[Clyde's POV] Loko tong si Keith. Bakit niya pa dinala rito si Daph? Ako ang nahihiya sa pinaggagawa nitong kaibigan ko kay Laureen eh. Ang bait bait ni Laureen tapos wala siyang alam na ginagamit lang siya ni Keith. "Keith, seriously?" bulong ko sakanya Pero hindi siya sumagot at sa halip ay ngumiti lang sakin. Parang sinasabi niya sa ngiti niya na 'hayaan mo na ako' At syempre wala naman kaming magagawa about dun. Afterall, it's his life. Sana man lang naging considerate siya sa feelings ni Laureen. "Sino siya?" tanong ni Trish sakin, kasi mukang naguguluhan na siya. "Daph, she's the ex-love of our friend Keith, at mukang hanggang ngayon ay mahal niya pa rin." pagpapaliwanag ko "Muka siyang bitch." sabi niya naman Natawa naman ako sa reaksyon ni Trish. Ang cute niya! Hahaha!!!

