasi, tapos wala ka pang puso! Tsk!"
"Wala kang pake."
"Sungit mo, pero salamat nalang kasi may naiwan ka sa locker mo kung hindi baka mamaya pa ako nakauwi."