[Keith's POV] "Hay salamat naman pre at nagising ka rin sa katotohanan!" sigaw ni Jace "Pre bakit ngayon mo lang naisip yan?" tanong naman ni Clyde "Yes. I know, sobrang sira ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa sakanya samantalang ang bait naman niya sakin. I used her dahil lang sa kaparehas niya ng ugali si Daph, pero nung mas nakilala ko pa siya, nalaman kong marami palang bagay ang meron siya na wala si Daph." sagot ko naman "So mahal mo na?" tanong naman ni Dex "Si Laureen? Ano ka ba! Alam mo namang si Daph ang mahal ko. Atsaka diba nga ginamit ko lang siya." "Noon yun! Ginamit ko siya noon! Pero ngayon lahat ng pinapakita ko totoo. Kasi mahalaga siya sakin eh. Kasi kaibigan ko siya. Mahalaga siya kasi siya si Laureen." "Sasagot lang ng yes or no hindi pa magawa."

